Chapter 24: The Report

2.1K 105 0
                                    

JAXELL POV

Hindi ako makapag isip na maayos dahil nakatitig ito sa akin. Masama ang tingin at naghihintay sa sasabihin ko. Wala naman ako maisip na pwedeng ipalusot. Fuck!

"Insan nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap"

Napalingon ako sa dumating. Yung tatlo at may dala dala itong mga pagkain at inumin.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang dumating ang mga ito dahil kung hindi baka kanina pa ako na naiintense kay Mahgie.

Wait what? Intense?

Tsk! Bakit ako kakabahan?Fuck!

"Whoaa. Nandito ka pala Mahgie."-ngumite si Insan at kumaway kaway pa. Childish talaga. "Gusto mong sumabay sa amin kumain? "-tanong pa nito.

Huwag mo ng tanungin. Alam kong tatanggi lang yan.

Tinaas nya pa yung hawak nyang dalawang plastic na may lamang pagkain. Pati yung dalawang inumin na Coke in Can.

Biglang kumalam yung sikmura ko. Magsasalita na sana ako para sabihing Huwag nya ng tanungin to at kumain na kami. Pero nagulat kami dahil...

"Sige ba.."-sabi ni Mahgie na talagang kinagulat namin.

Dahil dun ay tuwang tuwa si Pinsan . Niyaya nila itong maupo para makakain na. Binigay ni Pinsan yung isang plastic kay Mahgie.

Kaya sa huli....

Fuck! Wala akong pagkain. Binigay nya kay Mahgie ang dapat na pagkain ko.

"Sorry Insan , bumili ka na lang ng pagkain mo sa cafeteria"-natatawang sabi nito.

Tsk! Anong nakakatawa?

"Tsk"-tanging sabi ko.

Naiinis pa ako dahil nung tumingin ako kay Mahgie ay parang nang iingit ito. Titingin sya sa pagkain nya tapos titingin sa akin na may kasamang pag ngisi , nag mouthed pa ito ng 'Jerk' saka sumubo ng pagkain.

Tsk! Bakit kase pumayag pa sya sa alok ni Pinsan?

Baka gusto nya rin akong asarin dahil sa pang aasar ko sa kanya.. Tsk. Malabo.

Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila. Minsan nagsasalita si Mahgie kapag tinatanong sya ni Pinsan. Pero tahimik lang ito kapag hindi mo kinausap.

Hanggang sa matapos silang kumain. At ako?

Fuck! Nagugutom na ako.

Sa totoo lang talaga ayaw kong pumunta ng Cafeteria  dahil naririndi ako sa mga tilian ng mga babae dun.

Tsk...

*****

Dalawang araw na ang lumipas ng mangyari ang (hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon) na pagpayag nyang kumain ng lunch na dapat ay sa akin , Tsk. Sa dalawang araw na lumipas na yun ay lagi ko syang inaasar para makaganti sa ginawa nya.

Habang nagkaklase hindi ako makapag concentrate sa lesson dahil nagugutom ako. Napapatingin nga sa akin si Sike dahil tumutunong yung tyan ko. Tsk.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now