Chapter 28: She's Missing

2.2K 120 2
                                    

THIRD PERSON POV

"Pagpasensyahan mo na si Manang. Ganyan talaga ang iisipin nya dahil ngayon lang ako nagdala ng babae dito"- ng marinig ni Mahgie ito ay hindi nya pinahalatang nagulat sya. Sa hindi malamang dahilan ay may naramdaman na naman syang kung ano sa tyan nya. Bigla ding kumabog yung dibdib nya. Ipinagsawalang bahala nya ito sa halip ay tumango tango na lang sya.

"Sasabihin ko na lang mamaya na FRIEND pa lang kita. Wala pang GIRL dahil hindi pa kita napapasag-----Fuck! A-aray"- biglang bumilis ang tibok ng puso nito kaya bigla nyang itong sinikmuraan. Hindi nya na alam ang pinagsasabi ni Jaxell dahil nalilito sya kung bakit nya ito nararamdaman. Madalas nya kase itong maramdaman tuwing inaasar sya nito at malapit sila sa isa't isa.

Inlove na ba ako? E-eto ba yung l-laging sinasabi ni Perry? Na... Bumibilis ang tibok ng puso mo, may nararamdaman kang kung ano sa tyan mo, napapangite ka kahit pigilan mo dahil sa kanya.

Hindi ito pwede....IMPOSIBLE...

Dahil sa kakaisip nya ay hindi nya namalayang nakalayo ito. Napansin nyang maraming Picture Frame na nakasabit sa Wall. Habang tinitignan ang picture ng binata ay napangite ito dahil halatang napipilitan dahil nakasimangot ang mukha nito.

Biglang nabura ang ngite nito sa labi ng mahinto at mapako ang tingin nya sa huling Picture kung saan May Isang lalake na may edad at batang lalake na nasa pitong taong gulang.

Titig na titig sya dito. Napasarado ng mahigpit ang dalawang kamao nito. Nagdidilim ang paningin nya. Nagtiim ang bagang nito.

Hindi ako maaaring magkamali...ang taong to.....sya ang pumatay sa......ate ko.

At ang batang lalake na to....

Walang iba kundi si....Jaxell

Bakit? Bakit sya pa? Kung kailan.....

Biglang nanlabo ang mga mata nito. Kinuha ng nanginginig na kamay nya ang Picture Frame na nakasabit. Galit na galit ang mga mata nito. Bumalik sa alaala nya ang lahat ng nakaraan.

Bigla nya itong nabitawan dahil nakaramdam sya ng pagkahilo. Balak nya sanang manlaban dito ngunit tuluyan na itong nawalan ng malay.

Nakangising binuhat ng nakaitim na lalake....Black Reaper.

Ang babaeng walang malay. Binuhat nya ito na parang sako. Kanina nya pa sinusundan ang dalawa mula sa apartment, mall at dito sa Mansyon ng mga Kingson.

Ginamit nito ang ninja moves nya kung kayat nakapasok sya ng walang kahirap harap dito.

Sinakay nya ang walang malay na si Mahgie sa back seat ng puting kotse. Nakangisi itong sumakay sa driver seat at pinaharurot ito papunta sa lugar kung saan nya wawakasan ang buhay ni Mahgie.

Ang hindi nito alam ay may nakakita sa kanya. Nanlaki ang Mata ng babaeng nakakita rito at agad na pumunta kay Jaxell upang sabihin ang nakita nya.

"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ni Jaxell sa kanya. Paalis sana ito dahil pupuntahan nya si Mahgie sa apartment nito. Dahil sa pag aakalang umuwi na ito dahil na bored.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now