the elites ✔ chapter forty four - projects

11 2 7
                                    

raleign sistine beauregard.

"Hindi ka man lang ba matutuwa na kasama ka na namin sa section namin?" Sabi ni Chen, at tinignan ko naman siya na parang nababaliw na ba siya habang nakaupo kami sa living room ng lair. Kasama pa namin yung ibang members ng Nemesis bukod kay Axen. Nagleave na kasi siya, at ayaw na daw niyang bumalik.

"Bakit naman ako matutuwa? Siya ring mag aaral ako," sabi ko naman sa kanya, at tumawa naman sila ni Lexus. Si Shin, nagtatype nanaman habang nakatayo sa balikat niya yung raven niya na si Lock daw. Si Lili naman, may kachat sa phone at tatawa tawa pa. Bwiset.

"Pareparehas lang tayong sawa nang mag aral, alam mo ba?" Sabi ni Lexus sa akin, at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Gago ka ba? Hindi yun yung ibig kong sabihin, ungas," sabi ko naman sa kanya, pero tumawa lang siya.

"E yun yung ibig kong sabihin e," sagot naman niya.

I facepalmed. Walang pag asa tong lalaking to. Kahit kailan.

"Palibhasa bobo," bulong ni Shin, kaya naman natigilan kaming lahat bago nagtawanan sina Lili sa narinig.

Natatawa din ako, pero pinigilan ko lang. Hindi ako palatawa!

"Aba. Team Bobo kaya kami, kami nina Harrison, Ymir-" pag eexplain ni Lexus, pero binato siya ni Shin ng gamit na tissue, dahilan para tumili siya na parang babae. "Yuuuuuuckkk!"

"Tanga. Alam namin. Wag ka ngang tumili dyan, para kang bakla," sabi niya, at ngumisi naman si Lexus.

"Bakla para sayo, yieee?" Sabi ni Lexus, kaya lang ay nagsalita naman si Chen.

"Landi mo, Ziro. For all I know pumapatol ka sa mga bakla sa daan," sabi ni Chen, at natawa naman ako kaya tinignan nila akong lahat.

I cleared my throat, at saka tinaasan sila ng kilay. Tumayo naman ako dahil hindi pa din sila nagsasalita, kaya lang ay nagsalita na si Shin.

"O, bakit aalis ka?" Tanong niya, at ipinatong sa akin yun tingin.

"Gagawa akong project?" Sabi ko, at ngumisi naman siya.

"Tinapos ko na projects niyo, remember?" Sabi naman niya, kaya I rolled my eyes at bumalik sa kinauupuan ko.

Panira ng plano. Nginisian naman niya ako saka nagpatuloy sa pagtatype kaya naman hindi ko na magawang magsalita pa. Siraulo.

Magsama sila ni Ziro.

✔✔✔
lili mierna birmingham.

Matapos kong makaalis sa lair ay agad naman akong umuwi dahil magtatapos pa ako ng ilang homework na hahabulin ko. Nagshoot kasi kami and I don't wanna fail na kaya pagtutuunan ko na ng pansin talaga yung pag-aaral ko.

"Lili, dear, why are you in such a hurry?" Tanong ni mom sa akin nang madaanan ko siya, so I smiled at her before gesturing upstairs.

"Um, mag-aaral po akong mabuti. And, I'm gonna do some advanced reading na din." Sabi ko, and she nodded saka ako dinismiss.

Tumakbo na ako paakyat ng kwarto ko, at saka sinara yun. Agad ko namang sinugod yung desk ko, and then nagbuklat ng notes and books. Ugh.

the elites || the elite trio #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon