Chapter III

12.3K 766 52
                                    

Chapter III: Departure

Ngumiti naman si Finn Doria kay Leo Reeve. Binago niya na ang kaniyang antas ng lakas at itinaas niya ito sa 1st Level Scarlet Gold Rank. Hindi na masyadong kapani-paniwala ang kaniyang antas ng lakas kung magpapatuloy pa rin siya sa antas na 9th Level Gold Rank.

Gayunpaman, patuloy pa ring itinatago ni Finn Doria ang kaniyang totoong antas ng lakas at ito ay dahil hindi pa rin siya handang malaman at makipag-giyera sa Nine Ice Family at Black Tiger Family. Isa pa, mayroon pang Ice Feather Sect sa likod ng Nine Ice Family at sa kasalukuyang lakas ni Finn Doria, hindi niya pa ito kakayanin.

Tumitig si Finn Doria kay Leo Reeve at marahang nagwika, "Magkapatid nga kayo ni Isake, madalas niya rin akong hintayin sa labas ng aking dormitoryo sa Sacred Dragon Institute."

Nang maalala ito ni Finn Doria, hindi niya mapigilang hindi mapangiti. Noong nasa Sacred Dragon Institute pa lang siya, madalas siyang bisitahin ni Isake Reeve para lamang makipagkuwentuhan.

"Ah... Maging si Ama ay 'yan din ang madalas sinasabi sa aming dalawa." nakangiting wika ni Leo. Ilang sandali pa ay muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita, "Ang dahilan nga pala ng aking pagparito ay dahil gusto kong ibalita sa'yo na inalok ako ni Elder Marcus na maging estudyante niya kaya naman pumayag ako."

Ngumiti si Finn Doria kay Leo Reeve, "Isang malaking oportunidad ang maging guro ang isang Core Elder kaya naman ngayon pa lang ay binabati na kita."

"Mn. Alam kong malaki ang maitutulong ng aking Guro sa pagpapataas ko ng aking antas ng lakas. Wala rin akong makitang dahilan upang tanggihan ang napakagandang alok niya. Isa pa, malaking tulong din ito sa aking angkan." nakangiting wika ni Leo Reeve. Bigla naman siyang may naalala kaya muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita, "Oo nga pala, nabalitaan ko rin mula sa aking Guro na kasali si Singh Marren, Hyon Pierceval at Tiffanya Frois sa lalahok sa Seven Great Faction Games."

Natanggal naman ang ngiti ni Finn Doria sa kaniyang mukha at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. Malamig siyang tumingin kay Leo Reeve at malumanay na nagwika, "Inaasahan ko na ang tungkol sa bagay na iyan. Hmph. Sa oras na makatapat ko ang kahit sino sa kanila, hindi ako magkakaroon ng awa. Sisiguraduhin kong makakapaghiganti ako sa kanila."

"Mayroong alitan sa pagitan ng aking angkan at ng Black Tiger Family kaya naman susuportahan kita sa iyong paghihiganti." seryosong wika ni Leo Reeve.

Kahit na hindi alam ni Leo Reeve kung paano tatalunin ni Finn Doria si Tiffanya Frois at Hyon Pierceval, nagtitiwala pa rin siya sa binatilyo. Madali niyang natalo si Zeno Sieve gamit lang ang isang normal na suntok, kaya naman sigurado siyang mayroon pang itinatagong sikreto si Finn Doria.

"Kung gayon, maraming salamat, Leo." tugon naman ni Finn.

Malaki ang pasasalamat ni Finn Doria dahil hindi siya nagkamali sa Golden Lion Family. Kahit na isa lang silang Aristocrat Clan, mayroon silang pakikisama at katapatan.

Habang patuloy na nagkukuwentuhan ang dalawa, isang dalaga ang lumapit sa kanila.

"Ginoong Leo Reeve, Ginoong Finn Doria. Ipinapatawag na ni Sect Master Noah ang lahat ng Soaring Seven sa Assembly Hall. Ito ay dahil kailangan na nating magtungo sa Floating Island." wika ng dalaga.

"Mn. Ikaw si Juvia Wasser mula sa Calm Water Family, tama ba?" tanong ni Leo Reeve.

Ngumiti naman ang dalaga at tumango ito. Matapos nito, agad rin itong tumalikod sa dalawa at nagsimula ng maglakad palayo. Nagkatinginan naman ang dalawa at napakibit-balikat na lamang.

Ang Calm Water Family ay isa ring Aristocrat Clan gaya ng Golden Lion Family, ang pinagkaiba nga lang, mas mahina ito kung ikukumpara sa Golden Lion Family, lalo na sa ngayon.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now