Chapter XLVIII

10.1K 722 104
                                    

Chapter XLVIII: Reunited (3)

Matapos ang sagutan nina Finn Doria at Prinsipe Theo, agad rin silang naghanda upang maglakbay patungo sa Rehiyon ng Kapatagan.

Kasabay ni Finn Doria ang mga kasama niya sa Soaring Seven habang ang hindi myembro ng Soaring Seven ay malapit lang na sumusunod sa kanyang likuran. Hindi mabagal ang bawat hakbang nila ngunit hindi rin namn masasabing mabilis. Alerto sila at handa sa pwedeng mangyari. Taimtim nilang pinakikiramdaman kung mayroong panganib sa buong paligid.

Karamihan sa mga ito ay natutuwa dahil sa nakasama nila si Finn Doria sa iisang grupo. Bilang gabay si Finn Doria sa grupong ito, maliit na lang ang posibilidad na makatagpo sila nang matinding panganib. Maraming Fifth Grade Vicious Beast ang umaaligid sa buong kapaligiran at masyado itong delikado para sa kanilang mga Scarlet Gold Rank.

Noon, sa t'wing makakatagpo sila ng Fifth Grade Vicious Beast, buong lakas nilang ibubuhos ang lahat para lamang matagumpay na matakasan ang mga halimaw na ito. Mayroong maswerteng nakakatakas habang mayroon namang minamalas at namamatay sa malalaking pangil o kuko ng mabangis na halimaw.

Sa pinakalikod, madilim pa rin ang ekspresyon ni Prinsipe Theo habang patuloy na naglalakad. Maharlikang dugo ang nananalaytay sa mga ugat niya ngunit andito siya ngayon, walang magawa kung hindi ang sumunod kay Finn Doria.

Kahit na ang posisyon niya sa palasyo ang pinakamababa, hindi pa rin siya itinuturing nang ganito. Walang sinuman ang nagsasantabi sa kanyang presensya at wala ring sinuman na mas mababa sa kanya ang sumasalungat sa kagustuhan niya.

Noong una, natuwa si Prinsipe Theo sa pagdating ni Finn Doria. Nais niyang gawing instrumento ang binata upang dumami pa ang kanyang kayamanan. Gamit ang lakas ng binata, madali siyang makakakuha ng maraming Fifth Grade Magic Crystal. Maaari niya itong ihandog sa Royal Clan upang tumaas pa ang kanyang inaamag na reputasyon.

Umaasa siyang sa tulong ng mga Fifth Grade Magic Crystal ay makakakuha siya ng mga importansya mula sa hari.

Binalak niyang takutin si Finn Doria gamit ang kaniyang katayuan ngunit sinong mag-aakala na hindi pala matatakot sa kaniyang katayuan ang binata? Ipinahiya pa nito ang Tenth Prince na si Prinsipe Theo sa harap ng maraming batang adventurers. Dahil dito, nagtanim ng matinding galit ang Prinsipe. Ngunit wala rin naman itong kwenta dahil alam niyang hindi na basta-basta ang reputasyon ng binata sa oras na kumalat ang kanyang antas ng lakas sa buong kaharian.

Si Finn Doria ang magiging pinakatanyag na Adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom sa hinaharap at siguradong makakakuha siya ng titulong Guardian ng buong kaharuan.

Mayroon pang posibilidad na ipakasal siya kay Prinsesa Diana upang maitali ang binata sa Sacred Dragon Family.

Ano nga ba ang simbolo ng talento sa mundong ito? Respeto at paghanga. Ang buong pamunuan ng palasyo ay siguradong gagawin ang lahat upang mapaamo at mapasunod si Finn Doria. Kaya naman kahit na siya ay Prinsipe, malinaw sa kaniya na hindi siya makagagawa ng hakbang laban kay Finn Doria. Dahil dito hindi niya mapigilang mamighati.

Prinsipe siya ngunit pakiramdam niya ay wala siyang kapangyarihan sa kahariang ito.

Habang patuloy silang naglalakbay, madalas silang nakakatagpo ng mga Vicious Beast at sa pagtutulungan ng mga batang adventurers kasama sina Hitch, Elyas at Lore, madali nila itong napapatay. Sila ang lumalaban sa mga Fourth Grade Vicious Beast habang si Finn Doria naman ang lumalaban sa mga Fifth Grade Vicious Beast. Hindi pa rin sila nakakatagpo ng malalakas na Fifth Grade Vicious Beast kaya naman masaya silang lahat. Hinahayaan ni Finn Doria na sila ang maghati-hati sa mga napapaslang na Vicious Beast kaya naman walang mapagsidlan ng galak at sabik ang mga batang adventurers. Tumingin sila kay Finn Doria ng may pinagsamang respeto at paghanga.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon