Chapter X

11.3K 707 46
                                    

Chapter X: Cautious 'Little One'

Nang marinig ni Finn Doria ang kakaibang boses ng system, nagulat siya dahil ito ang unang beses na walang maibigay na impormasyon ang System sa kaniya. Noon, sa tuwing makakahawak siya ng mga espesyal na bagay mula sa mundong ito, nakapagbibigay ng impormasyon ang system sa kaniya pero ngayon ay hindi ito makapagbigay dahil kahit ito ay hindi malaman kung anong klaseng bagay ang lumang gasera.

Sa mundong ito, si Finn Doria lang ang nagtataglay ng system. Salamat sa insidenteng nangyari sa Adventurers Training Ground sa Sacred Dragon Institute dahil simula ng araw na 'yon, sumanib at tinulungan siya ng system sa maraming bagay. Marami rin siyang natutunan dahil dito at kahit anong bagay na hawakan niya mula sa mundong ito, nabibigyan ito ng ilang impormasyon ng system. Ngunit, ito ang unang pagkakataon na walang maibigay na kahit anong impormasyon ang system sa kaniya kaya naman mas lalo siyang nahiwagaan kung ano talaga ang bagay na ito.

Kung malalaman ng mga matatandang Adventurers na mayroong ganitong kakayahan si Finn Doria, malaki ang posibilidad na nanaisin nilang tuklasin ang lihim sa loob ng katawan ni Finn Doria kaya naman walang balak ang binatilyo na ipagsabi ito sa kahit kanino dahil ayaw niyang manganib ang kaniyang buhay at ang buhay ng kaniyang buong angkan.

Marahang iniiling ni Finn Doria ang kaniyang ulo, hindi niya maaaring sabihin sa kaniyang mga magulang ang mga sikreto niya dahil baka mas lalo lang maging komplikado ang lahat. Hawak-hawak ang lumang gasera, bumuntong hininga si Finn Doria at itinago na sa loob ng kaniyang interspatial ring ang gasera at binabalak niyang subukang tuklasin ang misteryong nakatago rito sa loob ng kaniyang Myriad World Mirror.

--

Ilang oras pa ang lumipas, sa wakas ay natapos na rin ang subasta. Bawat isang miyembro ng Immortal Sword Pavilion, Ancient Darkness Palace at Alchemist Association ay nakatanggap ng top-tier Rare Armament samantalang sa ibang Faction naman ay mayroong hindi pinalad na makatanggap. Syempre ay kabilang na roon ang Faction na kinabibilangan ni Finn Doria.

Tanging si Ashe Vermillion, Lore Lilytel, Leo Reeve at Finn Doria lang ang nakatanggap. Natural lang na dapat magkaroon sina Ashe Vermillion at Lore Lilytel ng Armament dahil sila ay ang dalawang tinaguriang pinakamalalakas na miyembro ng Soaring Seven. Tungkol naman kay Leo Reeve, siya ay personal na estudyante ni Elder Marcus kaya naman natural din na magkaroon siya. Habang kay Finn Doria naman ay binibigyan siya ng importansya ng pamunuan ng Cloud Soaring Sect kaya handa silang gumastos para lang makuha ang loob ng binatilyo.

Kahit na hindi nakatanggap ng Armament sina Lan Vermillion, Juvia Wasser at Ezekias Sieve, hindi sila nagtanim ng galit kay Sect Master Noah at Elder Marcus. Nasaksihan naman nila kung paano ilaban ni Sect Master Noah ang nababagay sa kanilang Armament ngunit naiintindihan naman nilang limitado lang ang pondong nakalaan sa mga adventurers na kagaya nila. Gayunpaman, hindi mawawala ang inggit sa kanilang puso't isipan. Pero dahil wala naman silang karapatan, nanatili na lang silang tahimik sa kanilang kinauupuan.

Habang ang karamihan ay may ngiti sa kanilang mga labi dahil sa natanggap nilang bagong Armament, bigla na lang silang tumahimik ng muling marinig ang boses ni Lord Helbram.

"Ngayon na tapos na ang subasta. Maaari nang magtungo ang inyong grupo sa kaniya-kaniya niyong Faction Houses. Siguro naman ay alam na ng mga Faction Master at Elders kung saan matatagpuan ito." wika ni Lord Helbram. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa bawat grupo at muling nagwika, "Pero nais ko kayong balaan, hangga't hindi pa nagsisimula ang Seven Great Faction Games hindi maaaring lisanin ng kalahok ang inyong Faction Houses at tanging mga Faction Master at Elders lang ang may karapatang lumisan upang libutin ang Floating Island. Mahigpit ding ipinagbabawal ang panggugulo sa ibang Faction House at ipinaaalala ko na sa inyo, malupit ang kaparusahang naghihintay sa lalabag sa mga batas na ipinatupad ng aming Royal Clan. Maliwanag ba?"

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now