Chapter 12: Weird

2.4K 132 8
                                    

RED POV

Hi Miss Beautiful *wink* Red Fuentez, 17 years of existence. Ang pinakagwapo sa aming mag trotropa. Sinong umangal? Hahalikan ko...

Kilala akong Playboy dito sa campus dahil nga marami na akong naging girlfriend at lahat sila ay hindi tumatagal dahil mabilis akong mag sawa sa kanila kaya naman ang resulta lagi silang umiiyak at nagmamakaawa na huwag kong iwan. Pero sa umpisa naman sinabi ko na sa kanila na hindi ako seryoso, kaya hindi ko na kasalanan Kung nahulog sila sa gwapo tulad ko. Diba?

"Magkakilala kaya sila? Sa tingin nyo?"-Ark

Panira talaga ng introduction to. Psh.

"Maybe"-sagot ni Sike, na nakatanaw kay Mahgie at Acer na papalayo.

Nagulat din ako kanina sa pagsulpot nya dito sa cafeteria. Hindi nagagawi ang isang yun dito at ngayon lang talaga. Atsaka bakit pa sya pupunta dito Kung may cafeteria naman sa building nila. Psh. Malayo ang building nila hanggang dito sa building namin kaya nakakagulat talaga.

Sikat din kase dito sa campus si Acer. Sya ang Captain ng Archery. Gwapo din pero pinakagwapo talaga ako-----

"A-aray. Bakit kaba nambabatok? Psh"-angal ko kay Ark ng matapos akong batukan.

"Time na. Start na ng klase. Kung ano ano inisip mo. Nauna na si Insan at Sike. "

"Bakit nandito kapa? "

"Hinihintay kang matapos mag isip isip dyan. Pareho tayo ng room kaya tara na baka malate pa tayo"

Oo nga pala. Nahiwalay kami ng Section dun sa dalawa. Section C Kase kami ni Ark. Samantalang Section A naman si Jaxell at Sike. Parehong Matalino eh. Kami naman ni Ark ? Psh. Hindi nyo na kailangan malaman. Haha

"Si Perry? Umalis na rin? "-Tumayo ako. Naglakad na kami palabas ng cafeteria para Magtungo na sa aming room.

"Oo... Pero napansin ko kanina na sobrang nagulat talaga sya na makita yung si Acer. "

"Wala namang bago dun"- sabi ko

"Eh parang wala sya sa sarili kanina eh"

"lahat naman ng babae ganun kapag nakakita ng gwapo. Tulad ngayon"-sabi ko. Ang dami kaseng babaeng Napapatingin sa amin ---akin at napapatulala na lang. Napailing ako. Iba talaga kapag gwa------

"A-aray... Bakit na naman ba? Nakakadalawa kana ah... Isa na lang at ihahagis talaga kita"-angil ko at napahimas ng batok ko.

"Hindi ganon yun...Ewan ko sayo Red. Dalian na natin at nakita ko ng pumasok sa loob si Mrs. Gicce"-sabi nito, at nagtatakbo kaya naman tumakbo na lang ako.

Habang nag didisscuss si Mrs. Gicce sa harap ay Napaisip ako. Hindi yung tinuturo nya ang iniisip ko ah. Iba yun.

Naisip ko yung pangyayari sa cafeteria kanina...

Flashback

Napalingon ako sa biglang dumating at umakbay kay Mahgie. Nagulat ako ng makita si Acer. Siguro pati itong tropa ko ganun din.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap ."-nakangite ito kay Mahgie habang sinasabi yan. Mas lalo kaming nagulat sa aksyon nito. Ang dami na ngang nakatingin sa kanilang dalawa eh. Biglang nagbulungan ang mga studyante.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now