Chapter XI

11.4K 761 75
                                    

Chapter XI: I don't want to owe anything

Marahang iniiling ni Finn Doria ang kaniyang ulo at isinantabi na muna ang reaksyon ng maliit na itim na nilalang. Itinuon niya ang kaniyang atensyon sa lumang gaserang hawak-hawak niya at gamit ang kaniyang soulforce, pinakiramdaman niya ang kakaibang bagay na ito.

Matapos ang ilang minuto, bumuntong hininga si Finn Doria. Inaasahan niya ng wala siyang makukuhang impormasyon sa paraang ito ngunit nadismaya pa rin siya sa naging resulta. Kahit ang pinakamalakas na Adventurer ay hindi matuklasan ang nakatagong lihim ng lumang gasera, ano pa kaya si Finn Doria na hindi maikukumpara ang kaniyang antas ng lakas sa kasalukuyang hari ng Sacred Dragon Kingdom.

Dahil wala namang nangyari sa kaniyang ginawang pag-inspeksyon, susubukan niya naman ang iba pang paraan, at 'yon ay ang dahas!

Inihagis niya ang lumang gasera pataas at naghintay muli sa pagbagsak nito. Nang kapantay na nito ang dibdib ni Finn Doria, agad na gumalaw ang binatilyo at buong lakas niyang inatake ang lumang gasera.

Azure Wood Palm!

Isang malaking palad na yari sa soulforce ang biglang lumabas mula sa palad ni Finn Doria. Agad itong tumama sa lumang gasera at isang hindi inaasahang pangyayaru ang naganap. Bigla nalang naglabas ng bilog na harang ang mukhang ordinaryong gasera na pumalibot sa kabuuan nito. Nagtama ang malaking palad na yari sa soulforce at ang bilog na harang. Nanlaki ang mata ni Finn Doria ng masaksihan niya ito, hindi siya makapaniwala na kahit ang kaniyang buong lakas gamit ang skill ng kaniyang angkan ay mukhang hindi tatalab sa lumang gaserang ito.

Nagkaroon ng malakas na hangin na pumaligid sa dalawang naglalaban na puwersa. Nakalutang pa rin ang lumang gasera habang hindi naman nagkakaroon ng pagbabago sa harang nito. Ilang saglit pa ang lumipas...

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa posisyon ni Finn Doria. Tumalsik ang binatilyo ng sampung metro hanggang sa bumagsak siya sa malambot na damuhan.

Sa 'di kalayuan naman ay patuloy pa ring pinagmamasdan ng maliit na nilalang ang mga nangyayari. Walang pagbabago sa ekspresyon nito at mapapansing maingat pa rin itong nagmamasid sa paligid.

Bumagsak na rin ang lumang gasera sa lupa, naubos na ang damo at nagkaroon ng maliit na bangin ng dahil sa malakas na puwersang pumalibot sa paligid.

Marahang tumayo si Finn Doria at pinunasan ang dugong tumutulo sa gilid ng kaniyang labi. Malumanay siyang tumingin sa kinaroroonan ng gasera, totoo ngang hindi ganoon kadali ang tuklasin ang sikreto ng bagay na ito na kahit ang pinakamalakas na adventurer ay hindi matuklasan ito gamit ang kaniyang pinakamalakas na atake.

Ngunit nais pa ring subukan ni Finn Doria ang iba't ibang paraan. Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng lumang gasera at dinampot ito.

Muli niyang ininspeksyon ang kabuuan nito. Walang nagbago rito kaya naman napatango-tango si Finn Doria. Hindi niya man lamang nagasgasan ang bagay na ito kaya naman mas lalo siyang nakaramdam ng galak habang iniisip ang sikreto ng gaserang ito. Mas mahirap tuklasin, mas magandang sikreto ang tinatago.

Matapos ang ilang minuto, itinayo ni Finn Doria ang gasera sa lupa at muli niyang itinuon ang kaniyang atensyon sa pagkontrol ng kaniyang soulforce. Ang kaniyang buong katawan ay nabalutan ng asul na liwanag at mapapansing nagkakaroon ng bitak-bitak sa kaniyang kinatatayuan.

[Unrivaled Flame Art, First Skill: Flaming Claw!]

[Golden Bamboo Art, First Skill: Heavy Strike!]

[Luminous Art, First Skill: Luminous Kick!]

BANG!

Inatake ni Finn Doria ang lumang gasera ng tatlong magkakasunod na iba't ibang atake at gaya kanina, muling naglabas ng harang ang lumang gasera upang protektahan ang kabuuan nito.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now