Chapter 07: Friends???

2.8K 145 1
                                    

THIRD PERSON POV

"Nakita kita dito last time Mahgie. Nagtratrabaho ka? "-Perry

"Oo"

"Bakit Nagtratrabaho kana? Sa pagkakaalam ko hindi nila pinapayagan yung mga student na mag work"-Perry

Hindi na sumagot si Mahgie. Ito ang ayaw nya yung tatanungin sya tungkol sa trabaho nya. Gusto nya ng umalis sa kinauupuan nya at umuwi ng apartment ngunit ayaw syang paalisin ni Perry.

Habang naghihintay ng order ay tahimik lang si Mahgie dahil nga Hindi sya sanay na may kasama. Kinakausap sya ni Perry ngunit Kung hindi tipid na salita ay tumatango lamang sya. Nahihiya naman si Perry na makipagusap sa apat kaya si Mahgie ang kinukulit nya. Ngunit Nahihirapan sya dahil masyadong mailap ito. Kaya pinili nya na ring tumahimik.

"Ang tagal naman. I'm starving "-Ark, na hinihimas himas pa ang kanyang tiyan

"Kanina ka pa kumakain ng Fries. Tapos gutom ka pa sa lagay na yan"-Red

"Iba yung Fries sa Rice"-Ark

"Kahit na. Kanina ka pa kumakain. Hindi ka ba nabubusog? "-Red

Magsasalita pa sana si Ark . Nang dumating na ang order nila. Kaya naman agad nya itong nilantakan. Napailing na lang si Jaxell sa pinsan nya. Nahihiya sya pagkasama nya to kapag kakain dahil pinagtitinginan sila ng ibang costumer.

"Hoy Ark! Dahan dahan sa pagkain. Nakakahiya ka"-saway sa kanya ni Jaxell. Parang wala naman narinig si Ark at tuloy tuloy pa rin sa pagkain.

Samantalang pangiti ngiti naman si Perry habang pinapanood itong kumain, Si Sike na seryosong kumakain, Red na natatawa sa itsura ng isip batang si Ark . May Sauce ito sa pisngi at gilid ng labi. Si Jaxell na nakayuko dahil sa ginagawang kahihiyan ng pinsan nya.

At si Mahgie na may sariling mundo. Kumakain ito na parang wala syang kasama. Hindi nya pinapansin kung anong pinag uusapan ng mga kasama nya.

"Last practice natin mamaya ha? "-Red

"Sure na bang yun na yung kakantahin namin?"-tanong ni Ark, na nagpupunas ng tissue sa bibig.

"Oo naman. Okay na yun, maganda naman combination ng boses nyo eh"-Red

Namula naman si Perry sa sinabing yun ni Red.

"Tara na"

Tumayo na silang lahat pagkatapos kumain at lumakad paalis. Pagkalipas ng ilang minuto dun sa park sila muling nagpractice.

**********

"Ok class. Your task I given to you last week was going to perform today so. Are you all ready? "-nakangiting sabi ni Mrs .Ford

"YESSSSSSS"

"okay so let's start with the group no. 01"

Agad naman nagpunta sa harap ang tinawag na grupo. Ngunit simula pa lang ng kanta nila ay may nagkamali agad.

Yung sumunod naman ay maganda nga ang boses nung kumakanta ngunit nahuhuli yung tugtog nila.

Sunod na grupo. Sabay sabay silang kakanta at medyo maayos naman ang perform nila.

At ng grupo na ni Jaxell ay hindi pa nagsisimula ng mag ingay ang mga kaklase nilang babae. Tilian sila ng tilian. Kaya sinaway sila ni Mrs. Ford at sinabing mag start na sila.

Nanguha ng dalawang upuan si Jaxell at nilagay sa harap para upuan ni Ark at Perry. Samantalang sa lapag naman naupo si Mahgie at Jaxell dahil tutugtog ito ng gitara at drum naman kay Jaxell.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now