Chapter 03:The Beginning

3.7K 150 8
                                    

JAXELL POV

"She looks familiar"-tulalang sabi ni Red habang nakatingin sa dinaanan ng babae kanina.

Red Fuentez ang playboy sa aming magbabarkada , halos lahat na yata ng babae dito sa university naging girlfriend nya. Tsk. At pula ang buhok nito tulad ng pangalan nya. Sinasabi ko wala pang tumagal na relasyon sa kanya.  Dahil ang tingin nya sa mga babae ay pampalipas oras. Sinasabihan na namin na mag seryoso dahil darating ang oras na ma iinlove sya at mararanasan nya rin ang naranasan ng mga babaeng pinaiyak nya. Ngunit sinasabi nyang hinding hindi sya mag seseryoso.

"Wait! Teka lang iniisip ko pa . Saan ba natin sya nakita? "-Kumuha ng fries si Ark at sinobo ito.

Ark Revelliano sya naman ang childish sa amin. Hindi ko nga alam kung paano ko naging pinsan to eh. Oo pinsan ko sya. Napaka isip bata. Mahilig kumain ng fries. Kung minsan pa nga ay may subong Lollipop. May baon na chocolate? Candy? Basta yung kinakain ng mga bata.

"Kaklase namin sya ni Jaxell, hindi ko alam kung ano ang pangalan nya. Hindi kase sya nagpakilala kanina eh"-Sike,  at naupong muli sa bermuda grass.

Sike Easthon ang Pinaka seryoso sa amin.Maraming nagkakagusto sa kanya pero wala syang pinapansin kahit na isa. Para na rin syang Kuya ng grupo. Lagi nya kaming pinagsasabihan kapag may ginagawa kaming kalokohan. Lalo na si Red, ilang beses nyang pinagsasabihan yung lokong yun pero hindi nakikinig.

"Sya yung waiter sa Goblin Restuarant , last yesterday ? I guess. "-sabi ko, at nagsimulang umakyat sa taas ng puno. Naupo at tinanaw yung babaeng kakaalis lang.

Jaxell Emperor Kingson anak ng may ari nitong university. Ako ang tumatayong leader.  At kilala sa university bilang King Jaxell. Ang tawag sa amin sa aming magbabarkada ay X-5. Mga gwapo, talented at may pagka badboy. Apat lang kami ngayon dahil nasa ibang bansa yung isa.

"Sya ba yun? Yung Cute na Waiter "-Red

"Oo sya nga Red, yung hindi tinablan ng charms mo hahaha"-pangangasar ni Ark kay Red, natawa din ako. Priceless ang muka ni Red nun. First time syang na snob ng babae at Hindi nya matanggap yon.

"Sinasabi ko sa inyo magiging girlfriend ko din yun. "-mayabang na sabi nya

"Asa ka pa Red. Hindi mo magiging girlfriend yun"-pangangasar ko sa kanya. Nagkatinginan naman yung dalawa. Si Red at Ark.

"Huwag nyong sabihing may binabalak na naman kayo? "-seryosong sabi ni Sike sa dalawa.

"Meron nga"-sabay na sabi nila. At sabay na ngumisi

"Bakit hindi natin i-challenge si Jaxell"-Ark, umandar na naman ang pagka isip bata nya.

Napakunot noo ako sa sinabi nya.

"Anong challenge naman yan? "-tanong ko, bumaba ako at lumapit sa kanila.

"Makipag kaibigan ka sa kanya"-sabay na sabi ni Red at Sike.

"Iyon lang? "-tumingin ako sa dalawa , ngumisi at tumango naman sila.

Pagkatapos tumingin ako kay Sike "It's okay with me"-nagulat naman kami sa sinabi nya. Payag sya? "Ipangako nyo lang na wala kayong pagsisisihan sa ginagawa nyong yan"-iyon lang at tumayo na ito "Mauna na ako. Sumunod na lang kayo"-naglakad na ito paalis.

"Yun oh! Payag si Sike. Oh ano na Jaxell payag kaba? "-masayang sabi ni Ark

"Sige na "-gatong naman ni Red

"Ano namang makukuha ko sa inyo kung sakaling maging successful yung challenge nyo? "-tanong ko.

"Bibigyan kitang brand new car from Hongkong"-Ark

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now