Chapter XXIV

11.5K 772 89
                                    

Chapter XXIV: Deep Hatred(Last Part)

Ang mga mata nina Finn Doria at Tiffanya Frois ay punong-puno ng pagkamuhi sa isa't isa. Malinaw itong nakikita ng mga manonood na naroroon at alam nilang wala ng paraan upang maresolba ang kanilang galit sa isa't isa.

Unang pagkikita pa lang nila sa harap ng teritoryo ng Azure Wood Family, hindi na agad maganda ang impresyon ng nilang dalawa sa isa't isa. Sa totoo nga niyanay sinubukang patayin ni Tiffanya si Finn, dahil sa sobrang pagpapahiya ng binata sa kaniya. Ngunit dahil kay First Elder Caesar ng Golden Lion Family, hindi niya naituloy ang kaniyang binabalak.

Agad na tumatak sa puso ng dalawa ang galit at pagkamuhi sa isa't isa dahil sa magkaibang rason.

"Huwag mong isiping puwede mong gawin ang lahat ng gusto mo dahil lang sa mas malakas ka sa akin! Sa oras na matapos ang kompetisyong ito, hihilingin ko sa pamunuan ng aking angkan na pahirapan at paslangin ka sa harap ng maraming tao!" galit na galit na sigaw ni Tiffanya.

Ito na lang ang kaya niyang gawin, ang sigawan, takutin at bigyan ng masamang tingin si Finn Doria. Masyado na siyang nagpapadala sa kaniyang emosyon kaya naman hindi niya na pinag-iisipang mabuti ang mga salitang binibitawan niya.

Alam naman ng lahat na imposibleng mangyari ang kagustuhan niya. Dahil sa ipinakita at ipinapakitang talento ni Finn Doria, siguradong bibigyang halaga siya ng Royal Clan at sa oras na 'yon, walang sinuman ang maaaring gumawa ng hakbang laban sa binatang ito. Ang katauhan at kakayahan ng binata ay masyadong importante sa buong Sacred Dragon Kingdom. Isang maalamat na Alchemist at talentadong Adventurer. Siya ang isa sa simbolo ng pag-asa ng Sacred Dragon Kingdom.

Nginitian lang ni Finn Doria ang mga walang kwentang pananakot ni Tiffanya. Dahan-dahan siyang tumayo at hinayaang matanggal sa pagkaka-ikot ang latigo. Tumingin siya sa dalagang nakaupo, "Iyan lang naman ang maipagmamalaki mo hindi ba? Umaasa ka lamang sa impluwensya at lakas ng iyong angkan. Naiisip mo bang kung walang Nine Ice Family ang sumusuporta sa'yo, sa tingin mo ba aabot ka sa puntong ito? Kahit na mayroon kang Sky Ice Pathway, wala 'yang silbe kung walang kayamanang sumusuporta sa'yo para magpataas ng antas ng lakas. Kaya ito ang tandaan mo, wala kang kwenta kung wala ang angkan mo."

"Anong karapatan mong tawagin akong walang kwenta?! Ikaw ang basura rito kasama ang buong angkan mo!" galit na sigaw ni Tiffanya.

Ang buong mukha niya ay namumula na sa sobrang galit. Kahit na gustong-gusto niyang saktan at pahirapan si Finn, alam niyang imposible itong mangyari. Namamanhid na ang buong katawan niya at tanging pagsigaw at pang-iinsulto na lang ang kaniyang kayang gawin. Wala na siyang lakas upang tumayo at atakihin si Finn Doria. Ngunit alam niya namang kahit manumbalik pa ang lakas niya, hindi pa rin siya mananalo sa binata.

Hindi niya pa rin matanggap na natalo sila ni Hyon Pierceval sa binatang ito. Kahit na tumaas ang kaniyang antas ng lakas patungo sa 6th Level Scarlet Gold Rank, hindi niya pa rin magawang mawakan man lang ang damit ni Finn Doria. May malay pa siya kaya naman hindi pa inihihinto ni Lord Helbram ang labang ito, wala rin siyang balak na sumuko dahil para sa kaniya, ang pagsuko ay senyales ng kahinaan. Mas gugustuhin niya pang matalo sa kamay ni Finn kaysa sa sumuko.

"Hah! Hanggang ngayon ba nagkukunwari ka pa ring malakas, Tiffanya?! Hindi mo pa rin ba matanggap na sa harap ko, isa ka lamang malaking basura. Isa kang maliit na basura na hinubog ng iyong angkan upang maging malaking basura! At kung wala ang tulong ng iyong angkan, isa ka lamang maliit na basura na kahit ang basura sa mga basura ay mahihiyang maikumpara sa gaya mo!" galit na sigaw ni Finn. Malamig niyang tinitigan ang dalaga, "Pero alam mo bang malaki pa rin ang pasasalamat ko sa'yo? Malaki ang pasasalamat ko sa'yo dahil ikaw ang bumuo sa pagkatao ko ngayon. Ngunit hindi noon mababago ang mga ginawa niyong kamalian. Ikaw at ang iyong Nine Ice Family ang puno't dulo ng paghihirap ng aking angkan kaya naman kailanman ay hindi ko kayo mapapatawad."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now