Chapter 11: Lunch with X-5

2.6K 140 0
                                    

THIRD PERSON POV

Kauuwi lang galing sa trabaho si Mahgie. Dahil sa pagod ay agad na itong sumalampak sa sofa. Ngunit hindi pa rin sya makatulog dahil bigla nyang naisip ang pangyayari sa pagitan nila ni Jaxell. Ang aksidenteng paglalapat ng kanilang labi.

Tss! Bakit Kase nakasunod sya sakin kanina.

Pilit nya itong winawaksi sa isipan nya ngunit parang sirang plaka ito na paulit ulit na pumapasok sa isip nya. Nakalimutan nya ito panandilian nung Nagtratrabaho ito. Ngunit ngayon ay naiisip nya na naman ito.

Tss! Umalis ka sa utak ko...

Binatukan nya pa ang sarili. Pumikit ito sa pagbabakasali na makatulog ngunit sa pagpikii nito ay nakita nya ang mukha ni Jaxell kaya agad din syang napamulat.

Tss!

Tumayo ito at napagpasyahang Magtungong banyo para mag shower saglit dahil amoy pawis ito. Matapos mag toothbrush at magshower. Nagsuot ito ng maluwang na T-shirt at pajama na medyo maluwang din.

Nahiga ito sa kama at tumitig sa kisame. Mag aalas dose na ng gabi at hinihintay nyang dalawin sya ng antok. Maya maya lang ay wala sa sariling napahawak ito sa labi nya. At biglang bumalik sa isipan nya ang pangyayari kani-kanina lamang . Napailing -iling ito. Humikab at tuluyang nakatulog.

Kinabukasan.....

Maaga itong umalis sa apartment para pumasok sa school dahil ayaw nyang sumabay sa Kuya Acer nito. Gamit nito ang  bisekleta nya.

Nang maiparada nya ang bisekleta ay agad itong naglakad patungo sa Room nito. Hindi pa ito nakakapasok ng gate ng biglang may tumawag sa kanya.

"MAHGIE! SANDALI"

Lumingon ito sa likuran at nakita nya si Perry na tumatakbo sa direksyon nya.

"Sabay na tayo. "-Perry, sumabay sya sa paglalakad ni Mahgie . Hindi naman sya kinibo nito. Hanggang sa makarating sila ng Room. Naupo si Mahgie at tumabi naman si Perry dito.

Linibot ni Mahgie ang paningin nya sa loob. Napansin nyang wala pa ang mga ito.

"Sinong hinahanap mo Mahgie? Sila Jaxell ba? "-Perry ng mapansin nito si Mahgie na palinga linga.

Nagulat ito ngunit hindi nya pinahalata "Hindi"-sagot nito at binalik sa harapan ang atensyon ngunit nagulat ito ng saktong pag pasok ng dalawa sa loob. Si Jaxell at Sike. Nagtama ang paningin nila ni Jaxell. Nginisihan sya nito ngunit sinamaan naman sya ng tingin ni Mahgie at agad na binaling sa labas ng bintana ang atensyon nya.

Napansin ni Perry na hindi nag rereview ang katabi kaya kinalabit nya ito.

"Hindi kaba mag rereview Mahgie? Ngayon ang quiz natin kay Sir Torre."

Umiling si Mahgie dito at balik sa bintana ang atensyon. Hindi ito nagreview dahil nga napagod ito sa trabaho kagabi. Nawala na rin sa isip nya na may quiz ngayon.

Kinabahan naman si Perry para dito. Dahil kung sakali na hindi nito makalahati ang quiz ay Paniguradong remidial class ang parusa. 4:00pm to 5:30pm kase ang Remidial class.

"Mahgie share tayo dito sa book ko. Mag review ka na rin. "-Sabi nito.

Halos lahat ng kaklase nito ay nagbabasa ng kani-kanilang libro at tanging si Mahgie lang talaga ang hindi. At mas lalong kinakabahan si Perry dahil nga transfer student ito at hindi nya pa kilala si Mr. Torre. Kaya pinipilit nya itong mag review.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now