Chapter 22: Nightmare (Part 1)

2.2K 115 0
                                    

THIRD PERSON POV

"Ate,ate laro naman tayo sa,labas oh..please*puppy eyes*"-sabi ng isang bata sa kanyang nakakatandang kapatid. Nasa loob sila ng kumbento at maraming batang naglalaro dito.

"Pero EL bawal tayo lumabas. Ayaw mo ba dito? Sabi ni Pader delikado pag lumabas tayo"-sabi ng kanyang kapatid sa nangngangalang EL . Nakaupo ang dalawa sa kahoy na bench habang nakatanaw naman sa labas ng kumbento ang batang EL.

"Sige na ate pleasee *puppy eyes* promise saglit lang tayo pleasee"-pakiusap pa nito sa kanyang ate. Napabuntong hininga naman ito at luminga sa paligid baka makita sila ng mga madre. Nakahinga sya ng maluwag ng walang nakitang madre.

"Saglit lang tayo EL ah. Papagalitan tayo kapag nalaman nilang lumabas tayo"

Pagkasabi nito ay nagtatalon sa tuwa ang batang EL niyakap nya pa ang ate nya. Napangite naman ang ate nito dahil sa nakikita nyang kasiyahan ng kapatid nya.

*

Masayang naglaro sa labas ang dalawang bata. Dahil dito ay hindi nila namalayang magdidilim na pala. Nakaramdam ng takot ang dalawang bata dahil medyo nalayo sila sa kumbento. Pauwi na ang mga ito ng biglang may humintong puting kotse sa gilid nila. Nakaramdam sila ng takot ng may biglang bumabang dalawang taong nakaitim at lumapit sa kanila kaya napayakap ang dalawang bata sa isa't- isa.

"A-ate natatakot a-a-ako"-bulong ng batang EL sa kapatid nito "Shhh n-nandito lang s-si a-ate"-pati ito ay nanginginig na.

"Pare tignan mo kung sino sa dalawang yan ang anak nya"-utos ng kasama nito. Lumapit ang isa sa kanila. Biglang hinila ng lalakeng nakaitim ang ate ng batang EL. Sinuri nito ang muka ng bata. Napangisi ito ng makita ang nagpapatunay na ito ang hinahanap nila.

"Jackpot pare. Mukang ito na nga batang pinapahanap ni Boss"-binitbit nito ang bata na kanina pa umiiyak at sigaw ng sigaw patungon sa kasama nito.

"Sige isakay na yan kailangan nating idala ang batang yan kay boss"

"San nyo sya dadalhin? Tulong! Tulongan nyo kami. Ibalik nyo sya dito"-sigaw ng batang EL sa nanguha ng ate nya.

Napatingin ang dalawang taong nakaitim dito.

"Isasama pa ba natin yan pare?"-tanong ng isa. Napaisip naman ang kasama nito "Sabi ni Boss isang bata lang ang kailangan nating dalhin sa kanya. Mabuting iwan na lang natin yan. Hindi naman tayo kilala"-sumang ayon ang isa. Narindi naman ang isa dahil kanina pa sigaw ng sigaw ang batang kinuha nila kaya naman kinuha nito ang panyo namay pangpatulog at pinaamoy dito. Kaya nakatulog ito.

Hindi makakilos sa kinatatayuan ang batang EL dahil sa nangyari. Sumakay na ang mga ito sa puting kotse at dun sya natinag habang hindi pa ito umaandar ay tumakbo ito sa compartment ng kotse at sumakay sa loob nun kahit na nanginginig ito dahil sa takot. Pagsakay nito ay sya ring andar ng kotse.

*

Nakatago ang batang EL sa sulok kung saan madilim at walang makakakita sa kanya. Nasa abandonadong building sila napunta. Kitang kita nyang nakagapos ang ate nito sa silya habang may busal ang bunganga nito. Mayroon ring takip ang buong ulo nito.

Tahimik itong umiiyak habang nakatingin sa ate nyang halatang nanghihina na.

Napatingin ito sa pinto ng biglang pumasok ang isang lalakeng naka bussiness suit at may hawak na malaking bag kung saan nakalagay ang tatlong milyon kapalit ng buhay ng anak nito.

"Buti naman dumating ka"

"Nasaan ang anak ko?!"-sigaw nito. Sumenyas naman ang boss nila na kalagan ang bata at ibigay dito. Nagkaroon pag asa ang batang EL  na makakaligtas ang ate nito.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now