Chapter 17: Headbutt

2.4K 137 2
                                    

RED POV

"Wow Red! Bilib talaga ako sayo . Akalain mo talaga namang tropa tayo"-at tumawa ito ng nang aasar "3 out 20 ? Hindi na masama , mataas lang ako ng isa. Haha"- yung quiz ang tinutukoy nya. 3 ang nahulaan ko? Oo , nahulaan lang yan. Hindi nga kase ako nakinig. Psh.

"Tumigil ka nga. Kung ayaw mong mabatukan"-sabi ko at sinamaan sya ng tingin. Tinaas nya naman yung dalawang kamay nya na parang sumusuko.

"Whoaa! Chill"-sabi nito

Lunch time na at dadaanan namin sa Section A yung dalawa para bumili ng pagkain sa cafeteria. Psh. Bakit kase sa Section pa sila napunta. Hindi pa kami dinamayan sa Section C . Nakakatamad pa namang maglakad.

"Parang walang improvement sa pinapagawa natin kay Insan ah"-napalingon ako dito ng magsalita ito.

Oo nga, Siguro kung ako yun panigurado girlfriend ko na sya haha. Ako? Na pinakagwapo sa grupo.

"I see. Pero kung ako yun? Sigurado na"-napangisi pa ako sa isiping yun.

Tumawa ito "Hindi nga tumatalab ang mga famous line mo sa kanya eh. Hindi ka rin nya tinitignan ng malagkit hindi tulad ng ibang babae. At mas lalong MALABONG maging kayo"- at humagalpak pa ito ng tawa. Nakakaasar talaga ang isip bata na to.

Pero napaisip ako sa sinabi nya...

Malabo daw maging kami?
Sus! Ako? Na pinakagwapo sa tropa. Kaya kong gawing mas malinaw pa sa salamin yun maging girlfriend ko lang sya . Haha.

"Psh. Huwag mo na ngang sabihin yan. Baka kainin mo din yan kapag naging kami."-ngumisi ako sa kanya "Pag usapan naman natin si------" agad naman nyang pinutol yung sasabihin ko.

"Opps! Tatawagin ko lang sila Insan."- naglakad ito ng mabilis sa room nila Jaxell . Malapit sa kinaroroonan ko.

Napailing ako. Halatang umiiwas eh. Ang lakas mang asar eh. Pero pag sya na ang pag uusapan ang bilis umiwas.

Kasabay nya ng naglalakad yung dalawa. Kaya naman lumapit ako sa kanila at sumabay.

"Saan tayo?"-tanong ko.

"Sa garden. Maingay sa cafeteria kapag nandun tayo. Tsk"-bored na sagot ni Jaxell.

"Ok. Bibili tayo ng pagkain sa cafeteria tapos diretsyo na tayong Garden"-sabi ko.

Hindi ko alam dito kay Jaxell kung bakit iritang irita sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin---este sa amin. Eh ang Astig kaya nun. Bawat babae na madaan mo eh . Pangalan mo ang sinigaw . Minsan may makakasalabung kaming babae at mag aabot ng love letter tapos may regalo pa. Si Ark ang laging kumukuha nito dahil walang pakealam si Jaxell sa mga ito. Mukang pagkain kase yang si Ark. Karamihan kase sa regalo nila eh chocolate, cup cake o sandwich mga ganun ba? Psh.

Pagdating namin sa cafeteria ay nagkukumpulan ang mga estudyante. Parang may nag aaway? Anong nangyayari dito?

Hindi nila kami napansin dahil tutok na tutok ang atensyon nila dun sa pinagkukumpulan nila.

"Anong meron dito?"-tanong ni Ark na pinipilit tignan ang pinagkakaguluhan nila.

"YOU BITCH! LOOK WHAT DID YOU DO TO MY CLOTH"-may narinig kaming sumigaw na babae.

"S-sorry hi-hindi k-ko naman------"- boses ni Perry yun ah. Nagkatinginan kami at agad na lumapit sa kumpulan. Nagulat naman sila ng makita kami. At binigyan kami ng daan. Aba dapat lang.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now