the elites ✔ chapter twenty five - happy

6 1 0
                                    

third person's.

Posting of results. Sino nga bang makakasama sa Interhigh? Every student wished to be a part of the Interhigh, especially because of the Acquaintance Ball. But of course, the memory of last year's ball was still etched across every student's memory.

"Saan ba ipopost? Hala, gusto kong makasama yung cheerleading team!"

"Hindi ko matatanggap kapag hindi ako nakasama sa Interhigh!"

"Dyan sa may bulletin board. Pati kung sino yung makakapasa sa ibang schools na kasali, ipopost dyan!"

Nagsitakbuhan ang mga estudyante sa direksyon ng bulletin board nang magpunta ang isa sa mga teachers upang ipost ang scores. Even the teachers didn't know what to expect, after seeing the results.

✔✔✔
harvee david hamilton.

Nabalitaan ko na naipost na pala yung results ng mga magpaparticipate sa Interhigh, pero hindi pa ako nakatingin dun. Nasa field pa ako at nagdidrills. May mga ilang students din dito, kaya naman hindi lang ako nag iisa.

I sighed. Pinaglaruan ko ang bola sa paa ko, juggling and switching them up before I could strike. Meron akong nakastand by na goal keeper, at pupunta ako sa midfield bago ko sipain ang bola.

May mga nanonood din kahit na nagpapraktis lang ako, pero nasanay na din ako dun.

Inhale, exhale.

I started charging, at umiwas sa mga members ko na inutusan ko na magtackle sa akin kanina. Patuloy ako sa pagforward, kaso nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng sumipa sa shins ko dahilan para bumagsak ako.

"Oh my God, si Harvee!"

"Holy shit, napano siya?"

"Fudge, tumawag kayo ng staff,"

"Yung nurse! Hala, jeez, he looks so hurt,"

Pinalibutan ako ng mga kagrupo ko, tsaka ako pumikit matapos na suriin yung shin ko. Fudge, it fucking hurts.

Para akong sinipa ng isang athlete na katulad nila Beckham, malakas at nakakatakot.

"Harvee? Kaya mo pa?" Tanong ni Kryss, at tumango naman ako.

"Y-Yeah, aalis din to mamaya," sabi ko, at sinubukan na tumayo kaso ay sumakit pa din. "Jeez."

Naramdaman kong itinayo nila ako, and Lee placed my arm around his shoulders. Nginitian ko naman siya and smiled at the goalkeeper na inutusan ko, reassuring them that I was fine at wala ito. Kahit na masakit.

If anything, baka iika ika ako ng ilang araw. Parang... hindi aksidente yung nangyari. Parang sinadya at pinwersahan na sipain yung shin ko para mainjure ako.

Nadaanan naman namin si Harrison nang papunta kami sa infirmary, kaya naman tumigil sila dahil pinatigil sila ni Harris. I groaned, at umiling siya.

"Napano ka, Harvee?" Tanong niya, and I shook my head.

"Wala to, normal lang to," sabi ko, at umiling nanaman siya.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now