the elites ✔ prologue

292 4 9
                                    

theia celestine greene.

"Sabihin mong maghihiwalay hiwalay tayo? Hindi ko kayo mapapatawad," pangloloko ko sa kanila, habang nakatanaw kami sa magandang view ng beach.

Hindi na kami nagulat nang sabihin ni Axelle na may private beach daw sila, at dun kami nagspend ng ilang araws ng summer. Well, it is really relaxing and kasama namin ang lahat. DHA teens, mga taga-Rakuzen, pati na rin yung mga taga-Shinzen at yung mga ninuno namin. Ninuno, also known as Lexus and Harrison, pati na rin si ate Chen.

Pinapanood namin yung sunset habang hinihintay na matapos yung pagroroast ng barbecues namin. Sa sobrang katamaran ni Ethan, nagdala siya ng personal maids at sila daw ang mag iihaw ng mga pagkain namin. Muntik nang sinapok ni Tavi yun kanina, pero hinayaan nalang niya. It was only our first day and baka naman daw maconvince namin siya na pauwiin nalang sila.

"Paanong maghihiwahiwalay?" Sabi ni Romaine, and I sighed.

"Lilipat ng schools na hindi sa Elite Trio. Kasi kapag Elite Trio, nagkaiba iba man tayo ng schools, madalas naman natin na makikita ang isa't isa," sabi ko, and nakaramdam naman ako ng biglang umakbay sa akin.

"Well, alam mo naman na kada free time ko, I will never stop visiting you. There are perks of being the director's son, no?" Sabi ni Leo, na siyang nakaakbay sa akin.

Nagtawanan naman sila, and sinabunutan siya ni Vance dahilan na maiwas siya sa akin.

"You bastard. Mag aral ka naman ng mabuti hindi yung-" sasabihin sana ni Vance, kaso nga lang ay pinutol siya ni Leo.

"Ano ka? Ikaw nga tinutulugan mo lang yung mga klase mo!" Sabi ni Leo, at binitawan na siya ni Vance.

"Pfft! HAHAHAHA! Isa ka pa pala, e," sabi ni Ymir, at nagtawanan naman sila.

Nag high five sina Ymir at Leo, and I groaned. How can I ever believe na dating magkaaway ang dalawang to?! Tapos kapag pinagsama mo, akala mo Weasley twins. Wait. Weasley. Wesley. Ginger. FUDGE?!

MAY PINAGMANAHAN BA SIYA?!

Gods. I need to stop thinking things like that.

Humiwalay naman kaming mga babae sa kanila, because ate Chen said na nadedemonyo nanaman daw si Lexus and Harrison, kaya kailangan na mailayo sila sa mga babae. Although I don't know kung paanong part ng nadedemonyo ang tinutukoy niya.

"Bakit tayo lumayo?" Tanong ni Arianne, and tumawa naman sina Lili at Chen.

"Sinusumpong ng kalaswaan yung dalawa. Kapag nasama pa nila si Ymir, magiging Team Bobo na yung mga yun," sabi ni Chen, dahilan naman para matawa kaming lahat.

"Kalaswaan?! Aba't-" sabi ni Gabrielle, kaya nga lang ay inawat siya ni Romaine.

"Chill, hindi naman siguro masama yung sumpong nila-"

"HAHAHAHAHA! BOBO KA! Mamaya pinagnanasaan mo na pala yung panty ni Manang Auring! Adik na to," sabi ni Ymir, habang nakaturo pa kay Harrison.

Sumalok naman ng buhangin si Harrison sa kinatatayuan niya at sinabuyan si Ymir nun, causing him to squeal like a little girl.

"Dugyot! Tinuruan mo to, Lexus!" Sabi ni Harrison, at tinuro turo pa si Lexus.

"Ano ka?! Tayong dalawa laging kasama niyan ngayong summer. Don't put all the blame on me when you tell him about how you think Arianne is so sexy!" Sabi ni Lexus, and all our jaws dropped at napatingin kay Arianne.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now