Chapter 04: Perry Stanford

3.2K 153 1
                                    

MAHGIE POV

Kahit labag sa loob ko ay napilitan akong humarap muli sa kanila.

"May kailangan pa po ba kayo? "

Ngumite naman ng malaki yung pula ang buhok at yung isa ay ngumite ng pangasar habang nakatingin kay
.
.
.
Jaxell? Nandito rin pala toh.

"May sasabihin lang tong kaibigan namin, Miss"- napataas yung kilay ko sa sinabi nya

"Hoy pare, ano na? "-yung pula ang buhok

"Bakit dito pa? "-reklamo nya

"Eh gusto namin eh"-parang batang sabi nung isa

"Ayaw ko. Ang aga naman. Wala pa akong naiisip na paraan"

"Wala. Ngayon na pare"

"oo nga"

Mukang pinag tritripan lang ako ng mga ito. May sasabihin daw eh. Sila naman ang nag uusap. Tss. Habang busy sila sa pag babangayan sa kung ano man yon. Tumalikod ako at nagsimulang umalis dun ng Hindi nila alam.

"Mahgie hinahanap ka nung costumer sa table 18"-Napalingon ako kay Ronald ng sabihin nya yun.

"Bakit daw? "-Cassy. At nilibot nya ang paningin sa Restuarant at tumigil dun sa tatlong lalake na nakaupo at palinga linga.

"Ewan ko. Kilala mo ba yun Mahgie? "-umiling ako. Tinanggal ko na ang suot na sumbrero dahil mag uuwian na.

"OEM! Ang gwapo nila *0* "-tumingin si Cassy kay Ronald "Hoy Ronald baka namali ka ng rinig huh? Baka ako yung hinahanap nila? "biro nito "Gosh ang gwapo"-at kinikilig itong tumingin muli sa tatlo. Napailing na lang ako sa nakikita kay Cassy. Gwapo ba yun? Hindi naman. Tss

"Sige. Mauna ako sa inyo. "-paalam ko.

"Girl! Hindi mo ba sila pupuntahan. Hinahanap ka raw sabi nya"-sabay turo kay Ronald na nag aayos na rin ng gamit.

"Hindi"- sayang sa oras lang yun. Kailangan ko ng umuwi para mag pahinga.

Naglakad na ako palabas. Naramdaman ko naman na may biglang sumabay sa akin sa paglalakad.

Si Ronald...

"Ahmm. Madilim na . Wala k-ka bang kasabay umuwi? "-tanong nito .

"Wala"

Nagulat naman ito "Hatid na kita. Baka kung mapano ka dyan sa daan. Wala pa namang masakyan dito dahil malalim na ang gabi."-nag aalalang sabi nito. May kotse kase itong si Ronald. Hindi ko nga alam kung bakit nag oovertime pa ito sa trabaho dahil mayaman naman sya. At ilang beses na syang nag presinta na ihatid ko ako pero lagi akong tumatanggi.

"Hindi na kailangan. May bisekleta naman ako"-at sumakay sa bike ko. Agad naman na nalungkot to

"Pero----"

"sige na. Umuwi ka na rin. Kaya ko ng sarili ko. Bye"

At nagsimula na akong mag pidal "Mag-iingat ka Mahgie. Good night"-pahabol nito

Madilim na dito sa dinadaanan ko at wala pa akong dalang flashlight. At tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing konting liwanag para makita ko yung dinadaanan ko.
Mabuti na lang at walang gaanong pagala gala kapag ganitong oras na.

*

"Ok class. Bibigyan ko kayo ng Task for this day. By group ito at bawat grupo ay may 6 na member. Okay? So choose your member who ever you want? "- hyper na sabi ni Mrs. Nirra Ford, teacher namin sa MAPEH, at music ang topic namin.

Marami na ang may grupo pero ako? Nandito nakaupo pa rin. Atsaka kanina pa ako naririndi sa mga kaklase kong babae dahil pinag aagawan yung apat (Jaxell, Sike, Ark, at Red).

The Coldest GirlDär berättelser lever. Upptäck nu