Chapter XLII

9.4K 673 98
                                    

Chapter XLII: I won't run...

"Finn Doria! Sinisilipan mo ba ako?!" sigaw ni Ashe habang ang kaniyang mga paa ay nakatapak sa ibabaw ng tubig.

Nakaalis na silang dalawa sa ilalim ng lawa at mabilis ding nakapagbihis. Ngayon, si Ashe Vermillion ay nag-aapo ng dahil sa sobrang galit kay Finn, literal na nag-aapoy.

Sa hindi kalayuan naman, iwinagayway ni Finn ang kaniyang dalawang kamay. Namuo ang maraming butil ng pawis sa kaniyang noo at pa-inosenteng nagwika, "Syempre hindi! Hindi ko alam na nasa ilalim ka pala! At kahit naman alam ko, gagawin ko pa rin ang bagay na 'yon-ah?"

Napahinto siya sa pagsasalita ng makita niyang bigla na lamang sumugod sa kaniya si Ashe Vermillion at nagpakawala ng nagbabagang kamao.

Nanlaki ang mata ni Finn Doria at hinablot ang nagbabagang kamao ni Ashe. Hindi siya napaso o nasaktan man lamang dahil isa siyang 5th Level Profound Rank habang si Ashe naman ay isa lang na 5th Level Scarlet Gold Rank.

Dahil sa pagsalag ni Finn Doria sa kaniyang atake, mas lalong nagalit si Ashe at sinubukang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ng binata, "Magbabayad ka sa paninilip mo sa akin! Hindi ako papayag na ang bastos na kagaya mo ay hindi magdudusa mula sa kamao ko!"

Sumakit naman ang ulo ni Finn Doria dahil sa napansin niyang nagalit talaga ng sobra ang dalaga.

Pero hindi niya naman talaga sinasadya ang makita ang hubad na katawan ni Ashe. Isa pa, sandali lang naman iyon...

Dahil sa hindi magawang mabawi ni Ashe ang kaniyang kamao, binalutan niya ng kaniyang soulforce ang kaniyang paa at malakas itong isinipa kay Finn Doria.

Mabilis naman itong dinakma ng binata kaya naman hindi niya sinasadyang mahawakan ang makinis at malambot na hita ng dalaga.

Napaungol naman ng mahina ai Ashe at ang kaniyang mukha ay namula ng dahil sa sobrang kahihiyan. Matalim siyang tumingin sa mata ni Finn habang binigyan lamang siya nito ng inosenteng tingin.

"Sumusobra ka na!" sigaw ni Ashe at gamit ang isa niya pang paa, tumalon siya at pinuntiryang sipain ang baba ng binata.

Nang makita ito ni Finn Doria, agad niyang binitawan ang kamao at isang paa ni Ashe at mabilis na tumalon paatras.

Pareho silang nakatapak sa tubig at kahanga-hangang ang kanilang katawan dahil hindi ito lumulubog sa lawa. Syempre, ito ay dahil sa isa sa kakayahan ng mga adventurers ang paglalakad sa ibabaw ng tubig.

Pumikit si Finn at inosenteng nagsalita, "Binibining Ashe-"

Hindi pa man siya tapos sa kaniyang sasabihin, isang nagliliyab na kamao ang tumama sa kaniyang guwapong mukha. Tumama ito ng direkta ngunit hindi man lang nito napagalaw ang binata.

Nagulat si Ashe Vermillion kaya naman agad siyang umatras. Nakita niya na lang ang nanlalaking mata ni Finn habang ang kaniyang ilong ay namumula. Tumulo ang dugo mula rito at pumatak sa tubig na kinatatayuan ng binata.

Hindi siya napuruhan sa atake ni Ashe dahil masyadong matibay ang kaniyang pangangatawan. Imposibleng mapinsala ng isang 5th Level Scarlet Gold Rank ang isang 5th Level Profound Rank Adventurer. Kahit pa gumamit si Ashe ng skill at soulforce, imposible niyang mapinsala ang matibay na pangangatawan ni Finn.

Hinawakan naman ni Finn ang kaniyang ilong at pinunasan. Mapait siyang ngumiti kay Ashe at nagsalita, "Binibining Ashe... Pwede bang hayaan mo muna akong magsalita...?"

Hindi naman nakinig sa kaniya si Ashe. Sa halip ay galit na galit nitong hinawakan ang kaniyang interspatial ring at agad na lumitaw sa kaniyang kamay ang isang pulang espada.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon