Chapter 25: Friendship?!

2.1K 116 0
                                    

MAHGIE POV

Matapos nya akong hatakin papuntang library ay nakatikim na naman sya ng sikmura sa tyan galing sa akin. Nagulat talaga ako kanina ng bigla nya akong hatakin sa braso ko. Hindi ko inaasahan yun. Hindi ko rin alam kung bakit parang may kuryenteng dumaloy sa braso ko nung hawakan nya ito.

Tss! Ano ba itong iniisip ko?

Wala rin kaming napala sa library. Dahil nasita at napalabas kami dahil sa kanya. Tss! Ang lakas ba naman ng sigaw eh.

Pansin ko rin na bigla itong nanlumo habang paalis kaming library "Bakit hindi mo alam na reporting ngayon at Friendship ang topic natin?"

Natin? Kung ganon sya pala yung partner ko sa reporting na yun? Tss.

"Alam kong reporting ngayon at topic ay FRIENDSHIP." Tss. Mapaklang sagot ko. Napatingin ito sakin na nagtataka "Alam mo? Sabi mo kanina hindi mo alam."

May sinabi ba ako? Ang alam ko pinutol nya ang sasabihin ko kanina.

"Hindi ko alam na partner pala kita"-pinigilan kong magtonong pangasar yung pagkakasabi ko.

"Kung ganon may irereport ka----tayo mamaya?"

Pinigilan ko ang sariling ngumite dahil sa nakikita ko sa mukha nya. Ngunit hindi ko napigilan kaya tumalikod ako at ngumite ng konti.

"Oo"

Humarap ako sa kanya na balik poker face. "Pero ikaw?"

"A-ah w-wala"-nauutal na sabi nito.

Halata naman. Tss.

"Tss. Gumawa ka na lang ng question para sa quiz"

Pagkatapos sabihin yun ay naglakad na ako papuntang room at iniwan sya dun na nakanganga.

Tss!

Habang nagkaklase ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Luminga ako at nagtama ang paningin namin ni Jaxell. Nagulat ito at agad na nag iwas ng tingin na kinataka ko. Minsan kase kapag nahuli ko itong nakatingin sa akin magugulat pero agad ding ngingisi.

Napakunot noo ako. Masyado nya bang iniisip yung reporting kay Mr. Torre. Napailing iling ako. Takot din sya dun?

Mabilis na lumipas ang oras at time na ng English. Wala pa si Mr. Torre dahil 3 mins pa bago mag alas onse.

"Kinakabahan ako mamaya sa reporting. OMG!"-Perry

"Ano nga pa lang report nyo Mahgie?"-nakangite na naman ito.

"Friendship"-tipid kong sabi. Nagulat ito. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng topic. Friendship pa?

"hehe ang g-ganda naman ng topic nyo. Kami kase Love ang topic"-namula pa ito pagkabanggit ng Love.

Tss! Partner nya kase si Ark. Kaklase namin sila (Red at Ark) sa Mapeh at English subject ng Wednesday at Friday dahil sa section C ang mga ito. Kinuwento nya sa akin na sa bahay ni Ark sila nagbasa at pinag aralan yung topic nila. Nagtaka nga ako kung bakit nakasimangot to. Sinabi nyang may babae daw dun na naghihintay kay Ark. Zayreesh yata pangalan? Pamilyar yung pangalan...Nevermind.

Biglang tumahimik ang lahat ng biglang dumating si Mr. Torre. Dala nito ang class record , ballpen at chalk. Hindi ko pa ito nakitang may dalang libro. Tulad ng ibang teacher.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now