Chapter 14: Bar

2.4K 122 0
                                    

ARK POV

Hello Everyone *kaway-kaway*
Ark Revelliano is the name, 17 yrs old. Ang pinaka cute sa X-5. Totoo naman diba? Haha.

"Arkie bakit hindi na nagpupunta dito si Jaxie my Labs? *pout*"-Napalingon ako sa bestfriend ko na nakaupo sa sofa at nakasimangot. Sya nga pala si Zayreesh Montemayor. Bestfriend ko at talagang obsessed sya sa pinsan kong si Jaxell.

"Busy sya eh"-sagot ko. At inayos yung suot kong cap. Naka T-shirt at Black pants ako. May lakad kami ng Tropa. Kakamustahin namin si Hence. Lokong yun Hindi nagsasabi na nakauwi na pala ng pilipinas. Tropa din namin si Hence. Pero ayaw nyang sumali sa X-5 dahil nga umalis sya papuntang Korea. Yung isa naming member naman nasa Japan inutusan sya ni Jaxell dahil may 'Mission' sya.

"Saan naman sya busy? Namimiss ko na sya *pout*"-Napalingon akong muli sa kanya. May naisip naman akong kalokohan.

"Alam mo kase Zayreesh may GIRLFRIEND na si Insan kaya inaalagaan nya yung gf nya at lagi silang namamasyal kaya-----"

Uh-oh

Biglang nag iba yung aura nya at tinignan ako ng masama.

"No way! Wala syang Girlfriend. Malaman ko lang na may umaaligid sa Jaxie may Labs ko. Lagot sya sa akin"-at ayun nag walk out na.

Napailing na lang ako. Mabuti na nga lang at sa ibang school pumapasok yang si Zayreesh. Sa All girls school sya nag aaral. Dahil kung sa K.U sya mag aaral Paniguradong araw araw may binubully yun dahil ang daming nagpapansin kay Insan. Pwera kay Mahgie.

Ohh speaking of Mahgie... Kaano ano nya kaya si Hence. Hindi pa rin mawala sa isip ko nung nakita ko silang magkasama. Nung una si Acer. Alam namin na magkapatid si Acer at Hence. Ano kaya ang koneksyon sya sa magkapatid? Lalo tuloy akong nacurious sa kanya...

*****

"Anong ginagawa natin dito sa apartment ni Mahgie? "-tanong ko. Dito kase sa tapat ng apartment ni Mahgie hininto ni Jaxell yung kotse.

"Tanungin mo si Sike"-sabi nito. At lumabas na ng sasakyan. Napalingon ako kay Sike.

"We need to ask her. Where to find Hence"-sagot nito at lumabas na rin. Pati si Red na kanina pa tahimik ay lumabas na rin. Nakakapanibago ang pula na yun ah. Ang tahimik.

Nagdoorbell na si Jaxell. Pero lumipas ang ilang minuto wala pa ring lumalabas na Mahgie.

"Parang wala ata sya ah. Kanina pa tayo nag dodoorbell wala naman nagbubukas ng pinto. "-sabi ko.

"Tsk. Nandito sya. Ayun yung bisekleta nya oh"-sabay turo ni Jaxell sa bisekleta ni Mahgie na lagi nyang ginagamit kapag pumapasok.

Oo nga noh. Kung ganun nasa loob sya.

"Baka tulog pa sya"-sabi ko ulit. Sabay sabay naman silang napatingin sa akin.

"Mag aalas onse na ng tanghali. Sa tingin mo natutulog pa sya. Isip mo nga Ark"-sabat ni Red

Akala ko tatahimik na to Magdamag eh. Pshhh. Nag susugest lang naman eh.

"Baka umalis sya"-ako ulit. Tinignan ulit nila ako ng masama.

Eh di tatahimik na...

"Mga iho. Si Mahgie ba ang pinunta nyo rito? "-napatingin kami sa matanda.

