Chapter 05: The Mysterious Guy

3.2K 154 0
                                    

MAHGIE POV

"Hello Mahgieee"-masiglang bati sa akin ni Cassy pag pasok ko sa loob. Mukang masaya sya ah?

Marami -rami na rin ang costumer nung nilibot ko yung paningin ko. Siguradong uuwi na naman akong pagod nito. Tss kailan ba ako umuwi ng hindi pagod?

Sinuot ko na agad yung sumbrero at nagsimulang mag trabaho. Tinitignan ko ring mabuti yung mga costumer bago ako lumapit baka nandito na naman yung Apat. At mabuti na lang at Hindi ko sila nakikita.

Nang makalapit ako kay Cassy para iabot yung listahan ng order ay napansin kong kanina pa ito palinga-linga.

"May hinahanap ka? "-tanong ko, nagulat naman ito at agad kinuha yung papel.

"Hinihintay ko yung mga gwapo, Mahgie. "-kinikilig na wika nito matapos maihanda yung pagkain na iseserve ko.

Paniguradong yung Apat ang tinutukoy nito. Pati ba naman si Cassy nagwagwapuhan dun? Tss.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nya at agad nagtungo sa table 4 para iserve yung order nila.

"Enjoy your food, sir"

Matapos mailapag sa mesa yung pagkain ay naglakad ako sa kabilang table para ilista yung order ng costumer. May isang babae ang nasa mesa at nakatakip ng menu ang muka.

"What's your order ma'an ?"

"I want one order of this beaf steak w/rice and Ice tea for my----Mahgie"-nang ibaba nito ang menu at nag angat ng tingin sa akin ay nagulat ito.

Si Perry...

"Nagtratrabaho ka? "-hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango ako. At muling tinanong ang order nya. Nang masabi nya ay naglakad ako papunta kay Cassy at  inabot ko itong muli sa kanya.

"Here's your order ma'am, enjoy"-napansin kong nakatingin lang sa akin si Perry habang inilalapag ko sa mesa yung pagkain.

Tumalikod na ako at naglakad paalis bago pa sya mag salita. Alam kong nagtataka sya kung bakit ako inallowed na magtrabaho dahil sa murang edad. Pero wala akong pakialam kung ako ang pinakabata na nagtratrabaho dito. Dahil gusto kong magtrabaho.

Lumipas ang oras at natapos din ang trabaho. Wala ng tao dito sa loob maliban sa akin, at mga ibang waiter. Sinukbit ko sa aking balikat ang bag ko. At naglakad palabas para umuwi. 10:03  pm na.

Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng mga paa ko dahil sa kakalakad kanina sa trabaho. Nananakit na rin ang likod at braso ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang magpidal. Tss.

"Mahgie"-napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin.

Again...Si Ronald

"Bakit? "

Napakamot ito ng batok "G-gusto mong i-ihatid na kita? Napansin kong n-nahihirapan ka ng maglakad . Baka mapano ka sa daan"-sabi nito at sinulyapan nya yung biseklata na nakaparada sa gilid.

"Hindi na. Kaya ko pa naman eh"-tanggi ko, lumapit ako sa bisekleta "Pero Mahgie-----"

"Mabuti kung umuwi ka na rin at magpahinga . Pareho tayong pagod sa trabaho. "

"Sige. Ingat ka Mahgie, good night "-ngumiti ito at kumaway. Tinanguan ko naman ito at kahit masakit yung paa ko ay pinilit ko pa ring mag pidal.

Pero kalaunan ay huminto rin ako at napagdesisyonan na maglakad na lamang at akayin ang bisekleta. Isang kanto pa bago ang tinutuluyan kong apartment. Medyo madilim na rin ang daan. Tss sa susunod talaga mag dadala na akong flashlight. Wala din akong cellphone para gawing pang ilaw. Tss.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now