Chapter 21: Black Reaper

2.2K 135 5
                                    

JAXELL POV

"Hindi ko akalain na marunong mag archer si Mahgie. Bilib talaga ako sa kanya kanina. Ako nga minsan lang maka bull's eye eh. Pero sya? Dalawang beses pa. Ang astig nya pa nung bitawan nya ng hindi sya nakatingin sa board tapos Boom! Bull's eye"- manghang sabi ni Pinsan. May kinakain na naman itong Fries. Tsk. Hindi ko rin maiwasan na ma amaze kanina kay Mahgie. Marunong pala sya ng Archery? Kung hindi ko siguro sya dinistract kanina baka bull's eye lahat ng tira nya. Kung bakit ko ginawa yun? Gusto ko lang syang asarin. Pero sa huli ako lang ang naasar dahil poker face pa rin ito.

"Ang daldal mo talaga Ark. Kung bigyan mo kaya ako ng kinakain mong Fries. Kanina pa ako nagugutom"-sabi ni Red. Akma itong kukuha sa Fries ni Pinsan. Nang iniwas nya ito.

"Ayaw ko nga..Kulang pa sakin pa to. Wala sa bokabularyo ko ang magbigay kaya naman hindi kita bibigyan"

"Kulang pa sayo yan eh ang dami kaya nyan. Ang imot talaga ng isip bata na to"- pangangasar na naman nito kay Pinsan.

"Hoy pula! Hindi ako isip bata"

At nag asaran na yung dalawa. Hindi na lang namin sinaway . Bahala sila dyan. Nagpatuloy na lang kami ni Sike sa paglalakad papunta na kaming Parking lot.

"Saan kaya natuto yung si Mahgie ng Archery?"-tanong ko kay Sike. Buti pa to seryoso kausap.

"Kay Acer "-tipid nyang sagot.

Si Acer?

Tsk. Oo nga pala Captain ng Archery si Acer. At malamang ay tinuruan nya si Mahgie kung paano maglaro nito.

Ngayon ko lang naalala na kapatid nya pala si Mahgie. Tsk.

"Shit!"

Napatingin ako kay Sike ng mag mura ito. Nakakunot noo ito. Sinundan ko yung tinitignan nya at nagulat ako.

Nakita namin ang isang lalake na all black ang suot. Nasa likod sya ni Mahgie na nakasakay sa bisekleta. Napansin kong nakatigil lang si Mahgie at hindi nya pa sya lumilingon sa likod nya.

Biglang napalingon sa gawi namin yung lalake at sa isang iglap ay bigla itong nawala.

Fuck! Anong kailangan nya kay Mahgie...

Ang taong yun ay walang iba kundi si Black Reaper. Hindi ako maaring magkamali dahil tauhan sya ni Dad.

Dati...

May balak ba syang masama kay Mahgie?!

Saktong pag alis ng taong yun ay sya ring lingon ni Mahgie sa likod nya. Nakita nya kami ngunit nag palinga linga ito na parang may hinahanap. Sigurado akong naramdaman nya yung presensya ng taong yun.

Balak ko pa sana itong pigilan ng makitang paalis na ito pero naisip kong baka hindi nya ko pansinin. Tsk.

"Anong kailangan ni Black Reaper kay Mahgie? May alam kaba dito Jaxell?"- nakakunot noong tanong ni Sike. Umiling ako.

"Wala na akong balita sa mga tauhan ni Dad ng mamatay sya. Ngayon ko na lang ulit nakita si Black Reaper"-seryosong sagot ko dito.

"Kung ganon kailangan nating bantayan si Mahgie. Siguradong may balak si Black Reaper dito."- sabi nito.

"Babantayan natin sya?"-gulat kong tanong. Tumango ito. Nanatili itong seryoso. Kung ganun kailangan talaga naming bantayan si Mahgie?

"Ituloy mo lang ang pakikipag kaibigan sa kanya. Para hindi nya mahalatang babantayan natin sya."

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now