Chapter 26: Encounter Agatha

2K 109 0
                                    

MAHGIE POV

Nagulat at agad kong nabitawan yung notebook na hawak ko ng bigla itong kinuha ng kung sino. Limingon ako at nakita ko syang nakangisi "Matunaw ang notebook ko"-sabi nito. Nilahad naman nya yung kamay nya. Nagtataka akong napatingin dun "Ballpen?"-nakangising sabi nya. Hawak ko pala yung ballpen nya. Nilibot ko yung paningin ko sa loob. Wala ng tao at kaming dalawa na lang ang nadito.

Seryoso? Ganun ako katagal natigilan?

Napatingin ako sa hawak kong ballpen tapos sa hawak nyang notebook. Naalala kong nagsagot ako kanina sa quiz kahit na excempted kami at sa likod ng notebook nya ako nag sulat.

Bago kase sya magpa quiz pinilas nya yung papel na sinulatan nya ng question tapos naiwan sa akin yung notebook nya. Hindi ko namalayang nagsasagot din ako. Ngayon lang nag sink in sa utak ko dahil hawak ko yung ballpen nya at nakatitig ako sa mga sinulat ko sa notebook nya.

"Mahgie yung ballpen ko. Pwede ko ng makuha?"

Hindi ko pinakinggan yung sinabi nya dahil nakatingin pa rin ako sa notebook nya. Napansin nya naman to. "Bakit ba kanina ka pa nakatingin sa notebook ko? Lunch time na hindi kaba nagugutom?"-tanong pa nito.

Kailangan kong makuha yung notebook nya at mapunit yung mga sinulat ko dun. Tss. Bakit kase nagsulat sulat pa ako ?

"Akin na yang notebook mo"-sabi ko.

"Ha? Anong gagawin mo sa notebook ko?"

"Basta"

"Ayaw ko nga. Dali na ibigay mo na yang ballpen ko. Nagugutom na kaya ako. Tsk"

"Ibigay mo muna sa akin yang notebook mo"-napakunoot noo si Jaxell. Nagtataka itong nakatingin sa akin. Parang nawiwirduhan?

Bahala na.. Makuha lang yung notebook.

"Sabihin mo muna kung bakit? May notebook ka naman siguro? "

Napabuntong hininga si Mahgie at tumayo "May kailangan akong punitin"-sagot nito.

Kaya pala. Kung ganon may sinulat sya dito?-sa isip ni Jaxell

Ngumisi ng pangasar si Jaxell "May sinulat ka dito noh"-sabi pa nito na kinagulat ko. Tss. Tumakbo ito sa labas. Huminto ito sa pintuan at humarap sa akin. "Ayaw ko ngang ibigay sayo. Babasahin ko muna bago mo pilasin"-kumindat ito at umalis "See 'yah later Baby Gie"-narinig kong sigaw nito. Mag isa na lang ako dito.

Aishh! Lagot ka sakin Jerk! Oras na mabasa mo yan. At inasar mo na naman ako. Heheadbuttin talaga kita ng malakas hanggang sa mamatay-----mahimatay ka.

Ngumisi ako. Lumabas akong room para pumuntang cafeteria dahil nagugutom na ako. Tss. Hindi pa naghintay ang Jerk-----nevermind.

Naramdaman ko na naman na parang may nakatingin sa akin. Luminga ako. Napahinto ang mata ko sa medyo may kalayuan. Nakaitim ito at nakasandal sa puno. Hindi ko alam kung sa akin nga ito nakatingin dahil nakamaskara din ito ng itim.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now