Chapter IX

11.3K 749 108
                                    

Chapter IX: Strange Lamp

Nagsimula na ang pagsusubasta ng mga kahanga-hangang Armaments, bawat isa ay nagagalak habang nagpapatuloy ang subasta. Sa loob lamang ng ilang oras, isang dosenang Armaments na ng matagumpay na naisusubasta, ngunit ni isa rito ay wala pang nakukuha ang Cloud Soaring Sect.

"Ang susunod na Armament ay isang manipis na kalasag. Isa itong Top-tier Rare Armament at isa rin ito sa mga natagpuan sa liblib na kuweba. Ayon sa naka-ukit na mga salita rito, ito ay tinatawag na [Green Silk Cloth]. Nainspeksyon na ito ng aming Royal Clan kaya naman masisigurado namin ang kalidad nito. At dahil isa itong top-tier Armament, ang pangunahing halaga nito ay isang milyong gold coins. At ang pagtataas ay hindi dapat bababa sa limampung libong gold coins."

Inilabas niya mula sa kaniyang interspatial ring ang isang malambot na berdeng damit. Bawat isang adventurer na naroroon ay malinaw na nararamdaman ang aurang nagmumula rito. Isa nga itong magandang uri ng kalasag na Armament!

Nagkaroon ng diskusyon ang bawat Faction, bawat isa ay interesadong makuha ang Armament na ito at kabilang na roon ang Cloud Soaring Sect.

"Ezekias, bagay sa'yo ang Armament na 'yon. Ipapanalo at kukuhanin ng Cloud Soaring Sect ang magandang kalasag na 'yon para sa'yo." mahinang wika ni Sect Master Noah.

Nang marinig ito ni Ezekias Sieve, ang mata niya ay napuno ng galak at kasiyahan. Nagmula siya sa Angkan na malalakas ang depensa ng pangangatawan kaya naman mas lalo pang lalakas siya kung magiging pag-aari niya ito. Habang patuloy na nag-uusap ang grupo ng Cloud Soaring Sect isang sigaw ang umalingawngaw sa buong silid.

"Isang milyon at limampung libong gold coins mula sa Soul Puppet Sect!" sigaw ni Sect Master Piere.

Matapos magbigay ng presyo ni Sect Master Piere, nagsunod-sunod na ang pagbibigay ng iba't ibang Faction master ng kani-kanilang presyo.

"Isang milyon at isang daang libong gold coins mula sa Ice Feather Sect!"

"Isang milyon at isang daan at limampung libong gold coins mula sa Burning Heaven Sect!"

Sa lugar kung saan nakaupo ang grupo ng Cloud Soaring Sect, patuloy na pinanonood ni Finn Doria ang nagaganap na subasta. Hindi gaya ng karamihan sa mga batang adventurers, hindi siya interesado sa nagaganap na subasta. Nanonood lang siya upang mawala ang kaniyang pagkainip. Sa mahigit isang dosenang Armaments na matagumpay na naisubasta, kahit isa sa mga ito ay walang nakapukaw ng kaniyang atensyon. Marami na siyang nasaksihan na iba't ibang uri ng Armaments sa loobg ng kaniyang Myriad World Mirror kaya naman para sa kaniya, ang mga bagay na ito ay hindi na ganoon kahanga-hanga.

Ilang sandali pa, sa wakas ay nagsalita na rin si Sect Master Noah, "Isang milyon at limaang daang libong gold coins mula sa Cloud Soaring Sect!"

Kinakabahan naman si Ezekias Sieve sa kaniyang kinauupuan. Isa itong top-tier Armament at sinusubukan itong makuha ni Sect Master para sa kaniya. Isa pa, nagkakahalaga ito mahigit isang milyong gold coins kaya naman sinong hindi magagalak sa bagay na ito?

Sandaling ibinaling ni Lord Helbram ang kaniyang tingin kay Sect Master Noah bago ilibot ang kaniyang paningin sa iba pang Faction. Tumingin siya sa kanila at malumanay na nagwika, "Wala na bang magtataas ng presyo? Bibilang ako ng tatlo. Isa, dalaw--"

"Isang milyon at pitong daang libong gold coins mula sa Immortal Sword Pavilion." malumanay na putol ni Pavilion Master Ren kay Lord Helbram.

Natigilan naman si Ezekias Sieve nang marinig niya ang presyong ibinigay ni Pavilion Master Ren. Ang isang Top-tier Armament ay nagkakahalaga lamang ng halos isang milyon at limang daang gold coins kaya naman hindi siya makapaniwalang lalaban pa ang ibang Faction para sa Armament na ito. Napalitan nang ngiwi ang kaniyang kaninang masayang ngiti. Hindi na siya umaasang lalaban pa ang Cloud Soaring Sect sa bagay na ito dahil naiintindihan niyang masyado ng hindi makabuluhan kung tataasan pa ni Sect Master Noah ang presyo.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now