Chapter XXVI

11.1K 723 60
                                    

Chapter XXVI: It's time

Bilang isang alchemist at dahil sa mga alaala ni Kurt Bautista, alam ni Finn Doria kung anong epekto ng potion na ito. Isa itong potion na may kakayahang magpatulog ng adventurer na makakaamoy nito.

Hindi ito nakakasama sa isang adventurer at ang tanging epekto lang nito ay ang patulugin ang sinumang adventurer na hindi tataas sa ranggo na Profound Rank.

Hindi inaasahan ni Finn Doria na gagamitin ito ng mga misteryosong adventurer kaya naman hindi siya nakapaghanda. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nanghihina at ang kaniyang paningin ay unti-unti na ring lumalabo. Sinubukan niyang labanan ang epekto ng Sleeping Potion ngunit napasok na nito ang loob ng kaniyang katawan kaya naman hindi kalaunan ay unti-unti na rin siyang nawawalan ng malay.

At bago siya mawalan ng malay, nakita niya ang kabuuang pigura ng misteryosong adventurer na pumasok sa kaniyang silid. Nakasuot ito ng purong itim mula ulo hanggang paa at nakasuot din ito ng puting maskara. Mabilis na lumapit ang naka-purong itim na misteryosong adventurer kay Finn Doria at sinalo ang babagsak nitong katawan. Binuhat niya ito sa kaniyang balikat at agad na lumabas ng silid.

Habang buhat-buhat ang katawan ng walang malay na binata, nakita naman nang misteryosong adventurer ang anim niya pang kasama na may kaniya-kaniya ring buhat na batang adventurer.

"Tapos na ang unang misyon. Kailangan na nating umalis." Namamaos na wika ng misteryosong adventurer na may buhay kay Finn sa kaniyang mga kasama.

Tumango naman ang anim bilang pagtugon at ilang sandali pa, agad ring naglaho ang pigura nila.

--

"Ilang oras na lang at magsisimula na ang huling parte ng kompetisyon..." giit ng isang lalaking lumulutang sa ere.

Sa tabi ng lalaking ito ay isang matandang nakatapak sa isang lumulutang na espada. Pareho nilang taimtim na pinagmamasdan ang gusaling nasa baba. Kanina pa nila pinakikiramdaman ang nangyayari at napabuntong hininga na lang sila ng walang nagapanap na kakaibang pangyayari.

Mayroon silang inaasahang magaganap ngunit dahil hindi ito nangyari, dismayado sila at wala silang magawa kung hindi ang mapabuntong hininga na lamang.

"Sect Master Noah... ang puwersa ng Royal Clan ay talagang kahanga-hanga. Lahat ng apatnapu't siyam na Royal Guards ay mga Profound Rank Adventurers. Lahat sila ay nasa pagitan ng 3rd Level Profound Rank hanggang 7th Level Profound Rank! Sa ating faction, mayroon lang tayong higit sa dalawampung Profound Rank Adventurer." Humahangang wika ni Elder Marcus.

Ang dalawang adventurer na tahimik na nanonood sa mga nangyayari ay sina Sect Master Noah at Elder Marcus. At ayon kay Elder Marcus, ang Royal Guards ang dumukot sa grupo ng Soaring Seven!

Bahagyang tumango si Sect Master Noah bilang pagsang-ayon. Pinagmasdan niya ang naglalahong pigura ng pitong Royal Guards at nagwika, "Sila ang rason kung bakit walang kumakalaban sa kasalukuyang Hari. Sila ang personal na guwardiya ng hari kaya naman walang sinuman ang nasa Royal Clan na makakatapat sa puwersang ito. Isa pa, andyan din ang kaniyang kanang kamay na si Lord Helbram."

"Nakaalis na ang Royal Guards at ito na rin ang oras upang tayo ay sumama kina Lord Helbram at iba pang Faction Masters at Elders." Pagpapatuloy pa ni Sect Master Noah

Tumalikod si Sect Master Noah at aalis na sana ngunit natigilan siya ng bigla na lamang magsalitang muli si Elder Marcus, "Sect Master Noah, wala ka na bang balak na bumalik sa Royal Clan at magpakita sa Hari?"

Muling hinarap ni Sect Master Noah si Elder Marcus at malumanay na tinitigan ito. Bumuntong hininga siya at malumanay na nagwika, "Masyadong komplikado ang nangyayari sa kaharian at alam mong mas magiging komplikado lang kung babalik ako."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now