the elites ✔ chapter forty seven - meeting, pt. 2

10 1 3
                                    

vance keith mccartney.

"What I'm trying to say here is... pakiramdam ko Elite Trio yung pinapatamaan sa interview na yun," sabi ni Krill, and I sighed.

Nakapaikot kami ngayon sa may backyard namin, nakaupo sa mga seats na dapat sana ay para sa mga bisita at hindi sa mga bwisita.

Nandito silang lahat, sina Leo, Tavi, Ethan, Harvee, Harrison, Theia, Gab, Axelle, Romaine, Arianne, Louise, Lili, Maree, Aly, Krill, Ymir, Leone, Bastille, Akira, Raleign, Shin, Lexus, Chen. Mabuti sana kung nagdala sila ng fries, kaya lang ay nang malaman ni Leo na sa amin daw ang meeting ay nagpaluto siya ng sadyang sinunog na mais.

"Paano mo naman nasabi na Elite Trio yun? Proofs, Krill. Kailangan natin," sabi ni Theia, and almost everyone agreed.

"Basta kung saan kayo, dun ako," sagot naman ni Ethan.

"Isang kabulastugan, Ethan. Pakinggan mo yan, niyari ka nyang mga yan nung first year ka. HAHAHAHA," sabi naman ni Leo, kaya nagroll ng eyes si Ethan.

"Bobo ka ba? E kung i-karate kitang bwisit ka. May nakakalimutan ka," sabi naman ni Ethan.

"Ano, meeting to o asaran niyo?" Sabi naman ni Raleign, kaya lahat sila ay nanahimik.

"As I was saying, I feel like Elite Trio yun. Isipin niyo kasi, hindi ba't kinatikot ninyo yung results ng Interhigh? Napahiya ang Elirè Academies? Maaaring galing sa Elirè ang ininterview dun," sabi ni Krill, and I grimaced.

"Bukod dun?" Sabi ni Shin, hinihimas ang ulo ni Lock.

"His face is blurry. Pero naiimagine ko yung hitsura nung animal na yun. Mukhang kilala ninyo din," sabi ni Krill, and nilabas naman ni Theia yung phone niya.

Ilang sandali ng katahimikan ay biglang nagsalita si Theia.

"Is this the clip?" Sabi ni Theia, at saka hinarap sa amin ang phone niya.

Nagfocus si Krill sa phone, at saka tumango naman.

"Pre, sigurado ka dyan? Hindi ba mainit lang ang ulo mo sa pagkatalo natin sa Interhigh?" Tanong ni Ymir kay Krill, kaya lang ay kumunot naman ang noo nito.

"Ang OA, Ymir." Sabi ni Lili, making him  bite the insides of his cheek as he tilted his head.

"Hindi OA yun, isip ko lang yun. Anything is possible, dapat alam mp yan lalo na at myembro ka ng Nemesis. Alam mo ang kayang gawin ng mga tao ngayon," sabi ni Ymir, kaya naman natahimik ang lahat.

"He has a point," sagot ni Chen, kaya naman napatingin kami sa kanya. "Pero posible rin ang sinasabi ni Krill."

"One more proof, Krill," sambit ni Shin, at nagfocus kaming lahat sa kanya dahil seryoso ang pananalita niya.

"I saw how he glared at us during the Interhigh event. Iba yun, e. Bago pa man mag umpisa ang mga labanan, siya na ang napansin ko dahil sa talim ng tingin niya," sabi ni Krill, at tumayo naman si Shin.

"Uhm, naniniwala ako kay Krill," sabat ni Harvee, kaya naman kinurot siya ni Romaine. "Ow."

"Silence muna," sagot ni Shin, kaya sinunod naming lahat yun.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now