Chapter 06: Goblin

3.1K 147 8
                                    

THIRD PERSON POV

Papunta na sana sa gawi nila ang mga babaeng magtatanong ngunit napahinto ang mga ito.

"Ay! Mukang may moment sila ng boyfriend nya"

"oo nga, sa iba na lang tayo magtanong"

"Tara, dali baka mahanap pa natin sya, GOSH"

at mabilis na umalis ang mga ito sa pag aakalang mag kasintahan ang dalawa.

Dahan-dahang inalis ng lalake ang pagkakayakap kay Mahgie at Nakahinga ito ng maluwag dahil sa wakas ay umalis din ang mga babaeng humahabol sa kanya. Bakit nga ba sya hinahabol ng mga ito?

Tumingin ito kay Mahgie na hanggang ngayon ay tulala parin. Ngumite ito. At inaayos ang suot na cap, linapit ang bibig sa tenga ni Mahgie at bumulong.

"Thank you"

O___O

Mas lalong hindi nakagalaw si Mahgie dahil mabilis syang hinalikan sa pisngi ng lalake. At hindi nya namalayang wala na ito sa tabi nya at nakaalis na ito.

Nang bumalik sya sa reyalidad ay saka sya nakaramdam ng inis dahil sa taong yumakap at humalik sa kanya. Gusto nya itong bigyan ng ultimate headbutt at mega uppercut. Ngunit nakaalis na ito.

Tumayo na ito at napagpasyahang ubusin ang kanyang kinakain habang naglalakad. Ngayon nya lang napansin na hindi pa pala nya nauubos ang binili nyang pagkain dahil sa sitwasyon nya kanina. At hanggang ngayon ay pakiramdam nya nakayakap parin ito at nakadampi parin ang labi nito sa kanyang pisngi.

Napailing ito at hindi na muling inisip ang pangyayari kanina.

Pagkarating sa Goblin ay agad na naman itong nagtrabaho dahil marami parin ang costumer at parang Hindi ito nababawasan. Lakad dito, lakad dyan. Kuha dito, kuha dyan. Paulit ulit yan hanggang sa 5:00 pm na.

Tinanggal nya ang suot na sumbrero at nilagay ito sa loob ng kanyang bag. Naupo muna ito upang mag pahinga saglit.

"Mahgie, juice oh. inom ka muna"

Inabutan sya ni Ronald ng isang basong juice. Tinanggap nya naman ito ng hindi tumitingin kung sino ang nagbigay nito. Habang uminom ito ay biglang tumabi sa kanya si Ronald dahil napagod din ito sa trabaho.

"Patabi ha? "

Muntik ng maibuga ni Mahgie ang iniinom na juice kung Hindi nya lang napigilan . Naalala nya kase ang pangyayari kani kanina lamang dahil biglang nagtama ang siko nila. Bahagya naman syang lumayo ng kaunti.

"Mahgie! Ronald! Guys! Mauna na ako sa inyo. Alam nyo na"

"Sige ingat"-sigaw ng mga kasamahan nito.

Nagpaalam na si Cassy na mauna dahil may date ito. Napailing iling na lang ang mga kasamahan nito. Dahil araw araw ay laging may date si Cassy at hindi lang yon. Iba ibang lalake ang dinidate nito. Dahil wala syang balak mag seryoso sa relasyon. Sa madaling salita playgirl si Cassy.

Pagkalipas ng minuto ay tumayo na rin si Mahgie para umuwi at makapagpahinga ng maaga sa apartment nya.

"Bye Mahgie, ingat ka"

Sigaw din ng mga kasamahan nito ng mapansin nilang palabas na rin ito para umuwi.

As usual. Hindi nya pinansin ang mga ito at nagpatuloy lang sa paglalakad palabas na parang walang narinig.

Sumakay ito sa kanyang bisekleta at nagpidal pauwi ng kanyang apartment ngunit bago yun ay dumaan muna sya sa Department Store para bumili ng cup noodles.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now