the elites ✔ chapter twelve - zin

9 1 0
                                    

lexus ziro zin.

"Hoy, bobo, anong gagawin ko?" Tanong ko kay Harrison, habang nasa Gibson's kaming dalawa. Niyayaya namin kanina si Ymir kaso humindi siya.

Madilim pero naiilawan lang kami ng ilang takas na ilaw sa may bandang dance floor. As usual, nasa may VIP booth kaming dalawa. Kanina nandito din si Blaze kaso nga lang ay umalis na siya kasi magbobouncer pa daw ang ungas. Payatot naman ang gago.

"Ano bang alam ko sayo? Gagawa gawa kasi ng desisyon, di rin naman pala kayang panindigan," sabi ni Harrison, sabay inom nung light beer na nasa harapan namin.

I sighed, tapos ay inuntog ang ulo ko sa balikat niya. Si Harrison nanaman yung masasandalan ko. Palagi nalang. Pero nagsasawa ba ako? Malamang hindi.

Uminom nalang din ako at tinignan yung mga nagsasayawan sa baba, sa may dance floor. Mukhang nagsasaya silang lahat. Pero bakit hindi mawala sa isipan ko kung paano akong hindi sinundan o tinanong man lang ni Chen kung bakit.

Ilang taon din akong nagtali ng sarili ko sa kanya. Manlandi man ako ng iba, sa kanya pa din nakatali yung puso ko.

Napailing naman ako at napatawa nang may maalala ako.

"Oh, tatawa ka dyan?" Sabi ni Harrison, at humigop nanaman. Ang kalmado niya ngayon, kumpara sa mga dati.

"Kasi naman may naalala ako, bro. Motto ng mga Zin, pag nagmahal ka wag mong seryosohin kasi kapag sineryoso mo, seryoso din yung sakit. Ako pa talagang panganay ang sisira dyan, ha? Pft. Si Ymir, masaya kay Lili, kahit na malandi yun. Si Akira naman, wala na kaming balita sa buhay niya kasi busy daw siya at basta nagsasarili lang siya madalas. Hindi lang ako yung naganto sa lahing Zin, bro. Isa talaga sa bawat lineup," I said, laughing bitterly.

Ginalaw naman niya yung balikat niya dahilan para malaglag ako sa kinauupuan ko at tumawa siya ng kaunti. Umiling pa siya at uminom nanaman.

"Let it pain you, fool. Go with the flow ka namang bobo ka, di ba? Bat di mo gawin yung dati, yung kahit na wala si Chen, ikaw pa din yung Ziro na best friend kong bobo ka," sabi niya, at tumawa naman ako.

"Bobo ka din. Kayo ni Shin yung best friend ko, di ba? Pero pati si Shin, bobo, kalayo na sakin. Hindi na kami tulad ng dati. Ikaw nalang yung balik sa dati. Nagsasarili na din si Shin, and knowing him? Di papapigil yung lalaking yun," sabi ko, and umiling naman siya.

Tinignan naman niya yung wristwatch niya, sabay na tumayo kaya nagulat ako. Bakit biglaang tatayo to?

"Follow me, bastard," sabi niya, kaya naman ay sinundan ko nalang siya.

Nagiging matinong tao to kapag alam niyang may problema ako, e. Ganun din naman ako kapag siya yung may problema.

Sinama niya ako sa labas, tapos ay hinila hila pa ako. Hindi ko nga alam kung saan kami nagpunta, basta sinundan ko nalang siya.

"Sige pa, gago. Ganyan nga," sabi ni Harrison, tumatawa habang nagbabato ako ng daggers sa target.

May alam naman pala siyang ganitong lugar at hindi lang niya sinasabi sa akin? Saan ba niya to kasi nalaman? Madalas daw siya dito kapag wala siyang magawa, e. Kaso nga lang bow and arrows ang gamit niya at hindi daggers.

"Yes!" Sabi ko, nang mabullseye nanaman ng dagger ko yung isa pang target. Tawa naman siya ng tawa habang natutuwa na rin ako.

Iniisip ko kasi na ako yung target, e.

Chenaire, wait for me. Sa susunod, hindi na ako yung maghahabol sayo. Pangako yan.

