the elites ✔ chapter eight - liar

15 3 12
                                    

vance keith mccartney.

Sa ilang araw na nag oobserba ako, tsaka ko lang napagtagpi tagpi ang mga pangyayari. Hindi ba napapansin ni Leo? Tsk.

I scoffed, as I sat down on the back yard near Leo's pool. May table dito, tapos nasa kabilang side si Leo. Ang nakakatanga lang, sinerve-an kami nung Loren ng pagkain, at anong natanggap ko kumpara kay Leo?

Punyetang mais. Mukha ba akong kumakain ng mais?! Tinignan ko yung kay Leo, at- FUCKING HELL. Fries and hotdog sandwich, tsaka tatlong banana. Kahit fries lang! Mahahagip ko to.

Kada magsasalita pa ako, puputulin ni Loren at magtatanong tungkol kay Leo. I mean, kahit wala siyang girlfriend ang pangit padin tignan, pero mas pangit tignan kasi may girlfriend tong unggoy na to.

"Hoy, Leo-"

"Leo, diba sabi mo sa kin kanina marunong kang magbaseball?" Sabi ni Loren, at napahinga ako ng malalim habang nakasara ang mga mata.

Tumayo ako, at humarap kay Leo. Nagulat naman si Leo at Loren, at tinaasan ko sila ng kilay.

"Vance, bro, bakit?" Sabi ni Leo, at ngumisi ako sa kanya.

"Gago ka ba? Kapag nalaman mo na yung kasalanan mo o maling ginagawa mo, puntahan moko sa kusina niyo. Ako magluluto ng pagkain ko. Bwiset," sabi ko, at umalis.

Hindi man lang ako pinigilan ng lalaking to. MAIS-isahan ko yan ng sapak sinasabi ko. Tsk.

Nang makarating na ako ng kusina, nakita ko naman na nagluluto yung chef nila kaya naupo nalang ako sa may counter at inilabas yung phone ko. Kailangan malaman ni Theia, sa ayaw at sa gusto niya.

Ilang beses pa lang na nagriring ay sinagot naman na niya agad, kaya naman ay nasiyahan ako ng kaunti. Mas mabilis na response, mas mabilis na report.

"Vance? Bakit? Sabadong sabado ng umaga tumatawag ka? Nasa hospital ako at tumutulong, ha," sabi ni Theia, and I sighed.

"Si Leo. Yung unggoy na yun. May babae dito. Loren pangalan. Tss. Ang kati. Kahit lalaki ako nadidiri ako sa presensya," sabi ko, and narinig ko naman ang paghinga niya.

"Si Loren nanaman? Diba kinwento mo na sakin yan nung minsan?" Sabi ni Theia, and I raised my brows. Naikwento ko na ba?

"Tinatanong na marunong daw magbaseball si Leo. Binigyan ako ng mais, tapos kay Leo sandamakmak na pagkain?" Sabi ko, habang kinakagat ng may bitter feelings yung mais na yun.

Napadura naman ako agad.

"Oh bakit?" Sabi niya, and nakunot yung mukha ko.

"Punyetang mais. Sunog pa," sabi ko, at tumawa naman siya. "Pero balik tayo kay Leo. Ineentertain pa ni gago. Kung ako sayo, lintikan mo na,"

"Ngumingiti at tumitingin sa mata niya?" Tanong ni Theia, and I hummed. "Sinasagot ni Leo at tunatawa pa?"

"Oo,"

"Dalhin mo nga sa kung saan, haharapin ko, pati si Loren," sabi ni Theia, at napataas naman yung kilay ko.

"Wag na yung babae. Ayaw kong mangamoy ahas yung kotse ko," sabi ko, at narinig ko ang pagsmirk niya.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now