Chapter XXI

11.6K 779 124
                                    

Chapter XXI: Result/Duo

Mabilis na lumipas ang dalawang araw.

Sa loob ng mga araw na ito, bukod sa pag-uusap nila ni Lore Lilytel, walang ginawa si Finn Doria kung hindi ang manatili sa loob ng Myriad World Mirror. Minsan ay nag-eensayo siya gamit ang iba't ibang skill at minsan naman ay nagmumuni-muni siya upang humigop ng soulforce sa kaniyang kapaligiran.

Ang iba naman ay ganoon din ang kanilang ginagawa ang pinagkaiba nga lang, humihigop sila ng kakarampot na soulforce sa kapaligiran dahil hindi naman nila katulad si Finn Doria na mayroong Myriad World Mirror na naglalaman ng mayaman at makapal na soulforce sa loob.

Kumpara kay Finn Doria, mas mabagal ang pagtaas ng kanilang antas ng lakas. Wala rin silang mga kahanga-hangang mga pill na puwedeng sumuporta sa kanilang pagpapataas ng antas ng lakas. Ang maaari lang nilang asahan ay ang kanilang sariling kakayahan.

Ito na ang araw ng susunod na parte mg kompetisyon kaya naman nagtipon-tipon muli ang Soaring Seven sa salas ng Faction House. Tahimik lang silang naghihintay kina Sect Master Noah at Elder Marcus. At ilang sandali pa ang lumipas, lumapit si Lore Lilytel kay Finn Doria at nakangiting bumati sa binatilyo. Gumanti naman ng ngiti si Finn Doria kaya naman nagtaka ang limang miyembro ng Soaring Seven.

Kahit noong nasa teritoryo ng Cloud Soaring Sect pa lamang sila, bihira ng makihalubilo si Lore Lilytel sa kapwa niya core member. Bago sa kanila ang pagiging mapagkumbaba nito sa harap ni Finn Doria kaya naman medyo naguluhan sila.

Bigla namang may napagtanto si Leo Reeve kaya hindi niya rin maiwasang mapangiti at mapatango. Kung mayroon mang adventurer na medyo may alam sa kakayahan ni Finn Doria, ito ay walang iba kung hindi siya. Ang hindi niya lang alam ay kung ano ang eksaktong nangyari kung bakit naging ganito ang pakikitungo ni Lore Lilytel sa binatilyo.

Napaisip naman si Ashe Vermillion kung anong mayroon pero hindi kalaunan ay isinantabi niya na lang ito. Itinuon niya na lang ang kaniyang atensyon sa paghimas sa malambot na balahibo ni Munting Red.

Ilang minuto pang naghintay ang Soaring Seven bago tuluyang bumaba sina Sect Master Noah at Elder Marcus.

Napansin naman ng mga batang Adventurers ang ngiti ng dalawang ito kaya naman hindi nila mapigilang magtanong.

"Sect Master Noah, Elder Marcus. Mayroon po bang magandang nangyari." galak na tanong ni Leo Reeve.

Matamis na ngumiti sina Sect Master Noah at Elder Marcus sa pito.

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Sa ngayon kailangan na muna nating sumakay sa karwahe patungo sa istadyum. Sa biyahe ko na lang sasabihin sa inyo ang magandang balitang natanggap ko." Giit ni Sect Master Noah.

Matapos niyang sabihin ito, agad silang naglakad ni Elder Marcus patungo sa labas ng kanilang Faction House. Tumango naman ang mga batang Adventurers at sumunod sa dalawa. Hindi na sila makapaghintay sa magandang balitang sinasabi ni Sect Master Noah. Syempre, alam nilang tungkol ito sa naganap na unang parte ng kompetisyon kaya naman galak na galak sila ng makita ang masayang ngiti nina Sect Master Noah at Elder Marcus.

Nang makapasok at makaupo na ang lahat sa loob ng karwahe, agad na nagtanong si Ashe Vermillion sa kay Sect Master Noah, "Nasa loob na tayo ng karwahe kaya naman maaari bang sabihin mo na po ama kung ano ang magandang balitang sinasabi niyo?"

Habang hinaharap ang iritadong si Ashe Vermillion, hindi maiwasan ni Sect Master Noah ang mangiti ng mapait.

"Gaya nga ng sabi ko, mayroon akong magandang balita sa inyo." Wika ni Sect Master Noah. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa pito at masayang nagwika, "Nakuha ko na ang resulta ng unang parte ng kompetisyon at sa apat na lumaban para sa ating grupo, lahat sila ay hinangaan ni Lord Helbram nanalo man o natalo. At dahil dito, nagbigay siya ng karagdagang puntos para sa Cloud Soaring Sect. Ipinagmamalaki ko kayo mga bata!"

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now