Chapter 18: Trouble (Part 1)

2.3K 129 0
                                    

JAXELL POV

"OUCH!!FUCK"

Nasapo ko ang aking noo dahil bigla na akong headbuttin ni Mahgie. Fuck.

Nagulat ako ng bigla nitong buksan ang mga nya at mas lalo akong nagulat ng headbuttin ako nito. Nilapit ko kase yung mukha ko sa kanya. Hindi ko nga namalayan na nakakatitig na ako sa kanya. Tsk.

"Balak mo na naman ba akong halikan ha?"

Muntik na akong mahulog sa kinalalagyan ko dahil sa straight forward nyang tanong. Hindi ko nga alam kung seryoso ba ito o nagbibiro dahil poker face lang ito habang tinatanong yan. Wala ngang bakas ng emosyon sa mukha nya.

Iba talaga tong si Mahgie. Balak syang halikan? Ulit? Napangisi ako sa isip ko dahil kung hindi siguro sya nagising baka nga----

"What the Fuck?!"-napamura ako ng wala sa oras dahil sa naisip ko.

"Minumura mo ako?"-malamig na sabi nito.

Fuck.

"No! I don't wanna intent to kiss you. Damn" - mas lalo akong napahawak sa noo ko dahil biglang sumakit. Anong klaseng ulo ba meron ang babaeng ito? Bakal? Bato?

Fuck! Bakit ang sakit pa rin?

"Tss. Bakit ka ba nandito?"-bored na sabi nito. Inaayos nya naman yung damit nya at pinagpagan.

Napakunot noo ako sa sinabi nya. Seryoso? Ako pa talaga ang tinanong nya. Dapat sa sarili nya tanungin yan. Tsk.

"Gigisingin ka. Dahil ako lang ang pwedeng matulog dito. Unless na miss mo ako at gusto mong makipagkaibigan sa akin *wink*"-bulong ko sa kanya ng huli kong sinabi. Wala naman itong reaksyon sa sinabi ko na syang kinagulat ko talaga.

"Istorbo"-tanging sabi nito na parang wala pakealam sa sinabi ko. Hindi nya ba narinig? Tsk. Alam kong narinig nya yun. Sinadya kong ibulong dahil maririnig ng tropa ko at kung ano ano na naman ang sasabihin
. Tsk.

"Insan! Bumaba ka dyan may kailangan kang sabihin sa amin"-sigaw ng Pinsan ko habang pangisi ngisi ito.

Napakunot noo ako dahil nakaalis na pala si Mahgie. Tsk. Hindi manlang nagpaalam. Hindi nya ba alam na ako ang hari sa K.U? At nakalagay sa LAST RULE na respect the next owner of the K.U. Tsk. Mukang kailangan kong ipaalam sa kanya. Napangisi naman ako.

"Hoy Insan 'wag ka ngang ngumisi dyan. Ang creepy mo. Bumaba ka dito at may kailangan kang sabihin sa amin"-Panira talaga to kahit kailan. At ano bang sinasabi nitong pag uusapan ?

"Anong sinasabi mo dyan? Gutom lang yan. Maraming pagkain dyan"-sabi ko.

Humiga ako sa medyo matabang sanga. Nilagay ko yung kaliwang braso ko sa aking mga mata dahil may kaunting sikat ng araw ang tumatama sa mata ko. Nakakasilaw. Tsk.

"Oo nga Jaxell. Narinig namin ang pag uusap nyo"-hindi ko pinansin ang sinabi ni Red. Tsk. Sinakyan ba naman ang trip ng pinsan ko. Nagkasundo na naman ang dalawa. Ano na naman kaya ang dahilan? Puro kalokohan ang laman ng isip ng dalawa na yan kapag nagkakasundo. Tulad na lang ng Pinapagawa nila sa akin. Tsk. Hindi naman talaga ako papayag dun pero may nagtutulak talaga sa sarili ko na kilala pa si Mahgie. Kung bakit ayaw nyang makipagkaibigan? Malamig din kung magsalita? Walang ibang ekspresyon sa mukha nito kundi poker face?...

"Ano naman kung narinig nyo?"-inis kong sabi. Kita na nga kaseng may balak akong matulog eh . Parang wala silang balak tumigil sa gusto daw nilang pag usapan.

"Yung sinabi ni Mahgie?"-Red

"Alin dun?"-tanong ko. Ano bang meron sa pinag usapan namin ni Mahgie? Hindi ko nga sya makausap ng maayos dahil ang sakit talaga ng noo ko kanina. Medyo nawala naman na ang sakit ngayon. Buti naman . Tsk.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now