the elites ✔ chapter seventeen - serenity

8 1 0
                                    

harvee david hamilton.

"So, anong ginawa niyo nung nawala ako? Nagtrain ba kayo?" Tanong ko dun sa mga dati kong teammates sa football na siya ring makakasama ko pala sa football club this year.

Napagusapan nila na sa pagdating ko daw, ako ulit yung magiging team captain, pero nalaman ko hindi sila gaanong nagtetrain ng wala ako.

"Um, kase, hindi namin alam yung gagawin namin. Wala ka, tapos wala na din si Romaine nun na tumutulong sa aten," sabi ni Lee, at umiling naman ako.

"Ahh, so ganun? Okay. Then babawi tayo ng training ngayon. Lahat ng hindi natin nakuha nung magkakahiwalay tayo, babawiin natin yan. Next week na daw ang Interhigh," sabi ko, and they nodded.

"Oi, pero walang anuhan, pano pala si Romaine? E gusto mo yun non? Parang sila nung gwapong president ng Shinzen, e," sabi ni Lee, at binatukan ko naman dahilan para magtawanan yung iba naming kateam.

"Siraulo ka. Bat ka nagsasabi ng ganyan. Bad yan-"

"Ako? Si Sev? Don't worry, Hamilton. Hindi kami," sabi ng isang boses sa likod ko, and tumalikod naman ako para harapin siya.

There Shinzen was, his face blank as he adjusted his specs that I think he only wears when he reads kasi may hawak siyang libro ngayon. Ano naman?

"Hindi ko tinanong, Shinzen." Sabi ko sa kanya, at nginitian ko siya ng kaunti.

"Well, hindi ko naman tinatanong kung tinanong mo, so..." sabi ni Shin, and I chuckled.

"Kaya nga. Sabi ko nga." Sabi ko, at nagtawanan naman sila.

"Oof, sige," sabi ni Shin, raised his ba d as a goodbye at umalis na.

Napakunot naman yung noo ko pag alis niya. Tinignan ko sina Lee, at nagshrug naman sila.

Pumalakpak naman ako sabay nagjog backwards.

"Okay! Start. Warm up muna, guys. Ako nawarm up na ako kay Shin. Joke. Sige, game," sabi ko, tapos ay nagtawanan kami.

God. Anong gagawin ko?

"Hala, sabi ko na sayong siraulo ka, iiyak si Leone, e!" Rinig kong boses ng babae habang nasa mall ako.

"Hala, ano bang pakialam ko kung umiyak yun, e nirerealtalk ako ng nirerealtalk? Kinain ko lang naman yung lollipop niya?" Sabi naman ng isa pang babae, kaya tinignan ko sila.

I widened my eyes nang makita ko kung sino yun. Si Romaine with Akira Zin.

"Yun na nga, Aki. Lollipop niya pa. Eh babies niya yun?" Sabi ni Romaine, and Akira pouted.

"Punyeta naman. Umiiyak na siya. Anong gagawin ko?!" Sabi ni Akira, at nagtawanan naman sila.

"Bilhan mo ng isang jar. Siraulo ka talagang bata ka," sabi ni Romaine, at iniwan siya ni Akira.

Nasa foodcourt lang naman kami, at pinag iisipan ko kung lalapitan ko pa si Romaine o hindi. Umiinom siya ng hot chocolate, at nakatingin lang sa direksyon na pinagpuntahan ni Akira.

I cursed, nang magtama ang paningin namin. She gave me a smile, and I scratched the back of my neck as I approached her.

"Harvee?" Sabi niya, and I nodded.

the elites || the elite trio #2Where stories live. Discover now