"Opo. Nandito po ba sya? "-tanong ni Jaxell.

"Naku mga iho. Kanina pang alas otso umalis si Mahgie dahil Nagtratrabaho ito sa restawran. Mamaya pang alas singko uuwi ang batang iyon."

"sabi ko sa inyo eh. Umalis sya"-ako. Tinignan ulit nila ako ng masama.

Bakit na naman?

"Just shut up, Ark"-Sike.

"Sige po salamat"-baling ni Jaxell sa matanda. Tumango yung matanda at umalis na.

"Saan tayo ngayon? "-Jaxell

"Mag bar na lang tayo. Sa susunod na lang natin kamustahin si Hence. Pag nakita natin si Mahgie "-Red

"Kayo ba? Sama kayo? "-Jaxell

"Yeah"-Sike

"Syempre naman"-ako

Kaya ayun umalis na kami at nagpunta ng Bar. Madalas namin itong puntahan tuwing weekend. Dito ang libangan namin.

Pagpasok namin sa loob ay sari saring amoy ng alak at sigarilyo. May nagsasayaw sa stage na mga sexing babae. May naghahalikan sa sulok sulok.

Pag upo namin ay agad na nag order ng alak si Red. Hindi pa lumilipas ang segundo ay may nagsilapitan na sa aming mga babae.

Agad namang hinalikan ni Red yung babaeng umupo sa kandungan nya. Napailing ako. Laging ganyan ang eksena ni Red kapag nandito kami sa bar.

Si Insan naman sinungitan yung babaeng lumapit sa kanya kaya umalis ito. Si Sike umiinom ng alak at Hindi pinapansin yung babaeng kanina pa lumalandi sa kanya. Sorry for the word.

Ako? Syempre dahil gentleman ako sa babae. Kinakausap ko lang ito.

"Babe. You have a girlfriend already? "-malanding tanong nito habang hinahaplos nito ang mukha ko.

Ngumite ako "Wala babe. Why are you willing to apply? "

Nangaakit na ngumite ito "Sure babe------"

"Just kidding. Wala akong girlfriend. Pero may asawa na ako"-sabi ko. Dahil dun ay umalis na rin ito. Wala akong asawa. Sinabi ko lang yun dahil Naiirita ako sa kanya sobra kung makadikit. Okay na rin yun. Ayaw ko naman maging harsh hindi tulad ni Insan.

Nanguha ako ng alak at uminom. Pero muntik ko na itong maibuga ng makita si Red na Bigay na bigay sa paghahalikan at kung saan saan na naglalakbay yung kamay nya sa katawan ng babae.

"Get a room, Red. "-Sita ni Sike sa kanila. Napatingin si Red sa kanya. Tumayo sya kasama yung babae at naglakad papuntang VIP room. Habang napapailing. Ibang klase talaga tong si Red pagdating sa babae.

"Hoy Insan. Huwag kang masyadong iinom ng marami magmamaneho kapa"-sabi ko rito.

Nakakahiya mang sabihin pero Hindi ako marunong mag drive. Pshhh ayaw nila akong turuan eh. Sinabi ko lang nun na kapag natuto akong mag drive sasali ako ng Car Racing. Ayaw naman na nila akong turuan. Pshhhh.

"Tsk. Sa sarili mo sabihin yan. Dahil mabilis kang ma knock out. Tsk"-at lumagok itong muli ng alak.

Aba. Aba. Ako na naman. Eh ang konti pa nga lang ng naiinom ko eh. Pero nakakaramdam na ako ng konting hilo.

Si Sike naman Kahit na marami ng Nainom parang Hindi tinatablan ng hilo. Seryoso parin ito. Mga high tolerance tong mga toh. Pshhhh. Kayo na... Kayo na ang may alcohol high tolerance. Pshhh.

Uminom akong muli ngunit hindi ko pa nauubos yung isang bote ay nakaramdam ako ng matinding hilo at...

Knock out....

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now