Chapter XVIII

11.5K 744 120
                                    

Chapter XVIII: Provocation

Kung mayroon mang miyembro ng Soaring Seven ang inaasahan ni Sect Master Noah at Elder Marcus na makakapantay kay Azur Lilytel, ito ay walang iba kung hindi si Finn Doria.

Ang totoong kakayahan at antas ng lakas ng binatilyong ito ay nananatili pa ring misteryo sa kanila kaya naman umaasa silang may pag-asang mapantayan o matalo ni Finn Doria si Azur Lilytel at maipanalo ang kanilang Cloud Soaring Sect sa kompetisyong ito.

Ganoon din ang iniisip ng ibang miyembro ng Soaring Seven. Nasaksihan nila kung paano kadaling talunin ni Finn Doria ang lahat ng nakakalaban niya simula pa lang noong nasa Cloud Soaring Sect pa lang siya. Naniniwala rin silang hindi lang basta 1st, 2nd , 3rd, 4th o 5th Level Scarlet Gold Rank ang binatilyong ito.

Kahit si Ashe Vermillion at Lore Lilytel ay tanggap na ang bagay na ito. Naiintindihan nilang si Finn Doria na lang ang kanilang pinakamalaking pag-asa sa Seven Great Faction Games. Higit pa roon, umaasa si Lore Lilytel na tatalunin at babasurahin ni Finn Doria si Azur Lilytel. Kung mangyayari ito, siguradong makakaramdam siya ng kasiyahan sa kaniyang puso.

Matalinong Adventurer si Lore Lilytel at alam niyang hindi magandang hakbang ang galitin o kalabanin si Finn Doria. Kung hindi niya magiging kaibigan ang binatilyong ito, pipilitin niya na lang dumistansya at lumayo sa kaniya.

Hindi katulad ni Lore Lilytel, si Ashe Vermillion ay interesadong labanan si Finn Doria. Ito ang kauna-unahang beses na naging interesado siya sa sikreto ng iba kaya naman hindi niya papalampasin ang pagkakataong ito. Isa siyang babaeng Adventurer na may layunin at pangarap. Nais niyang balang araw ay hindi lang sa maliit na kahariang ito siya makilala. Gusto niyang lumakas pa upang malibot ang mundo ng mga Adventurers.

Habang hinaharap ang mga mapanuring tingin nang kaniyang kasama, nagkunwari na lang si Finn Doria na hindi niya sila napapansin. Hindi pa ito ang tamang oras upang ihayag niya ang kaniyang sikreto at isa pa, nais niya munang magsaya sa labanang ito at kilalanin ang totoong pag-uugali ng bawat isang naroroon.

--

Sa lugar na kinaroroonan ng Alchemist Association, marahang lumakad si Association Master Morris patungo kay Brien Latter at malumanay na nagwika, "Brien, kahit na hindi ka manalo kung sakaling harapin mo ang alinman kina Azur Lilytel at Gerould Faust, hindi mo kailangang panghinaan ng loob. Isa kang talentadong Alchemist at nagsisimula pa lang ang iyong paglalakbay at pagsubok bilang parehong Alchemist at Adventurer. Maaaring malakas silang dalawa ngunit mas bata ka sa kanila ng dalawang taon. Isa pa, naniniwala akong balang araw ay mahihigitan mo silang dalawa at sigurado akong hindi lang sila ang mahihigitan mo. Maging ang mga batang miyembro ng Royal Clan ay kaya mong mahigitan basta ba bibigyan ka pa ng ilang taon."

Hindi naman isinapuso ni Brien Latter ang sinabi ng kaniyang guro. Wala siyang pakialam sa dalawang 'yon. Ang kaniyang interes ay nakay Finn Doria at siya lang ang tanging nais niyang ipahiya. Iniisip niyang maaring hindi siya mananalo kay Finn Doria sa larangan ng Alchemy ngunit pagdating sa totoong lakas at laban, iniisip niyang walang magagawa sa kaniya si Finn Doria kahit na ang totoong lakas pa nito ay 6th Level Scarlet Gold Rank.

Napansin naman ni Association Master Morris at Elder Alicia ang reaksyon ni Brien Latter. Bumuntong hininga at umiling lang si Association Master Morris habang napangiwi naman si Elder Alicia. Simula pa lang ay hindi na gusto ni Elder Alicia si Brien Latter, samahan pa ng mapagmataas na pag-uugali na maging ang kanilang guro ay hindi niya pinakikinggan. Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Association Master Morris na hayaan na lang si Brien Latter, siguradong matagal niya na itong naturuan ng leksyon.

Normal lang naman na maging mapagmataas ang Adventurer at Alchemist ngunit hindi niya matanggap ang ugali nito sa tuwing kaharap nito ang kanilang guro. Malaki ang respeto ni Elder Alicia kay Association Master Morris at hindi niya gusto ang pambabalewalang ginagawa ni Brien Latter.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now