Chapter XXXI

13.5K 805 158
                                    

Chapter XXXI: The Most Talented Youth in the Entire History of Sacred Dragon Kingdom

5th Level Profound Rank!

Hindi isang 1st Level Scarlet Gold Rank si Finn kung hindi isang 5th Level Profound Rank!

Hinahayaan na ni Finn na ipaalam at iparamdam ang kaniyang totoong antas ng lakas sa lahat ng naroroon. Kanina lang tinatawanan nila ang mga sinasabi ni Finn Doria ngunit ngayong aktwal na nilang nararamdaman ito, ang kanilang katawan ay hindi matigil sa panginginig. Pinagpapawisan din sila ng malamig dahil sa pwersang inilalabas na aura ng binata at tanging nilalabanan lang nila ito ng buong lakas.

Bawat isang batang adventurer na naroroon ay malinaw na makikitaan ng malaking takot at kilabot sa kanilang mga mata. Nanindig din ang kanilang mga balahibo sa buong katawan at nakaramdam sila ng panlalamig dahil sa lakas ng aura na inilalabas ni Finn Doria.

Maging si Brien Latter ay hindi makapaniwala sa kaniyang nararamdaman, ang adventurer na nakaharap niya... ay isang Profound Rank! Hindi siya pangkaraniwang 6th Level Scarlet Gold Rank ngunit madali lang siyang natalo ni Finn Doria. Ngayon ay naiintindihan niya na.

Kahit pa muli silang maglaban ni Finn Doria gamit ang kaniyang lahat ng kakayahan, ganoon pa rin ang kalalabasan, matatalo pa rin siya.

Isa itong malaking bangungot sa lahat ng batang adventurer na naroroon. Simula pagkabata pa lang nila, naging masikap at determinado na ang bawat isa sa kanila upang mas lumakas pa. Nag-eensayo at kumakain sila ng mahihinang uri ng Tier 1 Soul Enhancing Pill na para bang kendi kaya nila naabot ang kanilang antas ng lakas ngayon. Pero habang tumatagal nilang nararamdaman ang aurang inilalabas ni Finn Doria, doon nila naintindihan na ang lahat ng kanilang pagsisikap ay balewala lamang.

At ang binatang nasa harap nila... hindi pa man ito tumutuntong sa labing walong taong gulang ay isa na itong ganap na Profound Rank Adventurer, higit pa roon, ang binatang ito ay 5th Level Profound Rank Adventurer! Maikukumpara sa pinakamahinang Core Elder sa kani-kanilang Faction!

Totoo ngang ang malakas ay kinakatakutan habang ang mahina naman ay inaalipusta at inaalipin. Kung ipinagpatuloy pa ni Finn Doria ang pagtatago sa totoo niyang antas ng lakas, siguradong sa mata ng lahat ng naroroon ay isa pa rin siyang pangkaraniwan lamang.

Ikinuyom ng ilan ang kanilang mga kamao. Unti-unti na ring nawalan ng sigla ang kanilang mga mata. Sinisisi nila sa kanilang isipan ang kalangitan dahil sa pagbibigay nito sa kanila ng malupit na tadhana. Masyadong naging mapait ang kapalaran nila para ipanganak sa henerasyon kung saan nabuhay si Finn Doria. Lahat ng kanilang kumpiyansa, kayabangan at dignidad ay para bang naglaho na para bang bula.

Simula ngayon, hindi na nila maaaring ikumpara ang kanilang sarili kay Finn Doria. Isa lang silang ordinaryong adventurer habang si Finn naman ay isang maalamat na Alchemist at talentadong adventurer.

Sa kanilang angkan at faction, itinuturing silang pinakatalentado ngunit kung ikukumpara sila kay Finn Doria, hindi sila ganoon kahalaga. Isa lang silang malaking surot sa harapan ni Finn Doria na maaari niyang pisatin kailanman niya gustuhin. Isa lang silang maliit na isda sa malawak na karagatan.

Katulad ng nakararami, kahit na hindi sila masyadong apektado ng aurang inilalabas ni Finn Doria, mayroon pa ring hindi makapaniwalang tingin sina Ashe, Lore at Ezekias sa binata.

Totoong alam nila na hindi isang tunay na 1st Level Scarlet Gold Rank si Finn Doria ngunit hindi nila inaasahang aabot sa ganito ang kaniyang antas ng lakas. Iniisip nilang ang pinakamalakas na ni Finn Doria ay 8th Level Scarlet Gold Rank at kailanman ay hindi sumagi sa kanilang isipan na isang Profound Rank si Finn Doria.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now