the elites ✔ chapter forty - not quite fine

9 2 2
                                    

lexus ziro zin.

Umupo ako nang walang gana nang makarating ako sa lair. Nagkaayos ayos na ang Nemesis dahil sa ginawa nina Shin, Rara, at Chen, pero napagdesisyunan na namin na hindi na kami gagawa ng kung ano na makakasira ng sinuman.

Pero anong nakakalutang?

Yung sinabi namin ni Chen na ayos na kami pero hindi talaga totoo yun. Ayaw lang namin na magkagulo pa kila Shin kaya naman nagpanggap kami na ayos na kami.

At ngayon? Kung susuwertihin kasi ako, kailangan pang kami palang ni Chen ang nandito.

"Ziro, kung naiilang ka, lumayas ka muna dito tapos dun ka sa mga babae mo," sabi ni Chen sa akin, kaya naman nalaglag ang panga ko.

Hala?

Sa mga babae ko? E naglagas kami ni Ymir ng mga babae nang magseryoso kami?

"Chen, wala na akong mga babae nung-"

"Edi sino pala yung kasama mo sa mall? Sa Starbucks?" Tanong niya, at bigla naman akong natawa.

"Ah, ayun ba? Si Kasey yun. Kaibigan ko," sabi ko, at nalaglag ang panga niya.

"Kaibigan pero todo akbay at landi ka pa sa kanya? Zin ka nga talaga, no?" Sabi niya, at napangisi naman ako.

"Eh bakit? Nagseselos ka ba? Gusto mo na ba akong bumalik sayo?" Sabi ko naman sa kanya, kahit na nung sabihin ko yun ay kumirot ang puso ko.

Paanong magugustuhan niya ako uli, at gustuhin niyang mahalin ako uli e halatang gusto niya si Shin? Hindi ba naman mali na mahalin ko pa siya, e may pride ako sa sarili ko?

"Hindi ako nagseselos! Impakto ka, dun ka na nga sa pinanggalingan mo," sabi ni Chen, at tumawa naman ako ng malakas at saka mabilisan na tumabi sa kanya at inakbayan siya.

Nakita ko ang pagkagulat niya, na siyang nagpangisi sa akin. Halatang kinakabahan siya kaya naman mas naenjoy ko yun.

So I still have an effect on you, Axerre Chenaire, huh?

"Ziro! Lumayo ka sakin, sinasabi ko sayo!" Sigaw niya, habang nakapikit pa, kaya naman lumakas ang tawa ko at saka lumayo sa kanya.

Bigla naman na bumukas yung pinto kaya natahimik ako at napasulyap sa kung sino man yung nandun.

Si Shin at Rara na magkasama, at nakangisi pa ang mokong habang simangot si Rara.

Nagkatinginan kami ni Shin, at kumindat pa sakin ang gago kaya naman nginisian ko siya. May ginawa to.

SHIRO?!?

Joke. Namiss ko lang siya. Kadiri.

Naupo naman sila sa couch at saka na dumating sina Lili at Axen. Nagtinginan kaming lahat, at saka nagsingitian naman yung dalawa.

"So ayos na?" Tanong ko, at tumango naman sila.

Isa isa na kaming tumayo dahil hindi naman uso sa amin ang pagpapakita ng affection sa isa't isa. Unang unang lumabas sina Axen at Lili, tapos sumunod si Chen kaya naman agad akong susunod sana.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now