the elites ✔ chapter forty three - high schoolers

15 2 3
                                    

axelle charlotte hudson.

"E may exams sila. Anong gagawin natin?" Tanong ko kay Ethan nang nasa labas kami ng College Prep campus ng Delcroix.

Katagal na namin silang hindi nakakasama and busy naman silang lahat kaya kami na yung nag adjust. O diba, sugod school lang.

Lakas maka-Dora. Isa pang maganda sa pagbisita dito sa College Prep campus ay mas madami daw ang flavours ng ice cream dito. Kung sa High School campus ay may 100 flavours na available, dito daw sa College Prep ay may 150 flavours. Ahhh, HEAVEN! Gusto ko tuloy magpa-excel.

"Edi susugod pa rin tayo. Hindi naman siguro all day may exams yung mga yun. 12 na kaya. Baka naglulunch na din sila, no," sabi ni Ethan, and napatango naman ako.

Sabagay. Baka mamaya sugurin ko dito yung ice cream muna bago sila.

Lumapit naman na kami sa entrance at pinakita namin yung ID namin, saka tinanong kami ng guard kung anong pakay namin. Mahigpit kasi talaga e. Hindi ko lang alam pano nagagawa ng mga taga Shinzen at Rakuzen na bumisita dito agad agad. May baon silang excuse?

"What's your reason?" Sabi nung guard, at bigla namang humirit si Ethan.

"Just give me a reason, just a little bit's enough," sabi ni Ethan, saka tumawa sa sarili niyang joke.

Wait, what? Kailangan ko na bang manapak? Mahal ko to, pero may pagkaabnormal?

"Mr. Carrose, right? Maybe because of the H&HC?" tanong nung guard, saka ko lang naalala na siya pala ang nagmana ng Council ni Theia.

Aba, magaling. May silbi yung pangloloko niya! Nagkaroon kami ng reason!

Agad naman na tumango si Ethan, at saka pinapasok na kaming dalawa. Dirediretso pa kaming naglalakad nang makita na namin yung cafeteria.

Aba, sabay sabay pa silang naglunch, o?

"Tara na, dali! Nakikita ko na yung mga siraulo nating kaibigan," sabi ni Ethan, at saka naman ako hinawakan at naglakad na papunta sa table nila.

Tama nga kami, dahil lunch na nila. May mga nag uusap usap pa na ibang college prep dito, pero hindi na namin yun pinansin. Marami din namang nagdadaldalan sa cafeteria ng high school campus.

Hindi naman pwede ang mga scholar sa Elite Trio schools, kaya hindi talaga magkakaroon ng mga hindi heirs. Maingay daw kasi talaga yung mga estudyante na taga private and public schools na hindi tulad sa amin.

Siguro ilang Leo at Ymir pati Team Bobo na pinagsama sama?

Aish, ewan!



"Mga bata, mabuti at nabisita kayo," sabi ni Harrison, kaya naman nagtawanan sila. Minsan lang namin makasama si Harrison, kaming mga High school pa kasi naman nga, 2nd year na siya ng College Prep.

"Eh kasi miss na daw kayo ni Axi," sabi ni Ethan, at tumawa naman sila nung sinabunutan ko siya.

"Napakasaya niyo naman yata?" Tanong ni Vance, at nag boo naman sila.

"KJ kahit kelan!" Sabi ni Leo, at nagbelat pa siya kay Vance kaya naman literal na mukha siyang unggoy. Kumakain lang siya ng saging kanina e.

"Ano, kamusta naman kayo? Mahirap ba mag aral ng college prep?" Tanong ko, at saka kinain yung ice cream ko na binili ni Ethan.

"Aba, ang hirap. Wag ka nang magtanong,"

"You guys are OA,"

"Syempre genius kang bata ka. Dapat nga high school ka pa lang!"

"You are unbelievable. Wala sa age yun!"

"Ang ingay,"

"KJ,"

✔✔✔
vance keith mccartney.

"Sigurado ka ba dyan?" Tanong ni Ymir sa akin, habang nasa labas ako ng bahay nila.

Sabi ko kasi bibisitahin ko si Akira, e galit na galit daw. Kahit siya daw kinalmot pa. Pinakita pa ni bobo yung braso niyang medyo nagdudugo sa kalmot.

Mabangis pala ha, Akira.

Parang si Ymir nga, siya na yung natatakot sa kapatid niya kahit na kapatid niya pa yun. Pero hindi naman ako natatakot. Kung kalmutin niya ako, edi kalmutin niya ako.

"Pre, sinasabi ko sayo, kabangis niya. Loko, kahit si Lexus halos makalbo kanina nung nilapitan niya. E normally si Lexus nagpapakalma dun these days. Pre, sinasabi ko sayo, good luck kung itutuloy mo yan," sabi ni Ymir, at tumango naman ako.

Saka naman siya gumilid sa front dooe at parang nilead pa ako na isang taong papasok sa horror house. Siraulo talaga, kahit kelan, e.

Pumasok na ako sa may living room nila at saka naman niya ako binigyan ng baseball bat kaya napasimangot ako.

"Tanga, aanhin ko to?" Sabi ko, at nangilabot pa siya na kala mo takot na takot.

"Alam mo na, kapag sinugod ka. Alam mo yung sa mga games? Yung zombie kapag susugurin ka na? Eto, balibagin mo ng baseball bat-"

"Siraulo ka talaga, Ymir. Di ko kailangan to. Kahit patayin niya pa ako ngayon, wala akong pakialam. Kung siya naman papatay sa akin," sabi ko, at nagkunwari namang nasusuka si Ymir.

Umamba naman akong papaluin siya nung baseball bat, kaya lang ay patakbo pa siyang umilag. Nang marealize niya na seryoso pa akong nakatayo ay tumawa naman siya ng nay pagkaawkward saka nagkunwaring walang pag ilag na nangyari.

Napunta na ako sa harapan ng kwarto ni Akira, at nakita ko naman si Ziro at Ymir na nakatanaw pa sa akin mula sa may pillars ng mini gallery sa grand staircase nila.

Mukhang mga timang.

Tinignan ko na yung pintuan ng kwarto ni Akira, at saka kumatok. Sa pagkatok ko ay wala naman akong sagot na narinig kaya kumatok nanaman ako saka inilapat ang tenga ko sa pinto.

"Go away! Ymir, Lexus! Didn't I tell you na wag muna kayong mambulabog sakin?!" Sigaw ni Akira mula sa loob, at natigilan naman ako.

Natigil akong saglit. Galit na galit, gustong manakit? Joke.

"Vance to. Napapano ka?" Kalmadong sagot ko, at nakarinig naman ako ng sigaw sa loob.

"AGHHH! FUYUKAI DESU. YMIR, SHINEE!" sigaw niya, at natawa naman ako ng kaunti.

Nilingon ko si Ymir, at sumimangot siya sabay nag iwas ng tingin. Huli ka loko. Ikaw pala nagpagalit, a?

"Akira." Sabi kong muli, at bigla namang bumukas yung pinto at saka nakita ko siyang nakabusangot at nakakuyom ang mga kamay.

"Sabihin mong dinemonyo ka din ni Ymir?" Sabi niya sa akin, at napakunot naman ang noo ko.

"Dinemonyo?" Tanong ko, at sinilip ko sina Lexus at Ymir kaya lang ay tumakbo na sila palayo. Tss. Sila pala ang may pakana.

"Kinain nila yung chocolates na pinadala mo! Mga bwisit sila!"

"B-Buset?"

"Oo nga! Seryoso!"

"YMIR! LEXUS!"

"YARI TAYO, ZIRO! DALAWA NA YUNG GALIT!"

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now