Chapter XIV

11.5K 743 94
                                    

Chapter XIV: I'm waiting for this

"Elder Alicia... Association Master Morris... humihingi po ako ng paumanhin dahil hindi ko nagawang ipanalo ang unang laban.." nahihiya habang nakayukong wika ni Hitch Dreo.

Ngumiti si Elder Alicia at ipinatong ang kaniyang kamay sa balikat ni Hitch Dreo, "Huwag mong alalahanin ang bagay na 'yon. Ginawa mo ang lahat at talaga namang napahanga mo ang karamihan sa iyong determinasyon. Kahit na hindi ka nagwagi sa laban ninyo ni Yves Lilytel, sinisigurado kong magiging isa ka pa ring malakas na Adventurer sa hinaharap."

Medyo gumaan ang nararamdaman ni Hitch pero hindi pa rin siya mapanatag dahil kahit isang salita ay hindi pa siya nakaririnig mula kay Association Master Morris. Ang atensyon nito ay nasa baba ng istadyum, lugar kung saan magaganap ang laban ng Ancient Seven at Burning Seven.

--

Nakatayo pa rin si Ashe Vermillion sa tabi ni Finn Doria. Ang kanilang atensyon ay nasa dalawang dalagang nasa baba ng istadyum. Ang antas ng dalawang dalaga ay nasa 4th Level Scarlet Gold Rank, mas mababa ng isang antas sa antas ng lakas ni Ashe Vermillion.

Nakatuon ang atensyon ni Finn Doria sa dalagang naka itim na bistida. Ang dalagang ito ay nagngangalang Jeene Sieve, mula sa Ancient Darkness Island. Nakatuon ang atensyon ni Finn Doria sa dalaga hindi dahil sa kagandahang tinataglay nito, 'yon ay dahil sa kakaibang aurang nararamdaman niya mula rito.

Tama nga ang mga bagay na nakasulat sa librong nabasa niya. Ang librong ito ay tungkol sa Seven Great Faction at ayon dito,

Ang Immortal Sword Pavilion ang pinakamalakas.

Ang Ancient Darkness Island ang pinakamisteryoso.

Ang Alchemist Association ang pinakamaimpluwensya.

Ang Soul Puppet Sect ang pinakadelikado.

Ang Burning Heaven Sect ang pinakamarahas.

Ang Ice Feather Sect ang pinakamapagmataas at,

Ang Cloud Soaring Sect ang pinakamabuti.

Ramdam na ramdam ni Finn Doria ang pagka misteryosong aura na inilalabas ni Jeene Sieve. Gayunpaman hindi niya na ito pinansin at itinuon nalang ang kaniyang pansin sa magaganap na laban. Hindi naman siya naririto upang alamin ang lahat ng bagay patungkol sa Seven Great Faction, andito siya upang manalo at makuha ang pagkilala ng lahat ng mga adventurers na naririto.

Tahimik ang buong istadyum at tanging ihip lang ng hangin ang maririnig sa buong paligid. Hindi pa rin kumikilos ang dalawang dalaga, nakatitig si Edelina kay Jeene samantalang wala namang ganang nakatingin si Jeene sa lupa. Ilang minuto pa ang lumipas, mabilis na sumugod si Edelina kay Jeene. Nang malapit na siya kay Jeene, tumalon ito nang mataas at mabilis na sinipa si Jeene Sieve. Inakala ni Edelina na tatama na ang kaniyang pinakawalang sipa, ngunit bigla siyang napangiwi nang makitang mabilis na kumilos si Jeeve Sieve at tumalon paatras.

Tumama ang sipa ni Edelina sa lupa kaya naman nagkaroon ng maliit na bitak dito. Hindi pa man nawawala ang bumabalot na alikabok sa kinaroroonan niya, mabilis siyang sumugod muli at nagpakawala naman siya ng isang malakas na suntok patungo sa kinaroronan ni Jeene Sieve. Sinalag ito ni Jeene gamit ang kaniyang dalawang pinag-ekis na braso. Nang makakuha ng tiyempo si Jeene, ikinuyom niya ang kaniyang kamao at sinuntok ang kaharap niyang si Edelina. Alerto si Edelina kaya naman nasalag niya ito, ang hindi niya lang inaasahan ay ang lakas ng suntok na ito. Kaya kahit na nasalag niya ito, tumilapon pa rin siya at bumagsak ang kaniyang katawan sa hindi kalayuan.

Hindi naman nagsayang ng pagkakataon si Jeene at mabilis na sumugod sa kinaroroonan ng tumatayong si Edelina. Si Jeene naman ang tumalon ng mataas at nagpakawala ng sipa na agad namang sinalag ni Edelina gamit ang isang malakas na suntok. Nagkaroon ng malakas na puwersa sa paligid at nabalutan ng malakas na hangin ang paligid. Lumubog ang paa ni Edelina Fiore sa lupa dahil sa lakas ng puwersa.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon