Chapter LX

12.3K 750 52
                                    

Chapter LX: Time to collect the debt

Nakahilata ang katawan ni Finn Doria sa gitna ng napakalaki at napakalawak na hukay. Basang-basa rin ang buong paligid at ang kaniyang buong katawan ay nababalutan ng kulay kahel na enerhiya. Mapapansin ding unti-unting naghihilom ang mga sugat at galos sa kaniyang katawan. Ramdam ng binata ang mainit at masarap na pakiramdam habang nababalutan siya ng enerhiyang ito kaya naman kahit na mayroon na siyang malay, hindi pa rin siya bumabangon.

"Finn anak..."

Mayroong malambing na boses ng babae ang umalingawngaw sa kaniyang isipan at hindi alam ng binata kung bakit parang punong-puno ng pagmamahal ang mga salitang ito. Hinintay niya muling magsalita ang tinig ngunit hindi na ito muling nagsalita pa, wala na muling kasunod na tinig ang narinig ni Finn Doria.

Nang makarinig siya ng pamilyar na boses kaya naman dahan-dahan siyang napamulat. Pagkamulat ng kaniyang mata, nakita niya ang bola ng liwanag na malapit sa kaniyang mukha. Malabo pa ang kaniyang paningin kaya naman inaninag niya pa ito.

"Finn Doria." Malumanay na wika ni Sierra.

Sinuportahan ni Finn Doria ang kaniyang sarili upang umupo. Bahagya niyang inilibot ang kaniyang paningin na para bang mayroong taong hinahanap. At matapos ang ilang sandaling paglingon-lingon, ibinaling niya na ang kaniyang buong atensyon kay Sierra at Little Black at naguguluhang pinagmasdan ang dalawa.

"Nakarinig ako ng isang tinig. Mayroon bang ibang nilalang dito bukod sa ating tatlo?" naguguluhang tanong ni Finn Doria.

Kanina lang ay nakarinig siya ng isang malambing na tinig ng babae. Bukod pa rito, tinawag siya nito sa kaniyang pangalan at sinabi rin ng babae ang salitang 'anak'. Sa buong buhay niya, isang babae lang ang tumawag sa kaniya ng anak at iyon ay walang iba kung hindi si Olivia na kaniyang kinikilalang ina.

Pero... malinaw na hindi boses ni Olivia ang tinig na 'yon kaya naman naguguluhan si Finn Doria. Kanino nagmula ang boses na 'yon at bakit ito tinawag na anak si Finn Doria?

"Bukod sa atin, wala ng ibang tao rito. Bakit, mayroon bang problema?" tanong ni Sierra.

Napansin naman ni Finn Doria ang kakaibang tingin ni Little Black kaya napatitig din siya dito. Matapos ang ilang sandaling pagtititigan, umiling na lang ang binata at nagsalita, "Wala. Maaaring guni-guni o nananaginip lang ako."

Gayunpaman, alam niyang hindi ito guni-guni. Para sa kaniya, totoo ang boses na 'yon.

Matapos niyang sabihin ang mga salitang ito, nagtungo muli si Little Black sa kaniyang makapal na buhok, umikot muna ito sandali bago tuluyang komportableng humiga rito.

"Mn." Tugon naman ni Sierra. Natahimik ito sandali bago muling magpatuloy, "Inabuso mo nanaman ang paggamit ng iyong soulforce kaya naman hindi ito nakayanan ng iyong katawan at agad kang nawalan ng malay matapos mong matalo ang iyong kalaban. Gayunpaman, ikinagagalak ko ang muling pag-angat ng iyong antas ng lakas. Isa ka ng ganap na 9th Level Profound Rank at nalalapit na ang iyong pagtungtong sa Sky Rank."

Nang marinig ito ni Finn Doria, doon niya lang napagtanto na mayroong malakas na enerhiya ang dumadaloy sa kaniyang katawan. Nanabik siya sandali ngunit agad rin siyang natigilan ng mapansin kung anong nangyari sa paligid.

"Anong nangyari sa lugar na ito? Bakit tayo nasa gitna ng malalim na hukay at bakit basa ang buong paligid? Isa pa, natatandaan kong malapit na akong matalo pero sa isang iglap lang, bigla na lamang mayroong kakaibang malakas na enerhiya ang dumaloy sa aking katawan at kumawala ito mula sa akin... Tinulungan mo ba ako, kagalang-galang na Sierra?" giit ni Finn Doria.

Natahimik naman sandali si Sierra bago ito tuluyang makahulugang magsalita, "Hindi. Tama ka, matatalo ka na sana at ililigtas na sana kita ngunit isang pambihirang pangyayari ang pumigil sa akin."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now