Chapter 19: Trouble (Part 2)

2.1K 124 0
                                    

MAHGIE POV

"B-baby G-gie a-anong ginagawa m-mo d-dito? Umalis k-kana . A-ako ng b-bahala sa mga ito"-tinignan ko lang ng masama si Kuya Acer. Hirap ito magsalita dahil nabugbog ito. Putok ang labi , may black eye sa kaliwang mata at namamaga ang mukha. Tss ano bang trip nito at nandito to sa bar. Napa away tuloy.

Napabaling naman ang tingin ko ng biglang sumigaw yung mukang palaka. "SUNTUKAN NA LANG TAYO. MASYADO KANG PAKIALAMERA. KAHIT NA BABAE KA HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATULAN KA"- sigaw nito.Halatang lasing dahil pulang pula na ang mukha at mata nito. Tumigil naman ang napaka ingay na tugtog at talaga namang rinig na rinig ang boses nito dahil tahimik na rin ang paligid. Napansin ko ring takot ang mga tao dito dahil ang iba ay nakayuko at talagang iniiwasan na mahuli sila ng tingin nito. Tsk bukod sa malaki nitong pangangatawan at sa mukha nitong palaka . Wala ng ibang nakakatakot sa kanya.

May kasama rin itong dalawang lalake na nakajacket ng itim.

"Tss. Suntukan lang pala eh"- hindi ko to pinakitaan ng emosyon na lalong kinainis nito.

Narinig ko rin ang singhapan ng mga tao sa paligid. Hindi ko naman maiwasang marinig ang bulungan ng iba.

"Hindi nya ba kilala ito?"

"Lagot sya. Hindi nya kilala ang binabangga nya!"

"Nakakatakot sya! Bakit kase pinakealaman nya pa ito? "

"Wala pa namang sinasanto yan. Kahit babae binubogbog nya"

Napatingin ako kay Kuya Acer na napahigpit ang pagkakawak nito sa braso ko. Pilit itong tumayo ng maayos pero hindi nito magawa . Marami na ring galos ang mga braso nito. Napaiwas ako ng tingin. Nagsimulang mag init ang ulo ko. Kahit na laging cold ang pakikitungo ko kay Kuya Acer ayaw ko pa ring nakikita syang ganyan ang kalagayan.

Napadaan lang ako dito. At nakita ko syang hawak ng dalawang lalake at pinagsasapak at tinatadyakan sya ng mukang palaka na to. Hindi ako nag dalawang isip at pumasok na akong bar kahit na hinarang pa ako ng guard at sinapak ng malakas yung dalawang nakahawak kay Kuya Acer. Yung mukhang palaka naman napatigil at nagulat. Nagagalit ito dahil pakialamera daw ako.

Tss. Wala syang pakealam.

"ABA'T SUMASAGOT KAPA. KAYONG DALAWA SUGUDIN NYO ANG BABAENG YAN. BUGBUGIN NYO HANGGANG SA HINDI NA MAKATAYO"

Sumonod naman ang mga ito. Bigla namang humarang sa harap ko si Kuya Acer kaya sya ang nasuntok. Tinignan ko ng masama ang sumuntok sa kanya . Natakot ito at napaatras.

Balak sana akong sipain sa tagiliran ng isang lalake pero nakaiwas ako at sinipa ko ito sa likod kaya tumalsik ito. Sumugod din yung isa at pinaulanan ako ng suntok ngunit dumadapo lang sa hangin ang mga kamao nito dahil hindi nya ako matamaan.

Ang tanga naman nito.

Dahil siguro sa pagod ay tumigil ito na syang kinangisi ko. Lumapit ako dito at hiwakan sya sa kwelyo . Nagulat ito at umamba itong mananapak ngunit inunahan ko na sya at hineadbutt ko ito ng malakas kaya naman agad itong nakatulog at nakalupasay na sa sahig.

Nag stretch ako ng leeg at bumaling ang tingin ko sa gulat na gulat na reaksyon ng mukang palaka na to. Nakaupo pa ito at may hawak na alak. Akala siguro nito matatalo ako ng dalawa nyang kasamahan.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now