Chapter VII

12.5K 740 30
                                    

Chapted VII: Golden Robe Old Man

Tama, halos lahat ng walang alam sa kompetisyong naganap sa Cloud Soaring Sect ay iniisip na hindi makakatulong kung si Finn Doria ang gagamit ng Advance Scarlet Pill, kaya naman bakit hindi niya na lang hayaan na ang kaniyang ka-grupo ang makinabang dito?

Isa itong magandang hakbang dahil bukod sa mapapalakas ng Soaring Seven ang kanilang pangkalahatang lakas, maiiwasan pa nilang ang iba ang makinabang sa pill na pag-aari ni Finn Doria. Ngunit, isang bagay lang ang ipinagtataka nila, bakit hindi nalang kay Lore Lilytel ibigay ang pill na ito? Alam naman ng lahat na si Lore Lilytel ang kasalukuyang pinakamalakas sa Soaring Seven at tanging pumapangalawa lang si Ashe Vermillion. Kaya naman hindi nila maintindihan kung anong dahilan kung bakit mas pinili ni Finn Doria na iregalo ang pill na kaniyang pag-aari kay Ashe Vermillion.

Syempre, mayroong dahilan si Finn Doria tungkol sa bagay na ito. Madalas siyang puntiryahin ni Ashe Vermillion kaya naman inaasahan niyang magiging maayos na ang pakikitungo sa kaniya ng dalagitang ito sa oras na regaluhan niya ito ng kahanga-hangang pill na Advance Scarlet Pill. Sinong Scarlet Gold Rank Adventurer ang aayaw sa ganito? Wala. Dahil bawat isa sa adventurer na naroroon ay naghahangad na maging malakas pa.

Wala ring ugnayan sina Finn Doria at Lore Lilytel kaya naman walang rason upang sa kaniya niya ito ibigay ng libre.

Nagkaroon ng inggit ang apat pang miyembro ng Soaring Seven. Kahit si Lore Lilytel ay nagkaroon ng magkahalong inggit at selos sa ginawang hakbang ni Finn Doria. Mayroon siyang pagtingin kay Ashe Vermillion at hindi niya gustong mayroong ibang lalaki ang nasa paligid ng kaniyang babaeng minamahal. Gayunpaman, nanatili pa rin siyang tahimik dahil wala naman siyang karapatan upang magreklamo.

Kahit na naiinggit din si Leo Reeve, hindi naman maikukumpara ang kaniyang inggit sa iba pang mga batang adventurers. Nakatanggap na siya ng regalo mula kay Finn Doria at para sa kaniya sapat na iyon.

Ibinaling ng apat na Faction Master ang kanilang atensyon kay Ashe Vermillion. Ngumiti sila sa dalagita at hindi na muling nagsalita. Napagtagumpayan na nila ang kanilang pakay kay Finn Doria at higit sa lahat, inirerespeto nila ang desisyon ng binatilyo.

Dahan-dahang lumapit si Finn Doria patungo sa kinatatayuan ni Ashe Vermillion at nang marating niya ito. Matamis siyang ngumiti sa dalaga at dahan-dahang iniabot niya ang bote ng pill na hawak niya sa dalaga.

Mabilis namang hinanggit ito ng dalaga habang matamis na nakangiti kay Finn Doria. Tumingin ito sa mata ng binatilyo at nagwika, "Dahil ibinibigay mo na ito sa akin, tatanggapin ko ito ng buong puso. Ngunit 'wag mong asahan na titigilan ko na ang pagtuklas sa sikreto mo."

Napangiwi namang muli si Finn Doria at mapait na ngumiti sa dalaga. Nagtataka naman ang karamihan kung ano ang sinabi ng dalaga kay Finn Doria upang mapangiwi ito. Mahinang sinabi lang ni Ashe Vermillion ang huli niyang binigkas kaya naman hindi ito narinig ng nakararami.

Gayunpaman, hindi nakaramdam si Finn Doria ng kahit anong galit o inis sa dalaga. Wala naman itong ginagawang masama sa kaniya at ipinapakita lang nito ang kaniyang totoong pag-uugali kaya naman walang rason para kagalitan niya si Ashe Vermillion. Sa totoo nga niyan, gusto ni Finn Doria ang ganitong pag-uugali. Kahit na madalas siyang kulitin nito, ayos lang hangga't wala itong ginagawang masama laban sa kaniya at sa kaniyang angkan.

Habang nakatuon ang lahat kay Finn Doria at Ashe Vermillion, isang naiinis na sigaw ang pumukaw sa kanilang atensyon.

"Finn Doria! Nanalo ka ngayon ngunit darating ang araw na ako naman ang magwawagi at papatunayan kong hindi hamak na mas talentado ako kumpara sa'yo. Hinatayin mong magkaharap tayo sa Seven Great Faction Games dahil sa oras na mangyari ang bagay na 'yon, hindi ako magpipigil at sisiguraduhin kong mawawalan ka na ng tiwala sa iyong sarili!" inis na wika ni Brien Latter.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now