Epilogue

4K 196 16
                                    

MAHGIE POV

After one year...

Maraming nagbago...Lalo na sa akin...

Nalaman ko na rin kung sino si Mysterious Guy...Walang iba kundi si.......Jaxell. Natitigan ko kase yung kaliwang tenga nya kung saan may silver na hikaw. Sinabi nya ring sinadya nya yung pag yakap at paghalik sa pisngi ko. Para daw hindi sya habulin ng mga babaeng gusto mag papapicture sa kanya.

Artista sya? Model? Tss.

Nung sinabi nya yun sinikmuraan ko sya dahil bumalik sa isip ko yun. Tss.

Eto nga pumayag na akong maging kaibigan nila. Sumasama ako lagi kung saan sila magpunta. Pero ngayon madalang na lang dahil...

Si Ark at Perry na laging may date simula ng magkaaminan at naging sila. Sobrang saya ni Perry dahil may gusto sa kanya ang taong gusto nya.

Si Agatha at Sike na lihim na magkasintahan..Pero nalaman din ng studyante ng mga K.U at kumalat. Maraming hindi makapaniwala. At isa na ako dun. Kaya pala nung na encounter ko sya at nung makita nya si Sike ay nagbago ang ekspresyon nya.

At ito pa ang nakakagulat...Umamin sa akin si Red Fuentez na kilalang Playboy ng K.U. na INLOVE sya sa akin. Hindi ako naniwala pero nung makita kong seryoso sya kinabahan ako dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Nagulat na lang ako ng yakapin ako nito. Napansin kong pinipigilan nyang pumatak yung luha nya dahil tumingala ito at kumurap kurap. Wala daw syang balak na guluhin yung nararamdaman ko dahil sinabi nya ito dahil hindi nya kayang itago yung nararamdaman nya. Nakikita nya daw kase sa mga mata ko na may iba akong gusto at si Jaxell yun. Nagpaalam sya sa akin na sa State na sya mag aaral ng College at magbabagong buhay.

Sorry- tanging bulong ko habang tinatanaw sya paalis.

Hindi ko akalain na naInlove sya sa akin. Ganun ba ako ka walang pakealaman sa paligid ko kaya hindi ko alam na may nasasaktan na pala akong tao?

*Ding-dong*

Tinigil ko muna ang paghahalo sa niluluto ko at tinakpan ito. Nilapag ko yung sandok. At nagtatakbo sa pinto.

"Hello Babe"-nakangiteng sabi nito. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi kaya pakiramdam ko namula ako. Narinig ko itong tumawa "Ang cute talaga ng Babe ko kapag namumula"-pinisil nya pa yung pisngi ko. Siniko ko sya sa tagiliran dahilan para lalo syang tumawa.

"Kumain ka na ba?"-tanong ko. Ngumite ito "Hindi pa babe, gusto kase kitang kasabay kumain eh. Okay lang ba?"-paglalambing nito. Ngumite na rin ako sa kanya at tumango. Pumasok kami sa loob, pinaupo ko muna sya dahil malapit na rin namang maluto yung niluluto kong Caldereta.

Nagulat ako ng biglang may yumakap galing sa likuran ko "Babe."-bulong nito. Nanindig yung balahibo ko sa batok dahil tumatama yung mainit nyang hininga sa leeg ko.

"Hmm?"

"Matagal pa ba yan? Nagugutom na ako"-malambing na sabi nito. "Luto na. Kaya maupo ka na dun at magsasandok ako ng pagkain natin"-sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil sumunod naman ito sa sinabi ko. Napapaypay ako ng kamay sa mukha ko.

Parang ang init? Sira ba yung aircon?

Kanina pa ako naiilang dahil bawat galaw ko ay nakatingin lang sya sa akin. Nang mailagay ko na sa mesa yung pagkain ay kumuha ako ng pitsel na may lamang malamig na tubig at dalawang baso sa kusina.

Napatigil ako sa pag subo ng kanin dahil kanina pa nakatitig si Jaxell . Nakangite ito kaya biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Maglilimang buwan na kami. Pero ang lakas parin ng epekto nya sa akin.

The Coldest GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora