Chapter LI

9.6K 709 118
                                    

Chapter LI: We're even

Kahit na hindi maintindihan ni Lore Lilytel ang sinasabi ni Finn Doria, hindi na siya muling nagtanong pa at sinunod na lang ang ipinag-uutos ng binata.

Agad siyang umalis at pumunta sa kinaroroonan ng mga batang adventurers upang sabihin ang mga sinabi ng binata sa kaniya. Hindi siya nangahas na maging mabagal dahil nararamdaman niyang mayroong mangyayaring hindi maganda.

Titig na titig pa rin si Finn Doria sa malayong direksyon at ang kaniyang mata ay punong-puno ng kalituhan. Ang kaniyang nararamdaman ay nagkagulo na rin.

Kani-kanina lang habang nag-uusap sila ni Lore Lilytel, naramdaman niya na bigla na lang nawala ang limitasyon niya sa mundong ito. Bumalik na ang matalas niyang pandama at nararamdaman niya na ang ibang malalakas na presensya sa kaniyang buong paligid at sa ilalim ng lupa.

Sa halip na magulat at magsaya sa natuklasang ito, nangamba siya dahil noong oras na bumalik ang kaniyang matalas na pandama, nakaramdam siya ng dalawang malakas na presensya na mabilis na naglalakbay patungo sa kanilang kinaroroonan.

Hindi marahas na presensya ng Vicious Beast o batang adventurer ang kaniyang naramdaman, sa halip, dalawang nakakapangilabot at nakakapanindig blahibo na presensya ang kaniyang naramdaman.

Damang-dama ni Finn Doria ang malakas na presensyang mabilis na naglalakbay patungo sa kanilang direksyon. Nararamdaman niya ring walang magandang intensyon ang dalawang ito kaya naman isang nilalang ang namuo sa kaniyang isipan.

Mayroong dalawang nilalang na maihahalintulad sa mga 'Devils' ang papalapit sa kanilang kinaroroonan! Higit pa roon, pareho itong may lakas ng 8th Level Profound Rank!

Anong nangyayari?! Bakit patungo sa kinaroroonan nila ang mga nilalang na 'yon?!

Hindi alam ni Finn Doria ang kaniyang gagawin. Pareho itong nasa 8th Level Profound Rank at malinaw sa kaniya na imposible niyang matalo ang dalawang ito. Wala na siyang oras dahil ramdam na ramdam niya ang unti-unting paglapit ng dalawa sa kaniyang kinaroroonan.

Nakaramdam siya ng tatlumpu't dalawang presensya sa kaniyang likuran kaya naman agad niyang ibinaling ang kaniyang atensyon dito. Nagdilim ang kaniyang ekspresyon at galit na galit na tumingin sa mga ito.

"Ano pang ginagawa niyo rito?! Hindi ba't sinabi ko na linasin niyo na ang lugar na 'to?! Gusto niyo ba talagang mamatay?!" galit na sigaw ni Finn Doria.

Hindi na pwedeng manatili ng mga ito sa lugar na ito dahil sa dalawang 8th Level Profound Rank. Mamamatay sila, at malinaw kay Finn Doria ang bagay na 'yon.

Ang rason lang naman kung bakit nananatili rito si Finn Doria kahit na mayroon naman siyang paraan upang iwasan ang nakaambang panganib ay dahil upang libangin ang mga nilalang na 'yon habang hinihintay niya na makatakas ang mga batang adventurers.

Kung iiwas siya sa mga diyablo, siguradong hahabulin ng mga ito ang mga batang adventurers at masisiguro ni Finn Doria na imposible na makatakas ang mga ito mula sa kamatayan. Kahit pa magkakasama silang tumakas, maaabutan pa rin sila ng dalawang Profound Rank dahil sa bilis ng mga ito.

Hindi gaanong kasamang adventurer si Finn Doria, hindi niya hahayaang mamatay ang kaniyang mga kasama kahit mayroon naman siyang magagawa upang mailigtas ang mga ito. Hindi siya natatakot sa dalawang 8th Level Profound Rank, mas natatakot pa siyang kamuhian ng ibang adventurers dahil sa kaniyang kasakiman.

Mayroon namang naguguluhang ekspresyon ang lahat. Hindi rin nila alam kung anong nangyayari at kung bakit ganito na lang kung umasta ang binata. Ramdam na ramdam nila ang nakakatakot na aura na pumapalibot sa buong katawan ni Finn Doria habang nagsasalita ito.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now