Chapter 02:They Meet

4.2K 181 3
                                    

MAHGIE POV

Pagkatapos ng mahaba habang pamimili ng groceries at school suplies agad akong sumalampak sa sofa. Nakakapagod.

Bukas na pala ang pag eenroll. Pero wala pa akong napipiling school na papasukan. Ang hirap naman kase mamili magaganda nga kaso ang mahal ng tuition.

*Ding-dong*

Tss. Sino naman kaya yun? Wala naman akong inaasahan na bisita.

*Ding-dong*

Bahala sya kung sino man yan. Napagod talaga ako at gusto kong magpahinga. Iniisip ko pa yung----

*Ding-dong*

Iniisip ko pa yung school kung saan ako mag aaral . Saan nga ba? Tss

"wala ka talagang balak na pagbuksan ako ng pinto ah"- nakita ko si Kuya Acer na pumasok.

Napaupo ako sa sofa " Anong ginagawa mo dito Kuya Acer?"-nilibot nya ang paningin sa apartment ko.

"Ang linis at ayos talaga dito sa apartment mo . Anyway may sasabihin sana ako sayo kahapon pero hindi mo naman ako hinintay"-at naupo sya sa katapat kong sofa. Ano naman kayang sasabihin nya?

"Ano nga?"

"Sinabi sa akin ni mama na sa Kingson University ka mag aaral kung saan ako nag aaral para mabantayan ka namin."-napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Bantayan? Ano ako elementary? Eh 4th year H/S na ako.

"Huwag mo ng tangkaing tumanggi dahil na enroll . Eto yung file ng K.U (Kingson University) basahin mo yung rules and regulations, andyan na rin yung map ng University. "

Hindi na rin masama. Hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng school.

"sige Kuya makakaalis ka na "-nilapag ko yung folder sa mesa

" Ang harsh mo naman sa akin Baby Gie. Pakaen naman oh, nagugutom ako. May pagkaen ka ba dyan?"

"Stop calling me Baby Gie . My name is Mahgie."

"Why not? Ang cute kaya ng Baby Gie. So ano ? Akin na tong cup cake mo ah."-bago ko pa sya mapigilan nagtatakbo na sya palabas "Bye Baby Gie. See you in a School"-sigaw nya. Tss. Wala na akong desserts . Isang box yung kinuha nyang cup cake. Paborito ko pa naman yon. Tss.

Binuksan ko yung folder. At una kong binasa yung profile ko.

Name: Mahgie Icel Rigel

Age: 16

Birthday : February 10 ****

Gender : Female

At puro Not specified na yung iba. Nakahinga ako ng maluwag buti na lang si Nanay Rosa ang nag enroll sa akin.  Dahil kung si Kuya, tss hindi na ako magtataka kung halos lahat may nakalagay na information about sa akin.

Regulations

1. Always wear your ID.

2. Monday to Thursday, Complete uniform.

Etc.  Etc. Nakakabagot magbasa ang daming regulations . Sa susunod ko na siguro babasahin. Agad ko ng inayos yung mga pinamili ko. Nilagay ko na rin yung mga notebook at ballpen ko sa backpack ko.

At nagtungo na akong kwarto. Nag ayos ng sarili at tuluyang natulog.

Kinabukasan...

Pagtapak na pagtapak ng aking mga paa papasok ng napakalaking gate ng K. U.  Hindi maiiwasan na makuha ang mga atensyon ng mga student.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now