Chapter 27: The Picture

2.1K 109 0
                                    

JAXELL POV

*knock-knock-knock*

Napaupo ako sa kama ng makarinig na may kumakatok sa pinto "Iho gising na. Handa na ang almusal"-si manang pala

"Sige manang, susunod na po ako"

Narinig ko naman ang mga yabag papaalis. Tumayo ako at kakamot kamot sa batok na tinungo ang banyo. Nagtoothbrush at naligo.

Lumabas na akong banyo pagkatapos kong maligo. Nagtapis ako ng twalya at lumapit sa walk in closet para manguha ng isusuot.

Napakunot noo akong tumingin sa study table kung saan tumutunog ang cellphone ko. Naglakad ako palapit dito habang hawak ang damit na isusuot ko na. Ngunit may istorbo Tsk.

*Red Calling......*

Ano naman kayang kailangan ng pula na to?!

"Oh?!"

(Whoaa Jax ! Easy! )-narinig kong tumawa ito.

"Ano na naman ba?!"

(Pupunta kaba?! )

"Saan?!"-nagtatakang tanong ko.

(Psshh birthday ngayon ni Perry. Kaya tinatanong ko kung pupunta ka.)

Tsk! Oo nga pala. Nakalimutan ko.

Si Mahgie kaya pupunta? T-teka...Ano namang pakealam ko kung pumunta sya o hindi? Tsk.

"Hindi ko alam"-sagot ko.

(Psh Bakit hindi mo alam? Si Mahgie pupunta. Ako nga susundo sa kanya eh"-nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya.

Pupunta sya?!

"Seryoso ka?!"-gulat kong sabi.

Narinig ko naman tong humagalpak ng tawa sa kabilang linya. Kaya nagsalubong ang kilay ko. Pinagtritripan nya ba ako?!

(Oo nga . Hindi ka makapaniwala noh? Kami nga rin eh. Kung pupunta ka ikaw na lang sumundo sa kanya.)-tumawa ulit ito( Naalala ko nga pala na grounded ako. No Cars allowed )

"Bye"

Napatingin ako sa salamin sa harapan ko. Nakangite ito.

Pupunta sya...

Kung pupunta ka ikaw na lang ang sumundo sa kanya.

Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang mga salitang yan. Dali dali akong nagbihis. Pumuntang kusina at  Kumain. Nang matapos ay nagpaalam ako kay Manang na may pupuntahan.

7:19 am pa lang. Pagkakaalam ko ay mamaya pang gabi ang simula ng Party ni Perry. Bibili ako ng pwedeng iregalo kahit na hindi kami close.

Napangisi ako sa naisip....

Dahil sabi ni Pula na pupunta si Mahgie. Kailangan nya rin ng pwedeng ibigay kay Perry. Yayain ko syang bumili ng pang regalo kahit alam kong imposible ko syang mapapayag.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now