the elites ✔ chapter thirty six - rosenfeld

8 2 1
                                    

xena eitè rosenfeld.

YEARS AGO.

"Sigurado ka ba? Hindi tayo mahuhuli dito?" Tanong ni Sandy habang tumatakbo kami sa front yard ng mga Zin.

Friends kasi sina Sandy sa pangalawang Zin kaya libre kaming nakakatakbo takbo dito. 8 palang kami, pero sa tingin ko ang boring na yung puro laro laro lang kami at takbo takbo. All I want to do is just read books at mag improve ng intellectual skills.

"Hindi ka ba naliligaw dito?" Tanong ko sa kanya, at umiling naman siya sabay tumawa.

"No, never. Hindi pa ako naligaw! Isa pa, nandito naman yung parents ko, tsaka naisama ka naman namin. Why can't your parents just bring you to Japan with them?" Sabi ni Sandy, habang nagcrouch at pinagpag ang hem ng dress niya.

Lumingon ako palayo at saka naman tumakbo palayo sa akin si Sandy.

"Hide and seek! You're the seeker, Xena!" Bigla niyang sabi, kaya naman nanlaki ang mga mata ko at napasandal sa may wall na namamagitan sa front yard at butterfly garden ng mga Zin.

Wala naman akong nagawa kundi ang umalis nalang dun at humarap sa isang malayo layong puno saka dun nagbilang. Hindi naman agad agad na magpapahanap si Sandy, e.

"100! READY OR NOT, HERE I COME," sabi ko, at saka dahan dahan na naglakad habang lumilingon lingon in case na makita ko siya.

Nakailang ikot na din ako, kaya lang ay hindi ko talaga siya mahanap. I sighed, at saka ipinunas ang kamay ko sa white na sundress na ipinasuot sa akin. Nakita ko naman ang butterfly garden, at saka pumasok nalang ako dun.

"W-Wow," banggit ko, sabay inilibot ang mga mata sa nakitang mga naggagandahan na mga paruparo.

Natigil naman ako nang makarinig ako ng footsteps sa loob din ng garden na yun. Agad akong lumingon, at saka nagulat nang makakita ako ng batang lalaki na nakasimangot at nakapameywang pa habang nakatingin sa akin.

"Who are you? Are you my bride?!" Sigaw niya sa akin, at nagulat naman ako.

"What bride?! Noooo! Get away from me!" Sabi ko, at saka tumakbo palayo kaya lang ay tumawa siya at hinabol ako.

Iwas ako ng iwas sa kanya pero takbo naman siya ng takbo para habulin ako. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako hinahabol!

"NO! ONCE I CATCH YOU, YOU WILL BE MY BRIDE SO I CAN HAVE ANOTHER PLAYMATE ASIDE FROM SANDY WHO ALWAYS PICKS ON ME! SHE ALWAYS TAKES MY LAYS!" sigaw niya, at natigilan naman ako sabay tumawa.

"Oh, so you want a playmate? I can always come!" Sabi ko, nakangiti ng malawak.

Binigyan niya din ako ng malawak na ngiti, kaya lang ay natigil ako nang bigla niya akong sugurin ng yakap. Niyakap niya ako ng napakahigpit at hihiwalay na sana kaya lang ay nauna siya at may kinuha sa bulsa niya.

Tinignan ko yun, isang singsing na may nakalagay na crest. Napataas ang mga kilay ko. Ano kaya ito? Para saan ito? Bakit ang laki pa?

"H-Ha?" Tanong ko, at ngumiti siya ng malawak.

"That is proof that you will be my playmate! That marks you as my playmate! Don't tell Sandy because hindi ko binigay sa kanya yan," sabi niya, at ngumiti naman ako sabay ibinulsa yun dahil may bulsa ang dress ko.

"Thank you-"

"Ymir Xix Zin! The most handsome Zin you will ever meet! My kuya is less handsome because he is older. Yuck, oldie," sabi ni Ymir, at nagtawanan naman kami.

Sasabihin ko na sana yung pangalan ko, kaya lang ay biglang lumitaw si Sandy at hinila ako palayo.

"Bye, loser! We're going home!" Sabi ni Sandy, at nagtinginan kami ni Ymir.

"Promise you'd come back next week!" Sigaw niya, at tumango naman ako bago tuluyang makalayo kami ni Sandy.

Hindi ko nasabi ang pangalan ko, at nakapaghiwalay na kami.

That was the last day I saw him, until recently.

✔✔✔
ymir xix zin.

"Bakit ka nandito?" Bungad ko kay Xena, at umiwas naman siya ng tingin kaya I rolled my eyes.

Maayos ko na nga siyang kinakausap tapos hindi niya haharapin ang gwapong tulad ko?

Ano ba naman?

Lumingon lingon pa ako, at saka napansin na walang ibang tao dito. Ano ba? Kailangan talagang kaming dalawa lang dito?

I scoffed, at saka tumingin pabalik sa kanya.

"At dinala mo pa ako dito, e ayaw kong nagpupunta sa clinic?" Sabi ko sa kanya, at agad naman siyang napatingin sa akin.

"Anong gusto mo? Iniwan ka dun na walang malay? Na walang buhay, in case?" Biglang tanong niya sa akin, na siya namang nagpagulat sa akin.

Anong pakialam niya?

"E ano naman?" Tanong ko, my brows furrowed and my lips in a pout.

"Ewan ko sayo, Ymir! Bahala ka nga!" Sabi niya, at tumayo na kaya lang ay hinila ko yung kamay niya.

Tinignan ko yun, at saka pinansin yung singsing na nasa daliri niya. Zin crest ring. My brows slowly furrowed nang makita ko yun.

Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa kamay niya, at saka dahan dahan kong hinawakan yung crest ring.

Crest ring na mga Zin lang ang may hawak. Sila Lexus at Akira ay lagi lang na nasa bulsa nila yun o kaya ay ginagawang necklace, pero yung akin?

Wala na sa akin yung akin.

"I-I can give it back now, just let go of my hand," sabi niya, at biglang nawalan ng emosyon ang mga mata ko saka ko siya tinignan ng blangko.

"Why? Why, Xena?" Tanong ko, at kumunot din ang noo niya. "Bakit hindi ka bumalik? Araw araw akong naghihintay nung mga bata pa tayo? Nawalan na ako ng pag asa na maghintay nung maggraduate ako ng middle school. Aminin mo, nagplano ka ba talagang bumalik? Iniwan niyo ako ni Sandy."

Umiwas siya ng tingin, at saka hinila paalis ang kamay niya. Hindi ko na yun kinuha pabalik, then smirked bitterly.

I tilted my head to the side, at saka pinagmasdan siya.

She took the ring off of her finger, at saka binato sa akin yun.

"Rosenfeld. That's my last name."

Nanlaki ang mga mata ko, at saka nasapo ang crest ring, kaya lang ay nawalan ako ng lakas na habulin siya dahil hindi ko agad inasahan yun.

Tumayo naman na ako, at saka agad na tumakas sa clinic dahil wala ang nurse, pero nanghihina ako ng kaunti.

Narinig ko na ang sigawan sa hall, nag aannounce na ba ng winners? Teka-

Bumukas ang hall, at nakatingin sa akin ang lahat.

Tsaka ko naman napansin sa harapan na nasa taas ng stage si Xena, receiving the crown of the 1st runner up in Ms Interhigh.

Hinihingal akong napatigil, hinihintay na magtama ang paningin namin o kaya naman ay iannounce na ako ang makakasama niya.

"Mr Interhigh 1st runner up, Lyle Hilliker!"

Pero hindi.

the elites || the elite trio #2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt