Chapter 20: Bull's Eye

2.2K 125 0
                                    

MAHGIE POV

Dalawang araw na ang lumipas ng mabugbog ng grupo ng Trios Gang si Kuya Acer. At sa dalawang araw na yun hindi sya umuwi sa bahay nila dahil ayaw nyang makita sya ni Nanay Rosa na may mga pasa. Sinabi ko na rin kay Nanay Rosa na mag sstay si Kuya Acer sa apartment ko kaya hindi na nag alala si Nanay Rosa. Dahil ayaw ko rin na mag alala ito ay hindi ko na lang sinabi ang nangyari. Pinangako naman ni Kuya Acer na ipapaalam nya rin ito.

"Kinakaban ako Mahgie. Hindi ako marunong"- kinakaban ngang sabi ni Perry. Kasabay ko itong papunta ng locker room para magpalit ng P.E uniform.

Ang tinutukoy nito ay yung Activity namin na Archery. Pagkakaalam ko si Ark ang partner nito.

Nalaman ko rin yung nangyari sa kanya sa cafeteria na binully sya nung Queen Bee nitong K.U

Kaya pala may mga kalmot ito sa muka at braso. Nung makita ko yung mga sugat nito ay hindi ko gusto yung naramdaman ko. Nag aalala ako sa kanya. Kahit hindi ko aminin napalapit na rin ako dito pero lagi kong sinasabi sa isip ko na hindi ko kailangan ng kaibigan.

Tinignan ko ito "May magtuturo naman. Kaya huwag kang kabahan . Magpapalit na ako"-sabi ko.

Bago ako makapasok sa loob ng cubicle. Napansin kong gulat na gulat ito at nanlalaki pa ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin at nagpalit na ng P.E

"Wahhh kinausap nya ako. Kinakausap nya na ako"-narinig ko ang boses ni Perry na nasa kabilang cubicle. Ano na namang nangyari dun?

Paglabas ko ay bumungad sa aking ang nakangiteng Perry na kulang na lang eh mapunit ang labi nito dahil hanggang tenga ang ngite.

Ang bilis ah? Nauna pa sya sakin?

"Bakit?"-tanong ko rito.

"Masaya lang ako kase kinakausap mo na ako"-naluluha pang sabi nito. Napukunot noo ako sa sinabi nya. Ang babaw ng kasiyahan nya ah.

"Tss"-yun na lang nasabi ko.

Tumaas ang kilay ko ng tignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Wow! Bumagay sayo ang P.E uniform natin. Sakin kase feeling ko ang baduy ko kapag ako ang nakasuot"

Nagsimula naman na akong maglakad . Sumabay itong muli sa akin . Nagtataka ako kung bakit kanina pa ito nakatingin sa akin. Pero pinagsawalang bahala ko na lang.

"Mahgie"-nagtuloy lang ako sa paglalakad ng tawagin nya ang pangalan ko. Kung kanina ay masigla ang boses nito ngayon ay naging malumanay. Ano na naman nangyari dito?

"Hmm?"-ako

"A-ayaw m-mo ba t-talaga magkaroon ng k-kaibigan?"

Literal na napahinto ako sa paglalakad . Tumingin ako sa kanya at nakayuko na ito. May parte sa akin na nalungkot ng makita itong nalungkot.

Handa na ba akong tumanggap na kaibigan ? Ulit?

Tinapik ko yung balikat nya kaya napaangat ito ng tingin.

"Hindi pa sa ngayon Perry"-tanging sabi ko.

*****

"Omygash it's so hirap naman nito"-maarteng sabi ng kaklase naming babae.

"Hala..hindi pa umabot sa board"

"Paano ba ito ? Hindi ko alam mag asinta"

At sunod sunod na ang reklamo nila. Nandito na kami sa Field ng Archery. Kanina pa akong nakaupo dito at naboboring na ako dahil ang tagal ng turn ko. Mga pabebe kasi itong mga kaklase kong babae. Kanina pa nga naiinis yung mga,nagtuturo sa kanila eh. Hindi kase nila makuha kung paano. Alam kong sinasadya ng mga babae ito. Para mas matagal pa silang maturuan ng mga ito. Si Red,Ark ,Sike, Jaxell at dalawa pang kaklase naming lalake ang nagtuturo sa kanila. Tss kaya ang tagal nila eh.
Si Perry naman.. Ayun namumula at halatang kinikilig dahil si Ark ang nagtuturo sa kanya. Nasabi sa akin ni Perry na gusto nya si Ark. Nung sumasama sya sa akin sa garden nun. Kung ano ano ang kinukwento nyan. Ang daldal nya.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now