Chapter 01: The Cold Girl

7.6K 205 2
                                    

Limang araw...

Limang araw na akong hindi lumalabas ng apartment ko. Wala naman akong pwedeng puntahan. At siguradong marami na namang tao sa paligid na nag chichismisan. Lahat na lang ng mapansin nila ay pag chichismisan na nila.

Tulad ng...

Makita ka nilang dumaan, ikaw na agad ang pag uusapan nila.

Mga walang magawa sa buhay ang mga taong chismosa at chismoso, dahil nga yun na lang ang trabaho nila sa araw araw ang maging topic ang buhay ng iba.

Teka..bakit ko ba iniisip pa ang mga chismosang yan...Tss

Tumayo na ako sa pagkakahiga sa kama. At nagtungong banyo. Naligo. Pagkatapos ay nag ayos ng sarili.

Nagugutom na ako. Sana may pagkain pang natira. Pagbukas ko ng refrigerator meron pa namang tocino at pork.

Kinuha ko yung tocino at sinimulang lutuin. Nagsimula na rin akong mag luto ng kanin sa rice cooker. Mag isa lang naman ako dito sa apartment ko kaya sanay na akong gumawa ng mga gawaing bahay.

Nang matapos akong magluto. Nagsimula na akong kumain.

Wala na pala akong stock ng pagkain sa ref. Kailangan ko ng mag groceries. Malapit na rin ang pasukan at wala pa akong nabibiling gamit. Siguro bukas na lang ako mamimili dahil kailangan kong pumasok ngayon sa trabaho.

7:42 am na ng umalis ako ng apartment.

8:30 am naman ang umpisa ng trabaho ko kaya may kalahating oras pa ako.

Kaya nga pala limang araw akong nasa apartment ko. Dahil limang araw ring pinasarado ng boss namin ang restaurant na pinapasukan ko . At sinabihing nag out of town ito.

"Uy mahgie ! Ang aga natin ah"-bati ng isa sa mga kasama kong waiter dito. Cassy yata ang pangalan nya?

Tinignan ko lang sya at hindi pinansin. Sanay naman na sila na hindi ko sila binabati pabalik.

Sinuot ko na yung sumbrero na sumisimbolo na isa kang waiter, at yung secretary naman ang suot ay Red T-shirt na may tatak na Goblin sa harap. Goblin Restuarant kase ang pangalan ng trabaho ko. At ang sweldo sa isang araw ay 1,000 .

Nagsimula na akong ilista ang mga order nila. Pagkatapos ay pinakita ito kay Cassy dahil sya ang manguguha nito.

"Here"

Kinuha ko naman agad ang mga order at agad na sinerve sa table 8.

"Thank you sir , ma'am. Enjoy na food"- iyon lang at nag bow ng kaunti. Pumunta akong muli kay Cassy.

"Mahgie pwedeng pa serve to dun sa table 5 nag cr kase si Ronald eh. Please"

Tumango ako. Nagsimula na akong magtungo sa table 5. At habang papalapit ako roon rinig na rinig ko ang kung ano mang pinag uusapan nila. Ang lakas ba naman ng mga boses nila. Madami na ngang costumer ang nakatingin sa kanila. Tss

"Alam mo ba pare , gusto ko ng makipag break dun sa gf ko. Sinabi ba namang magpapakamatay sya kapag iniwan ko sya"-isa sa kanila, apat silang nag uusap.

"Oh ! Anong ginawa mo? Nakipag break ka parin?"-balik na tanong ng isa.

"Siyempre! Sinabi ko sa kanyang may nabuntis na ako kahit wala naman. Kaya ayun nagtatakbo na sya paalis"

"Hahaha gago ka talaga! "

Hanep! Malayo pa lang ako nyan ah pero dinig na dinig ko na ang mga boses nila. Atsaka hindi ba sila aware na kanina pa sila pinagtitinginan ng mga costumer. At itong mga costumer na babae makatitig wagas kulang na nga lang mag hugis puso ang mga mata nila. Tss

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now