✔✔✔
akira xaven zin.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari nung araw na yun. Si Gabrielle at Vance? Bakit ba kasi ako naniwala kay Vance pag sinabi niya na gusto niya ako? Ganun na ba talaga ako karupok sa kanya? Tapos, sa lahat pa ng tao na makakaagaw ko kay Vance, bakit si Gabrielle?

Alam ko na masama na hindi ko hiningi yung explanation niya, pero alam ko naman na, e. May problema din sina Gabrielle at Tavi. Tavi told me, na parang hindi niya alam kung may iuusad pa ba sila, kasi walang mga nangyayari. They never have much time for each other anymore.

"Urgh!" Sigaw ko, habang binato yung picture ni Vance na nakalagay sa likod ng phone ko.

Tinapon ko na din lahat ng mga bagay na related sa kanya. Malay ko ba kasi na mamahalin ko talaga siya?! Dati crush crush ko lang siya? Pero ngayon bakit dalang dala na ako!? Dahil ba nagkaroon ako ng chance sa kanya kaya ganito?

Bigla naman na may kumatok sa kwarto ko, kaya naman ay sumigaw ako. Kung si mama nanaman yan, wala akong gana na sagutin.

"Get away from here!" Sigaw ko, pero nakarinig naman ako ng bitter na laugh sa kabilang side ng pinto.

Huh? Hindi si mama?

"Xaven. Si Ymir to. Lumabas ka nga dyan." Sabi ni Ymir, at nangilabot naman ako sa tono ng boses niya.

He never ever used this tone to me. He was always the playful Ymir when it came to me. He never became the authoritative Ymir, the protective Ymir. He was only like that when he was gonna work for the Rakuzen Council.

Proof that he has two sides, and one of them is not a complete idiot like the other. Probably why Lili fell for him.

"A-Ayoko!" Sigaw ko, at tinakpan yung mukha ko ng unan ko dahil naiiyak ako.

"Akira Xaven. Lalabas ka dyan o pipilitin kitang lumabas? Kuya mo ko. Mukha ba akong walang pakialam sayo?" Sabi naman niya, and I pouted. It was always Lexus who tried to comfort me pero dalawang araw nang wala si Lexus dito sa bahay.

"Kasi naman! Ano bang gagawin ko dyan sa labas?" Sabi ko sa kanya, and I heard him click his tongue.

"Wag mo na akong kwestyunin. Hindi ako nagbibiro ngayon," sabi niya, kaya naman ay nanginig ang laman ko at agad akong tumayo.

Binuksan ko yung pinto at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Ymir, his usual mischievous smirk off his face. This time, he had a blank expression on. Napakunot naman ang noo ko nang makita ko yung kulay ng buhok niya. Nagbago nanaman?

Ngayon, Ash Grey na yung kulay at nagmukha pa siya lalong mature at intimidating dahil dun. I sighed, at tumingin sa likod niya pero tinakpan niya agad.

Hinila niya ako sabay na isinara yung pintuan ng kwarto ko. Dinala niya ako sa dining hall, kaya naman nagtaas ang mga kilay ko. May dining room kami at dining hall sa mansion, pero yung dining hall ay ginagamit lang kapag may importanteng bagay.

"Ymir-"

"Akira. Wag ngayon," sabi niya, kaya naman tumango ako at sinundan nalang siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang makita ko na nakaupo sa head ng long table si... Dad. Then sa right ay si mom. Si Lexus naman ay nasa left at may isang babaeng kamukha ni dad na katabi ni Lexus.

Napatingin ako kay Ymir kaso nga lang ay hindi niya ako tinignan at nagbow muna kay dad ng 90 degrees bago umupo nalang sa tabi nung babae. I sat down beside mom, at nakakunot pa din ang noo.

Bakit nandito si dad?

"Thank you for paying your respects, Xix." Sabi ni dad, and he sent Ymir a stiff smile.

Blangko pa din si Ymir, at mukhang patay ang mga mata. Nasaan yung masayahing Ymir? Nakakatakot yun ganitong side niya, e!

"Everyone must be wondering why I called for a family meeting. Especially since we are six right now. But listen to me, for this is important. Lexus, report your progress," sabi ni dad, and nanlaki ang mga mata ko.

So we're doing this again?

✔✔✔
author's note.
continuation next chapter.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now