Chapter 09: C-2

2.7K 137 4
                                    

MAHGIE POV

"KUYA HENCEEEE"-sigaw ko ng mapagtantong sya nga.

"Shhh Baby Gie! magising yung kapitbahay. Sige ka"-nangingiting sabi nito

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Tumatawa naman na niyakap nya rin ako. Miss na Miss na Miss ko talaga tong si Kuya Hence. At sa kanya lang talaga lumalabas ang ibang side ko.

"Miss kita ng sobra Baby Gie"

Unlike kuya Acer si Kuya Hence lang talaga ang pinapayagan kong tumawag sa akin ng Baby Gie. Gaya gaya lang talaga si Kuya Acer.

"Tuloy ka Kuya Hence. Na miss din kita"

Pumasok kami sa loob pinaupo ko sya sa sofa. Nilibot nya naman ang paningin nya sa apartment ko.

"As alway. Malinis at maayos "-nakangiting sabi nya. Tumingin sa akin.

"Nagugutom kaba kuya. Magluluto ako"

Agad naman syang umiling at Pinakita sa akin yung bitbit nyang paper bag "Nagtake out ako ng pagkain, sabay na tayo para makapagkwentuhan pa tayo. Aalis na rin ako maya maya eh"

Nalungkot naman ako "Ang bilis naman Kuya Hence. Ngayon na lang kita makakasama eh"

Ngumite naman ito at ginulo yung buhok ko. Lalo akong Napasimangot.

Nakalimutan kong ipakilala ang pinaka close kong kuya.

Hence Mark Rigel ang pangalawa sa magkakapatid, Nagtratrabaho na ito bilang bussiness man. Matalino kase si kuya marami rin ang nagsasabi sa kanyang mag model pero ayaw nyang pumasok sa mundo ng showbiz. Oo gwapo tong si Kuya Hence pero mas gusto nya ang bussiness man.

Mabait, malambing, maalaga at sweet na tao si Kuya Hence at hindi na ako magtataka kung may girlfriend na tong Koreana.

Oo nga pala, kaya sobrang miss ko talaga si Kuya at gusto ko syang makasama dahil ngayon ko lang sya nakita ulit after 3 YEARS. Nag stay sya ng ganyan katagal sa Korea para sa bussiness trip.

"Sa sunday bonding tayo, Promise"-nakangiting sabi nya sa akin. Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Talaga? Promise? "-tumango tango naman sya habang nakangite parin.

"Yay! Sabi mo yan Kuya ah?"

"Oo nga, ang kulit"-natatawang sabi nya "Kumain na tayo. Yung mga pasalubong ko pala sayo nandun sa kotse. Kunin natin mamaya bago ako umalis"-dagdag nya

Tumango tango ako. Puno kase yung bunganga ko ng pagkain kaya Hindi ako makapagsalita. Ang sarap talaga nitong beaf steak. Ngayon na lang ako ulit nakakain nito ah.

Uminom ako ng Coke in can na dala din ni kuya. Nabusog ako ah.

"Kuya ang dami naman nito. Pang ilang buwan ko ng supplies yan"

Kinuha ni Kuya yung mga pasalubong nya sa akin. Binitbit ko naman yung iba. Para ilagay sa lamesa at aayusin ko mamaya. Mga groceries, damit, chocolate , at marami pa.

"Para sayo talaga yan Baby Gie. Ang tagal kong nawala eh. Baka kase magtampo ka kay Kuya Hence mo"-malambing na sabi nya. Pagkatapos mailapag yung iba pang gamit sa lamesa ay lumapit ito sa akin.

"Hindi naman ako nagtatampo sayo Kuya. "

Tumingin naman ito sa relo nya na nasa wrist nito. Napasimangot ako. Siguradong aalis na sya.

"Baby Gie, kailangan ko ng umalis. May meeting ako ng 10 pm. Mag iingat ka dito ah. "-hinalikan ako nito sa noo at mabilis na niyakap. Tumango na lang ako.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now