Chapter XXXVII

10.4K 707 64
                                    

Chapter XXXVII: Massacre

Gabi na at ang bilog na buwan ay para bang isang bumbilyang nagbibigay liwanag sa buong kalupaan ng Floating Island. Ang mga bituin ay patuloy ring kumikislap na para bang makikintab na bato sa gitna ng maraming buhangin.

Sa loob ng isang magarbong silid, isang lalaki at isang matanda ang seryosong nag-uusap. Ang ekspresyon ng matandang lalaki ay paiba-iba at madalas na mapapansin ang gulat sa mukha nito matapos magsalita ang kaniyang kausap na lalaki.

"Sect Master Noah... totoo po ba ang inyong sinabi?!" makikita sa matandang mukha ni Elder Marcus ang kalituhan.

Hindi mapigilan ni Elder Marcus ang magulat sa sinabi ni Sect Master Noah sa kaniya. Kung totoo nga ang sinasabi ni Sect Master Noah, hindi malabong malagay sa panganib ang kanilang buong Sacred Dragon Kingdom!

"Sana nga ay nagkakamali ako ngunit, hindi maaaring magkamali ang aking pakiramdam. Maaaring naramdaman din yun ni Lord Helbram ngunit hindi pa 'yon malinaw. Isa pa, alam kong ayaw niyang paghinalaan ang binatang 'yon dahil kay Association Master Morris. Kahit na labing pitong taon na ang nakakaraan, hindi ko makakalimutan ang pangyayaring 'yon. Mayroong pagkakatulad ang aurang inilalabas ni Brien noong ginamit niya ang kakaibang skill at ang ginamit ng dati naming nakasagupa labing pitong taon na ang nakararaan." Seryosong wika naman ni Sect Master Noah habang nakatingin sa labas ng bintana.

Malumanay ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa mga bituin na para bang mayroong inaalala. Kinuha niya ang natutulog na si Munting Red sa kaniyang balikat at magkakahalong emosyon ang nagpakita sa kaniyang mga mata. Hinimas niya ang mabalahibong si Munting Red na nagustuhan naman ng maliit na halimaw.

Napatingin si Elder Marcus sa kaniya. Alam niya rin ang nangyari labing pitong taon na ang nakakaran dahil noon pa man ay Elder na siya ng Cloud Soaring Sect kasama ang Elder pa lang din na si Sect Master Noah. Taimtim siyang tumingin sa buwan at seryosong nagwika, "Kailangan ba natin itong ipaalam sa Sacred Dragon Family, Sect Master Noah?"

Umiling naman si Sect Master Noah at marahang nagwika, "Kahit na tiwala ako sa aking nararamdaman, kailangan muna natin ng matibay na ebidensya. Hindi natin maaaring galitin si Association Master Morris dahil sa huli, siya pa rin ang isa sa pinakamaimpluwensyang adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom."

"Kaya naman Elder Marcus, nais kong imbestigahan mo ang buong pagkatao ng binatang iyong nang palihim sa oras na makabalik tayo sa Sect. Hindi natin puwedeng ipaalam ang hinala natin sa iba at kailangan natin itong itago sa pagitan nating dalawa upang makaiwas sa mas malaki pang gulo." Pagpapatuloy ni Sect Master Noah.

Tumingin naman sa kaniya si Elder Marcus at bahagyang yumuko, "Naiintindihan ko po, Sect Master Noah."

--

Sa malawak na kagubatan sa loob ng Mystic Treasure Realm.

Isang binatang nakasuot ng lilang roba ang walang emosyong humaharap sa isang higanteng ahas. Ang ahas na ito ay tinagawag na Gigantic Vicous Python, isang Fourth Grade Vicious Beast at maikukumpara sa isang 7th Level Scarlet Gold Rank.

Mayroon itong matatalas na ngipin na mikukumpara sa talim ng espada. Ang kabuuan nito ay kulay asul at ang marahas na mata nito ay mapapansing nakatutok sa binata na para bang tumitingin ito sa kaniyang pagkain. Ang mahaba nitong buntot ay pagewang-gewang at ilang saglit pa, bigla itong mabilis na sumugod patungo sa kinatatayuan ng binata. Ang buntot ay nabalutan ng lilang enerhiya at mapapansin ding mayroong lilang likido ang tumutulo mula rito.

Ang atakeng ito ay punong-puno ng lason!

Ngumiti naman ang binata at bahagyang iniiwas ang kaniyang katawan. Dumaplis lang ang atake ng ahas kaya naman sinamaan nito ng tingin ang binata. Mabilis na sumugod ang binata sa kinaroroonan ng ahas, tumalon at agad na nagpakawala ng isang malakas na suntok. Dahil sa bilis ng binata, hindi na nagawang umilag pa ng ahas kaya naman tinamaan ito sa ulo.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now