Chapter 15: What?!

2.3K 125 0
                                    

JAXELL POV

"F*ck"

Pag gising ko ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Parang minamartilyo sa sobrang sakit.
Hangover.

Anong oras na kami nakauwi kagabi dahil naparami ang inom ko. Kahit na medyo nahihilo na ako nun ay nagawa ko pa namang umuwi ng maayos at yung langyang Pinsan ko, pahirapan sa pagbubuhat tsk ang bigat ba naman. Kaya minsan maaga akong umuuwi kapag nagpupunta kaming bar dahil mabilis ma knock out yung pinsan kong yun. Tsk.

Bumangon ako. Napahawak ako sa sintido ko dahil kumirot na naman. Fuck.

Eto ang ayaw ko kapag nasobrahan ako ng inom.

Pagkatapos mag toothbrush ay naligo na ako. Nagsuot ako ng V neck Blue T-shirt, Pants at Black Cup.

Linggo naman ngayon at walang pasok kaya naman ngayon namin hahagilapin ang lokong Hence na yun.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naglakad papuntang dining room para magbreakfast. Sinalubong naman ako ni Manang.

"Tamang tama Iho. Luto na tong niluluto ko. Maupo kana riyan at ihahain ko na ito"-

Naupo ako at hinintay si Manang na ihanda yung pagkain. Si Manang ang tumatayong pangalawang magulang ko. Lagi kasing busy si Mom sa company namin. Si Dad naman ay namatay when I was 5 yrs old from a Car Accident.

Mag isa lang akong kumakain dahil marami pa daw gagawin si Manang. Napabuntong hininga ako ng malalim.

Mag isa lang kase akong anak. Kahit na nakukuha ko lahat ng gusto ko Hindi ko magawang maging masaya. Ni isang beses hindi ko pa nakasama kumain si Mom simula ng mamatay si Dad. Sinubsob nya ang sarili nya sa pagtratrabaho.

Si Tita Seena na ang nag aasikaso ng University na pagmamay ari namin dahil masyadong busy si Mom sa company. Hindi pa ako handang imonitor yung university dahil nag aaral pa ako. Tsk. Cut that out.

Uminom ako ng tubig at nagpunas ng tissue sa bibig Pagkatapos kumain.

"Manang, aalis na po ako. May lakad kami ng tropa"-sigaw ko.

Nasa garahe na kase ako "Mag iingat ka iho"-narinig kong sigaw nito pabalik "Sige Manang"

Sumakay na ako at nagmaneho papunta sa bahay ni Ark. Tsk. Sana lang wala dun yung bestfriend nya.

Lumipas ang ilang minuto ay nasa tapat na ako ng bahay nila. Bumaba ako at agad na nag doorbell.

Nakita kong lumabas si Ark at naglakad palapit sa direksyon ko. Tinignan ko yung paligid baka nandito yung bestfriend nya. Wala naman mahagilap yung mata ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Yow Insan! Ang aga ah. "

Lumabas na ito ng gate "Dalian mo nga"-inis na sabi ko. Ang bagal maglakad baka mamaya nandyan pala sa loob yung bestfriend nya.

"Bakit ba nagmamadali ka anong oras pa lang oh. Dadaanan pa natin si Pula"

"ARKIE SAAN KA PUPUNTA? SAMA AKO"-sigaw nung nasa loob.

"F*ck"-hindi ako maaaring magkamali boses nya yun.

Tinignan ko ng masama si Ark. Ngingisi ngisi naman ito. Balak ko na sanang sumakay at iwan na lang ang langyang ito. Ngunit naramdaman kong may mga kamay na nakapulupot sa braso ko.

"Oh my! Jaxie my labs your here! Are you here for me? "-nagpapacute na sabi nito. Pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa braso ko ngunit mas lalo nya lang itong hinigpitan. This girl!

"No! May lakad kami ng tropa "-sabi ko. Tumingin ako kay Ark na nag sasabihing bakit-hindi-mo-sinabi-look. Nagkibit balikat ito. Langya talaga to.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now